70

37 2 0
                                    

Habang masayang kumakain ang mga bata ay pasimpleng hinahaplos ni Francis ang buhok ni Faye pero nahihirapan siyang kumuha ng hibla dahil nakatirintas ang buhok nito kaya naman nakaisip siya ng bago. Hihintayin niyang matapos kumain ang mga bata at pasimple niyang kukuhanin ang kutsarang ginamit ni Faye.


Malayang nakakagalaw si Francis dahil wala si Janaih na pumipigil sa kaniya, nasa banyo ito at naliligo.


"Yaya I'm done na po." Rinig ni Francis na sabi ni Faye sa yaya nito.


"P-pwede bang makisuyo ng tissue." Inutusan ni Francis ang yaya ni Faye at nang sumunod ito ay dali-dali niyang kinuha ang kutsara at pinalitan ng ibang kutsara bago pa man bumalik at yaya at ibigay sa kaniya ang tissue. "Thank you."


Muli siyang bumalik sa opisina at inilagay sa plastic ziplock ang kutsarang nakuha niya. Hindi na siya nagsayang ng oras at agad na umalis para dalhin sa isang kakilala niyang kaibigan upang ipa-DNA test ang saliva ni Faye.


Kinahapunan na nakabalik si Francis sa bahay at naabutan pa niya si Faye at ang yaya nito na nagliligpit na para makauwi na.


"Uuwi na kayo?" Tanong ni Francis.


"Opo sir, mag-aabang ho kami ng taxi dahil may emergency meeting daw po ang Papa ni Faye kaya hindi kami masusundo, hindi naman po sanay mag-drive si Ma'am Fana kaya sinabi nyang mag-iingat na lang kaming mag-taxi." Sagot ng yaya ni Faye.


"Ganon ba... Sumakay na kayo sa kotse, ihahatid ko na kayo." Ito na lang ang naisip ni Francis para mapahaba pa ang oras na makikita niya si Faye.


Habang nasa byahe sila nakatulog na ang bata. Mahinang natawa si Francis nang makita sa salamin kung paano matulog ang bata, kaparehong-kapareho ng Mama niya.


"Diyan lang ho sa may tabi, sa itim na gate." Sabi ng yaya at doon huminto si Francis.




Fana's POV

Kanina pa ako naghihintay sa may terrace dahil hindi ako mapakali, gabi na at wala rin si Rosalyn at Faye. Nagka-emergency meeting kasi si Andy, eh hindi naman ako sanay pang magmaneho, hindi tuloy nasundo sila Faye.


Madilim na kaya mas lalo akong hindi mapakali. Bigla tuloy akong nagsisi na pinayagan kong maglaro si Faye kala Jianna.


Sa kalagitnaan ng paghihintay ko ay may itim na sasakyan ang huminto sa harap ng gate namin, hindi naman mukhang taxi kaya hindi ko pinansin. Taxi ang hinihintay ko dahil nag-commute lang ang anak ko at ang yaya nya.


Pumasok ako sa loob ng bahay para tumawag sa landline. Tatawagan ko si Rosalyn at tatanungin ko kung nasaan na sila para naman mabawasan ang pag-aalala ko.


"Ma'am Fana, nandito na ho kami." Agad kong binitawan ang telepono nang makita ko si Rosalyn dala ang mga gamit at laruan ni Faye. "Pasensya na po at ginabi kami, si Faye po kasi ayaw pang umuwi kanina eh hindi ko naman po mapilit umuwi.." Pagpapaliwanag niya.


"Hindi na mahalaga 'yon, ang mahalaga nandito na kayo." Nakahinga na ako ng maluwag dahil nandito na sila. "N-nasaan si Faye?" Tanong ko nang hindi ko makitang pumasok si Faye.


"Nandiyan ho." Sumilip muli sa pintuan si Rosalyn. "Sir, pasok ho kayo."


Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko nang makita ko si Francis na buhat-buhat ang anak ko na mahimbing nang natutulog.


Nabuhay ang galit at poot sa dibdib ko nang makita kong hawak niya si Faye. Parang isinampal sa akin ang nakaraan at bumalik lahat ng mga masasakit na salitang ibinato


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now