12

157 5 0
                                    

''Good morning po ma'am'' Pagbati ko sa teacher na nakasalubong ko.


''Okay ka na ba Ms. Santa Cruz?'' Tanong ni ma'am.


Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni ma'am kaya hindi agad ako nakasagot.


''Nagpadala ng excuse letter si tatay mo ang sabi isang linggo ka na daw nilalagnat kaya hindi ka nakakapasok, okay ka na ba?''


Oo nga pala hindi ako pumasok ng isang linggo dahil sumabit ako sa bakasyon ni sir Francis at ma'am Celyn.


''O-opo'' Sagot ko na lang.


Grabe naman si tatay may lagnat talaga? nagkatotoo ata 'yung nasa excuse letter dahil nilagnat nga ako pero hindi naman isang linggo, ilang araw lang naman.

--

''Fana Santa Crus?''


''Present sir!''


''Himala hindi ka late?''


''Gulat na gulat?-- ah eh hindi po sir'' Agad kong binawi ang sinabi ko nang pagtinginan ako ng mga kaklase ko.


Naglabas ako ng notebook at nagsimulang mag take note ng mga important details sa dinidiscuss ni sir. Sa isip isip ko ay tumatawa na ako dahil walang kaalam alam ang mga kaklase ko na si sir Francis na crush ng mga babae sa school ay kaclose ko at nakakasabunutan ko pa.


Mahaba haba ang naging discussion ni sir 'di halatang namiss nya magturo. Isang linggo kong nakasama 'to bilang Francis at hindi bilang 'sir' Francis, mas maattitude pala sya kapag nakatalikod sa pagtuturo. Akalain mo bang makikipagsabunutan sa'kin 'tong pota na'to? Kung hindi ko sya crush baka inisip ko nang bakla sya.


''Sir?'' Nagtaas ng kamay 'yung isa kong kaklase.


''Yes?''


''Kamusta bakasyon nyo sir? nakakamiss po kayo magturo'' Kinikilig pa. Tss ano nakakamiss dyan?


Natawa naman ng bahagya si sir at mukhang nahihiya. Plastik talaga oo.


''Maayos naman, nag-alaga ako ng may sakit'' Sagot nya.


Nag-alaga ng may sakit? Ako ba tinutukoy nya?! aba!


''May sakit? sino po? Kapatid nyo ba sir?''


''Hindi. Nakita ko lang palaboy laboy, may sakit kaya inalagaan ko''


Nagsalubong ang kilay ko at gusto ko nang umangal sa usapan nila. Balaboy?! naawa?! inalagaan?! Hindi nga nya ako inalagaan! imbis nga na ibigay nya nang maayos 'yung gamot eh itataas pa nya at ipapaabot sa'kin para lang asarin ako!


''Ang bait nyo naman sir!'' Nagtilian pa 'yung mga babae kong kaklase at kilig na kilig nang tumawa si sir Francis.


Anong nakakakilig sa tawa nyan hah?! nakakainis nga!


''Eh sir sino naman po 'yung masuwetreng tinulungan nyo?'' Tanong pa ng babae 'to.


Tumingin sa'kin si sir at tumawa bago umiling iling.


''Si Fa--''


''Break time na!!'' Tumayo ako at nagmadaling lumabas kahit pa wala pang sinasabing break time na.


''Fana may next subject pa tayo!'' Sigaw ng mga kaklase ko. Napatigil ako sa paglalakad at dahan dahang napalingon sa room.


Bakit kung kailan nakalabas na'ko tsaka nila sinabi?!


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now