54

67 0 0
                                    

"Mukha naman akong magpapakumpisal nito sa suot kong puting dress." Nakasimangot kong sabi habang tangay-tangay ako ni Francis papasok sa restaurant kung saan may dinner sila ng Mommy nya.

"Ang cute mo nga dyan, isipin mo na lang tatay mo 'ko tapos ako kasama mo sa kumpisal at si Mom ang pari." Nagawa pa niyang magbiro samantalang ako ay parang maiihi na sa kaba. Baka kasi mapahiya na naman ako sa harapan ng Mommy nya.

"Wala kang natutulong, mas lalo akong kinakabahan dahil sa kagaguhan mo." Umirap ako at pinisil naman niya ang pisngi ko.

"Basta wala kang dapat ikatakot, Mabait ang nanay ko." Ngumiti siya.

Nakakapagduda.

"Talaga?" Maamo kong tanong.

"Mabait sya kapag tulog." Sabay tumawa siya.

"Bahala ka nga dyan! Ikaw na lang! hindi na ako sasama!" Sinampal ko siya sa kaliwang pisngi at hindi ko sinasadyang napalakas kaya namula agad ang pisngi niya.

"A-aray..." Nakahawak siya sa pisngi niya at nakatingin na rin sa amin ang ibang tao. Akala siguro nila gumagawa kami ng eksena. "Ang sakit pala magbiro sa'yo H-hon.."

"S-sorry... Ikaw naman kasi puro ka katarantaduhan!" Singhal ko.

"Nagbibiro lang naman ako, ang sakit makipaglokohan sa'yo." Madramang sagot niya.

"Kaya 'wag kang magloloko sa'kin dahil masasaktan ka talaga." May diin kong tugon sabay haplos sa pisngi niyang sinampal ko. "Sorry na, masakit pa ba?"

"Hindi na, nakabakat pa nga ang palad mo oh. Hindi, hindi masakit promise." May sarkasmong sagot niya.

"Yeyeluhan na lang natin mamaya para hindi mamaga 'yan..."

"Tara na nga kanina pa nila tayo hinihintay." Pinagsiklop niya ang mga palad namin at tinahak ang daan papunta sa isang vip room. Naabutan namin ang Mommy nya kasama 'yung babaeng nag-ngangalang Janaih at si Ma'am Celyn na nagku-kuwentuhan.

"Mom," Isang salita lang ngunit natuon na agad ang atensyon nila sa amin. Lahat sila bumaba ang tingin sa magkahawak naming kamay. Si Ma'am Celyn ay pumalakpak pa ng mahina at nakangiting todo habang ang babaeng Janaih na 'yon ay tinitigan ako mula ulo hanggang paa tsaka umirap, ang Mommy naman ni Francis na-blangko ang emosyon.

"Sorry we're late." Bumeso si Francis sa Mama niya, magmamano sana ako pero iniwas niya ang kamay niya kaya pumunta na lang ako sa likuran ni Francis ay kumapit sa damit nya. "It's okay, ganyan lang 'yan sa umpisa." Bulong niya na tinanguan ko lang.

"Have a seat." Blanko pa rin ang mukha ng Mommy nya nang makaupo kami. "So, you didn't tell me na balak mo palang mag-invite ng stranger sa dinner natin, Francis."

"She's my girlfriend, Mom. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo 'yan?" Dinig ang pagkairita sa boses ni Francis kaya pinisil ko ang kamay niya para patigilin na sya.

"I know, nakakalimutan ko lang."

"Nakakalimutan o sadyang ayaw mo lang tandaan? Mom I'm not blind, nakikita ko naman kung paano mo sya tratuhin at sa simpleng pagmamano nya hindi mo---"

"Francis tama na, Mommy mo ang kausap mo, gumalang ka naman!" Pagputol ni Ma'am Celyn kay Francis.

"Pero binabastos na nya si Fana, Celyn!"

"At binabastos mo na rin ang Mommy mo sa ginagawa mo! We're here to eat together hindi para mag-away! So now, shut your mouth and apologize to your Mom!" Mahina ang boses ni Ma'am Celyn pero may mga diin at inis sa boses niya.

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now