72

32 1 0
                                    

"Hanggang kailan mo ako iiwasan? Jusko naman Andy noong nakaraang linggo ka pa nakakaganyan. Napagsabihan lang kita sa simpleng bagay." Napasapo pa ako sa noo ko habang ang isang kamay ko ay hawak ang kamay ni Faye dahil papunta kami ngayon sa bagong bukas na park, hindi kalayuan sa school.

 

"Mama I want to swing!" Tumingala siya sa akin at tinuro ang swing. Papalapit pa lang kami sa park pero ang dami na agad niyang gustong gawin.


"Sure, basta ang sabi ko sa'yo kapag may kumausap sa'yong stranger iwasan mo agad or tawagin mo ako, okay?" Tumango naman siya kaya hinayaan ko na syang magtatakbo palapit sa swing kung nasaan ang ibang mga kakilala niyang bata.


"Teacher Fana! Nandito rin po kayo! Where's Faye po??" Tuwang-tuwang tanong ni Jianna. Nagulat pa nga ako dahil may biglang humawak sa kamay ko, si Jianna lang pala.


"Nasa swing si Faye, ikaw, sinong kasama mo?" Nakangiting tanong ko.


"I'm with my grandma!" Malapad ang ngiti niya sabay turo sa babaeng nakasunod sa kaniya. May kausap ito sa telepono kaya mabagal ang paglalakad.


Ang laki nang pinagbago ng itsura niya, tumanda ngunit naroon pa rin ang pagkamataray ng awra ni Mama— Aunty— Ano ba ang itatawag ko sa kanya?! Ma'am Jem?! Madam? Senyora?!


Nang makita kami ni Faye agad syang nagtatakbo palapit sa amin at niyakap ng mahigpit si Jianna. Kahapon lang magkasama sila pero kung magyakapan parang isang taong hindi nagkita.


"Faye this is my grandma! Grandma she's my bestfriend, Faye!" Masayang ipinakilala ni Jianna si Faye sa lola niya.


Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil biglaan ang nangyari.


"Hi po." Nahihiyang nagmano si Faye pero iniiwas ng matanda ang kamay niya.


"Grandma doesn't like "mano", she likes beso." Kumindat pa si Jianna kay Faye.


"That's my girl, you know me well, apo." Nakangiting hinamplos ng matanda ang buhok ni Jianna. "Beso, iha. I would love that." Sabay nakangiti itong tumingin kay Faye at medyo naupo upang magkapantay sila.


Tumingala naman sa akin si Faye at tumitig sa akin na para bang nagpapaalam na kung pwede ba syang bumeso sa matanda. Tumango naman ako kaya humalik sya sa pisngi at tipid na ngumiti.


"Agh that's so sweet." Ngumiti ang matanda ang mahinang pinisil ang pisngi ni Faye.


"Hi po, she's my Mama." Ipinakilala ako ni Faye. Magtatago pa sana ko sa likuran ni Andy pero pinagtaksilan ako ng magaling kong boyfriend at itinulak pa ako palapit sa matanda.


"Mamaya ka sa'kin!" Pagbabanta ko nang pabulong pero ngumisi lang sya at parang sinasabi pang deserve ko 'to.


"Fana?" Bakas ang pagkagulat sa mukha ng matanda. Medyo nakayuko pa ako dahil hindi ko alam kung paano ko sya pakikiharapan.


"H-hello po, Ma'am. . ." Naaalala kong ayaw niya ang nagmamano sa kaniya pero siguro dahil nabigla rin siyang makita ako ay ibinigay niya ang kamay niya at hinayaan akong magmano. "K-kamusta po kayo. . ."


"Ikaw ba talaga 'yan?" Pinakatitigan niya ako na para bang hindi talaga niya nakikilala ang mukha ko.


"O-opo. . .  Medyo nag-mature lang, hehe. . . " Awkward kong pag-ngiti.


"You grew up well and your beautiful face came out even more. . .  Hindi kita nakilala. It's been almost seven years since I last saw you and I didn't expect that you already have a child. A very beautiful child——" Napatigil siyang magsalita at katulad nang inaasahan ko ay pasimpleng nagbalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Faye.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now