46

104 1 0
                                    

"Babatukan ko kayong dalawa when I found out you two were just fooling me!" Nakangising pagbabanta sa amin ni Ma'am Celyn.


Mukha ba kaming nagloloko??


"Ayaw mong maniwala? Edi don't" Sabay irap ni Francis at umakbay pa sa akin.


"Oh my god. You really serious?! Kayo na? Hell yes!" Daig pa ni Ma'am ang nabunutam ng tinik sa lalamunan dahil sa reaksyon nya. Habang ako naman ay nakangiti lang ng bahagya at nagmamatiyag dahil baka may nakatingin sa amin lalo na nandito kasi sa public cafe.


"I'm so happy for you two! Sa wakas hindi na ako kukulitin ni Francis about sa kung paano sya manliligaw---"


"Stop spilling the tea, Celyn!" Pagputol ni Francis kay Ma'am.


Ang clingy naman nito, kanina ko pa nararamdaman ang kamay nya na haplos ng haplos at pisil ng pisil sa tagiliran ko.


"Why not? Ayaw mo bang malaman ni Fana kung gaano ka nag effort para lang walang ibang manligaw sa kanya? Remember Chris Hallow? That's my student! Adviser nila ako at narinig ko kung paano mo sya pinagbawalan na makipagkilala kay Fana dahil alam mong manliligaw 'yung tao." Sabay tawa ni Ma'am ngunit ikinasimangot ni Francis.


Chris Hallow? Sino 'yon? May manliligaw sa'kin?


Kaya naman pala hindi na ako madalas lapitan at pikunin ng mga kaklase kong lalaki noon! Mabuti na rin 'yon at nabawasan ang peste sa buhay ko habang nag-aaral noon.


Hindi ko akalain na ang isang katulad ni Francis ay gagamitin ang pagiging teacher nya para palayuin ang mga lalaking estudyante sa akin, hindi ko rin alam at wala akong kaide-ideya kung sino 'yung Chris Hallow. Parang narinig ko na 'yon pero nakalimutan ko na.


Pakiramdam ko tuloy tinanggalan nya ako ng karapatang maligawan ng iba, choss. Si Francis lang naman kontento na 'ko.


"Mga babaero ang mga 'yon kaya ko pinalayo." Pangangatwiran ni Francis ngunit nang tumingin ako sa kanya ay hindi sya makatingin ng diretso sa mga mata ko.


"Really huh. Babaero. Kaya pala pati 'yung isa kong estudyanteng si Chandler Tyson ay tinakot mo. We have two group chats, one for only boys and for only girls. Naglabas ng sama ng loob 'yung mga anak ko dahil sinungitan mo, hindi mo naman daw kaano-ano si Fana pero pinagbabawalan mo sila." Matawa-tawang pagkwento ni Ma'am.


"Hey, before you spread the fake news sasabihin ko sa'yo na 'yang mga anak mong lalaki ang madalas na nakatambay sa corridor ng classroom ko kaya nawawala sa konsintrasyon ang mga anak kong babae sa room."


"Really huh? Kaya naman pala 'yung mga estudyante mong babae palaging nagpapacute sa mga anak kong lalaki sa room."


"Dahil kasalan ng mga estudyante mo lalo na 'yung mga player mo na hindi lang bola ang nilalaro!"


"Makapagsalita ka, 'yung cheerleader nga na estudyante mo kaya pala madalas sa corridor ng room ko ay may gusto pala sa isa kong estudyante!"


Hindi ko na alam kung saan ako titingin, kung kanino ang una kong pakikinggan dahil nag-aaway na sila. Nakakarelate naman ako dahil nakapagitna ang room namin sa room nilang dalawa. Mabuti na lang at mabait ang adviser ko na gay, ang saya magturo palaging good vibes.


Totoo naman ang sinasabi nilang dalawa dahil nga nasa pagitan nila kami ay sentro namin ang chismis.


"Parehas namang mahaharot ang mga estudyante nyong atleta." Wala sa wisyong sabi ko na nakaagaw ng pansin nila.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now