34

137 2 0
                                    

"Dali na Ser! Pabebe neto, pirmahan mo na!" Pumadyak-padyak pa ako at habang hawak ko ang printed copy ko ng pangalan ng mga teacher at subject nila, kailangan pirmahan nila ang clearance ko para wala na akong problema sa graduation!


"Mamaya na, nakita mong kumakain pa 'ko 'diba?" Tinaasan pa nya ako ng kilay.


Nandito kami ngayon sa faculty ni Ma'am Celyn at dumayo ng kain. Nagluto na naman kasi si Ma'am Celyn at syempre may libreng lunch na naman ako.


"Sandali ka lang naman pipirma ang arte mo." Umirap pa ako.


"Eh kung 'wag ko kayang pirmahan 'yan para hindi ka maka-graduate?" Sinusungitan na naman nya ako. Sinasabi ko na nga ba eh! Mabait lang sya noong isang linggo kasi birthday ko! Ngayon na hindi ko na birthday sinusungitan na naman nya ako! hmp!


"Ma'am oh, Si Sir Francis inaaway na naman ako." Tumitig ako kay Ma'am na parang asong nanghihingi ng tulong.


"Naghahanap ka pa ngayon ng kakampi? Ayos ka ah." Sumandal pa sya sa upuan at parang sinasabi pa nyang pilitin ko sya para pirmahan nya 'tong clearance ko.


"Pirmahan mo na Francis, ikaw rin. Kapag hindi naka-graduate si Fana, baka tumanda kang binata---"


"Akin na nga 'yan! Sinabi na kasing kakain lang muna ako! Ang kulit mo talaga!" Inaasahan ko na pipitikin nya ang noo ko tulad ng palagi nyang ginagawa pero, iba ang ginawa nya. Marahan lang nyang pinisil ang pisngi ko.


Sa sandali ding 'yon hindi ako nakaimik. Parang, parang may iba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag? Nagsimula 'to noong birthday ko nung tinitigan ko sya tapos ngayon ito na naman.


"Oh, tapos na. Sumabay ka nang umuwi sa'kin mamaya." Inabot nya sa akin ang papel at parang ang bait-bait ng pagkakasabi nya na sumabay ako sa kanya.


Kinikilabutan na ako ah, baka may kapalit 'tong pagiging mabait nya ah! Baka mamaya bigla na lang syang may ipagawa sa'kin na hindi ko matatanggihan kasi nga nagiging mabait naman sya sa'kin. Nako Sir!


"Hindi na. Baka daanan ako ni Andy mamaya, sasabay na lang ako sa kanya." Pagdadahilan ko na lang dahil baka daanan nga ako ni Andy kasi tuwing hapon naman dumadaan sya dito sa school para isabay akong umuwi dahil hindi naman kalayuan ang pinagtatrabahuhan nya sa school, ang kaso lang si Sir Francis na bigla na lang susulpot sa kung saan at papaalisin si Andy dahil sya daw ang maghahatid sa'kin.


"Sino sumusundo sa'yo?" Nakakunot noong tanong nya.


Hays, tanga naman pumick-up nito. Sabi ko dadaanan hindi susunduin.


"Si Andy." Sagot ko na lang. Inaayos ko na rin ang bag ko para diretso na akong uuwi mamaya, wala naman nang klase dahil wala na kaming gagawin. Pwede na nga akong hindi pumasok dahil tapos na akong papirmahan sa mga teacher namin 'yung clearance ko at ipapasa ko na lang sa adviser namin.


"Heh, sabihin mo ako maghahatid sa'yo." Biglang nagbago ang mood nya at bahagya pang nakasimangot na parang tanga.


Kasuka.


"Ayoko nga, magkaiba tayo ng daan Sir. Magsasayang ka lang ng pamasahe kung ihahatid mo ako."


"Dala ko 'yung kotse kaya hindi ka pwedeng tumanggi. Baka gusto mong bawiin ko 'yang pirma ko sa clearance mo." Pangba-blackmail nya.


Napa-irap na lang ako at pumayag rin. Ayos na rin siguro 'yon, makakalibre na naman ako ng pamasahe.


"Francis." Sabay kaming napatingin kay Ma'am Celyn dahil sa sobrang pagkaseryoso ng boses nya.


Nakatitig si Ma'am sa phone nya at lumipat ang tingin kay Sir.


"Aunt Ava is coming home to philippines to visit you, but, but she did not say the exact date when she will come home." May bakas ng nerbyos sa boses ni Ma'am Celyn.


Aunt Ava? Sino 'yon? Bakit namutla ng bongga si Ma'am Celyn nung binanggit nya 'yung Ava?


"What!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sir. "No! She can't go home! I mean ... I mean Why? why is she going home?! She doesn't have to go home! Don't give her my address!"


"I-I'm sorry... but I have to..." Hindi makatingin ng diretso si Ma'am kay sir Francis.


"Teka, sino ba si Ava? Bakit para kayong may anemia at pareho kayong namumutla?" Nagtatakang tanong ko.


Sino ba si Ava??


Napabuga ng malalim na buntong hininga si Sir at napasandal ulit sa upuan.


"My mom." Iritadong sagot nya. "Lilipat ako sa condo, ibibigay ko na lang ang address ko pero 'wag mo nang ibibigay kay Mama." Sinundan ulit nya ng malalim na buntong hininga sabay tingin kay Ma'am Celyn.


"Francis, hanggang kailan mo ba iiwasan ang Mama mo? Mama mo pa rin sya." Mahinahong tanong ni Ma'am.


Iniiwasan? Iniiwasan ni Sir ang Mama nya? Mabuti nga sya pwede pa nyang makasama ang nanay nya tapos iniiwasan pa nya? Kung ako 'yon baka hindi na ako umalis sa tabi ni nanay.


"Hanggang hindi nya ako hinahayaang mamuhay sa buhay na gusto ko, hindi kami magkakaayos." May diing sagot ni Sir.


"Ganyang-ganyan din ang isinagot mo kay Uncle bago tayo umalis ng UK." Naiiling na bumuntong hininga si Ma'am.


"Teka, sinabi ba ni Mama na kasama nya si Dad?!" Nabuhay na naman ang iritadong reaksyon ni Sir.


Ano bang drama sa buhay ni Sir Francis?! Dati ayaw nyang banggitin ko ang pangalan ng tatay nya dahil may something tapos ngayon naman parang may galit pa sya sa sarili nyang ina.


"She didn't say anything. Ang sabi lang nya na maghanda ka daw dahil pauwi na sya. And, I'm pretty sure na pareho tayong mapapagalitan." Bagsak balikat si Ma'am Celyn habang nililigpit ang kinainan nya.


"Sorry for dragging you---"


"It's okay, I'm good. Mula noong sumama ako sa'yo papunta dito, parang sinangkot ko na rin ang sarili ko sa gulo ng pamilya mo." Mahinang natawa si Ma'am.


"You don't deserve this." Mahinang boses na sagot ni Sir.


"Teka lang, hindi ako maka-relate sa inyong dalawa." Napakamot pa ako sa noo ko dahil wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila.



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now