44

112 2 0
                                    

Ang aga pa nagising na ako dahil sa sobrang lagkit ng pakiramdam ko at init na init ako. Naligo naman ako kagabi bago natulog pero bakit ang init init!


Tutok na tutok na nga sa akin ang electric fan tapos para pa rin akong nasa loob ng sinusunog na bahay!


"Kailan ba magkaka-snow sa pilipinas, kikyam na buhay 'to oh!" Inis akong bumangon para makaligo agad at mabawasan ang init pero saktong pagtayo ko ay kumaripas din ako ng takbo papasok ng banyo nang maramdaman kong may kung anong tumulo, at sigurado akong iyon ang buwanang dalaw ko dahil late na nga dumating eh!


"Talaga nga naman! Ang sarap maging babae!" Iritadong sabi ko habang kumukuha ng sanitary pads sa kabinet.


Kapag talaga may dalaw ako parang ayaw ko nang lumabas ng banyo, ayan tuloy inabot ako nang halos isang oras bago ako natapos maglinis ng katawan at naka-ilang kabit din ako ng napkin dahil pumapaling! Kaunting galaw mo nasa kaliwa na agad o 'di naman kaya nasa kanan!


Agad na sumalubong sa akin ang cute kong baby Franchis at alam kong gutom na rin sya kakahintay sa'kin na lumabas ng banyo.


Mauubos na nya ang dog food na binili ng Dada nya dahil sa sobrang lakas kumain. Wala akong alam sa mga aso kaya hindi ako sigurado kung normal lang ba na mataba ang mga Chow Chow na breed ng aso, 'yon ang sinabi sa'kin ni Francis na breed ng baby Chis ko.


"Hinay-hinay lang sa pagkain ah, baka hindi ka na lumaki at tumaba ka na lang ng tumaba." Nakangiting sabi ko habang pinapanood syang kumain.


"Andre labas dyan!" May malakas na kumatok sa pintuan ko. Nagsabulong naman ang kilay ko at binuksan ang pintuan.


"Mali ka ata ng kinakatok." Malumanay kong sabi nang makita kong nakatayo sa labas ng unit ko si Chandler.


"Ay sorry Miss! Sabi ni darling Jade ko dito daw ang unit ng pinsan nya." Nakangiti namang sagot nya.


Darling Jade huh.


"Dito sya sa floor na 'to pero iyon ang pintuan nya." Tinuro ko ang katabi kong pintuan.


"Ah! Salamat! Pasensya na sa istorbo." Nahihiya pa syang napakamot sa ulo.


May nag-udyok naman bigla sa akin na magtanong sa kanya.


"Ah wait! Ikaw si Chandler 'diba?" Nagdadalawang isip pa ako dahil baka ma-offend ko sya sa itatanong ko pero why not naman 'diba kung wala namang masama sa itatanong ko.


"Ako nga. 'Yung number 7 na tinitilian ng mga girls." Unti-unting nawala ang ngiti ko nang makaramdam ako ng malabuhawing lakas ng hangin.


"Oo, 'yung seven na palaging bangko." Napatakip ako sa sarili kong bibig nang maisip ko kung ano ang sinabi ko. "Sorry---"


"Honey--- Ah... Eh... Mr. Tyson, what are you doing here?" Katulad ng reaksyon ni Francis ay para din akong sinasakal dahil sa kaba at nerbyos dahil ang lakas pa ng boses nya noong nakangiti syang lumalapit at tinawag pa akong Honey. Kagabi pa 'yan eh, honey ng honey kaya naiirita ako.


"Mr. Scent! Good Morning Sir! Kayo po? Ano pong ginagawa nyo dito?" Medyo nagtago na ako sa loob pero bukas pa rin naman ang pintuan ko, ayaw ko lang na ako ang mabalingan niya ng tanong na 'yon.


"N-nothing, ah.... S-si Andy ang p-pinunta ko, lumampas lang." Pagpapalusot niya.


Gandang umaga naman oh! Sa itsura ng Chandler na 'to parang sya 'yung tipo na gwapo pero hindi mapagkakatiwalaan ng sikreto kaya mabuti nang mag-ingat at baka makahalata.


"Ah si Andre! Ako din Sir sya rin hinahanap ko eh. Nakaistorbo pa nga ako dahil pintuan pala ni Miss Beautiful 'yung nakatok ko." Kumindat pa sa'kin 'tong kuyumad na 'to.


"Say what? Miss ano?" Rinig at ramdam ko ang gigil sa tanong na 'yon ni Francis.


"Miss Beautiful, Sir." Proud pang inulit ni Chandler ang sinabi nya at iyon ang nagpadilim ng mukha ni Francis.


A-ako? Maganda? Duh, alam ko!


Love yourself first.


"Did you know that calling someone or strangers 'Miss Beautiful' with horny sound was a part of catcalling? And catcalling was part of Republic Act 11313, known as the Safe Spaces Act. The penalties in this kind of cases was a fine of 20,000 to 50,000 pesos or imprisonment of not less than 1 to 6 months? Alam mo ba 'yon Mr. Tyson?" Seryosong tanong ni Francis habang nakapamulsa pa ang dalawang kamay at seryosong-seryosong nakatingin kay Chandler na napanganga lang at hindi alam ang isasagot.


"H-hindi ko po kasi alam ang pangalan nya Sir t-tsaka maganda naman po sya kaya nga Miss Beautiful. H-hindi ko naman po alam na catcalling pala 'yon... S-sorry Miss..." Luluhod pa sana sya pero pinigil ko na agad.


Ito talagang gagong Francis na'to! Kahit ako man ang sabihan ng ganon matatakot at mamumuti ang dugo ko sa kaba at nerbyos! Namumutla tuloy si Chandler ngayon!


"Tumayo ka, 'wag mo na lang pansinin ang sinabi ni Sir." Bulong ko at inalalayan ko pa syang tumayo pero umiwas sya bigla at nerbyosong tumingin sa akin.


"K-kaya ko na Miss, baka may Republic Act blah blah na namang ibato sa'kin si Sir at matuyuan na ako ng tubig sa katawan." Sabay punas nya sa pawis nya.


Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang dumating si Jade at agad na tumakbo si Chandler palapit sa kanya at nagtago sa likod.


"A-ayoko na dito, Darling, baka bukas nasa kulungan na ako." Kahit malayo ay rinig ko pa rin ang binulong ni Chandler. Agad din namang tinanggal ni Jade ang hawak ni Chandler sa kanya at mukhang ayaw na ayaw na hinahawakan sya ng ganon.


"Bitawan mo nga ako!" Inis na sabi ni Jade sabay kumatok ng malakas sa pintuan ni Andy. "Hoy Andy! Ang sabi ko sa'yo kapag manghihiram ka ng gamit matuto kang magsauli!! Buksan mo 'to o sisirain ko 'tong pesteng pintuan mo!"


Habang abala sila ay pasimple akong bumulong kay Francis.


"Umalis ka na, hindi kita pwedeng papasukin baka makahalata sila." Nangunot ang noo nya sa sinabi ko.


"Ayaw ko nga, kaya nga maaga akong pumunta dito para samahan ka tapos papaalisin mo ako?" Pagmamaktol nya.


"Shh!!!" Mahina ko syang tinapik. "Oo alam ko! Bumali ka na lang kapag wala nang ibang tao na makikitang papasok ka sa unit ko para siguradong walang issue.


"Oo na, basta babalik ako..."


Medyo nakonsensya ako habang pinapanood syang bagsak balikat na naglalakad palayo.


Ang hirap naman kasi ng sitwasyon namin eh. Teacher at estudyante may relasyon.



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now