31

140 3 0
                                    

"Samahan mo 'ko." Malamig pa sa nagyeyelong yelo ang boses nya.


"T-tara?" Alangan kong sagot.


Ano kahang nakain ni Jade at bigla nya akong inaya. Pumunta pa sya sa apartment ko para lang ayain ako?


Sinuot ko agad ang tsinelas ko at sumunod sa kanya. Nagulat pa ako dahil bigla syang huminto sa paglalakad kaya nabunggo ako sa likuran nya.


"Aray ko..." Hawak ko ang dibdib ko dahil medyo malakas ang pagkakabunggo ko sa likod nya samantalang sya ay hindi manlang gumalaw, ni hindi nga sya umaray.


Mukhang may sasabihin pa sya dahil tinitigan nya ang suot kong pambahay, nang bumaba ang tingin nya sa tsinelas na suot ko ay napailing-iling na lang sya at nagpatuloy na sa paglalakad. Wala naman akong kaide-ideya kung saan kami pupunta, nakasunod lang ako sa likod nya.


"Sa'n tayo punta?" Tanong ko. Nagsisimula na kasi akong dapuan ng kyuryosidad.


"Sa Mars." Walang buhay na sagot nya.


"Sa Mercury na lang kaya?" Pilyang sagot ko. Nilingon naman nya ako at tinapunan ng nakakakilabot na tingin.


"Anong sabi mo?" Tumaas pa ang isang kilay nya.


"Ah, eh..." Humakbang ako paatras dahil napako ang tingin nya sa akin. "S-sabi ko sa Mercury, dyan sa kanto?, bibili ako ng ano... ahm... n-napkin?" Pagdadahilan ko.


Hindi na sya sumagot at nilakad namin hanggang kanto. Nagpalusot lang naman ako dahil ayaw kong masapak, sineryoso naman nya. Nakapila tuloy ako ngayon sa counter at dala 'tong isang pack ng napkin. Marami pa ako sa bahay nito eh! Nagsayang lang ako ng pera! Sa dinami-dami ba naman kasi ng idadahilan ko bakit napkin pa! Pwede namang salompas na lang!


Paglabas ko ng butika nakaabang lang sya sa labas at hinihintay ako. Sumakay kami ng tricycle at dala ko pa rin 'tong napkin na 'to! Nakakahiya pa dahil sa sobrang lutang ko kanina, kinuha ko agad sa cashier 'yung napkin kaya hindi na nalagay sa paper bag! Bulgar na bulgar tuloy na napkin ang dala ko!


"Saan ba talaga tayo pupunta?" Pagbasag ko sa katahimikan. Kapag si Jade ang kasama ko, dapat may dala akong unan at kumot para matutulog na lang.


"Jade---" Tinitigan na naman nya ako ng nakakatakot kaya nanahimik agad ako. Ayaw ko namang makatikim ng sapak.


Habang nasa loob kami ng tricycle, napapamilyaran ko ang lugar. Parang, parang papunta kala Sir Francis? Oo! Kala Sir Francis nga papunta 'to!


"Pupunta ba tayo kala Sir??" Nakangiting tanong ko.


"Hindi." Napabagsak balikat ako. Akala ko pa naman pupunta kami kala Sir. Ewan ko ba, nawili na ata ako na kasama si Sir.


"Ang boring naman." Napabuntong hininga ako.


"Boring talaga ang mga birth day. Wala namang espesyal sa araw ng kapanganakan, hindi ko maintindihan kung bakit pinagdiriwang pa ang araw na 'yan. Napakawirdo nyo. Kung ako nga tumanda na hindi alam ang birthday ko wala namang nabago, normal pa rin ako. Nagsasayang lang kayo ng panahon sa paghahanda na ganyan." Napatakip ako sa bibig ko nang marinig ko si Jade.


"Hala Jade! First time kong marinig na magsalita ka ng marami!!!" Umarte pa akong parang naiiyak dahil unang beses ko talagang marinig ng matagal ang boses ni Jade. "Sige Jade, I'm so proud of you. Magsalita ka pa dali!!"


Umirap lang sya at hindi na nagsalita. Siguro may limit lang talaga ang pagsasalita nya pero atlis narinig ko sya!


"Ang sabi mo hindi tayo pupunta kala Sir? Bakit tayo nandito?" Kunot noong tanong ko pagkababa namin ng tricycle.


"Ayan, naririndi na'ko Sir. Kunin mo na at 'wag na 'wag mo nang ibabalik." Iritadong sabi ni Jade at iniwan ako sa tapat ng gate nila Sir. Sumakay ulit sya sa tricycle na sinakyan namin kanina.


Iniwan nya ako? Hays!


"Anong gagawin ko sa bahay ng butiking teacher--- Ay Sir! Nandyan ka pala hehe!" Pagtalikod ko ay nasa likod ko pala sya.


"Bahay ko 'to kaya malamang nandito ako." Umirap pa sya. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"


"Wala. Kita mo naman, iniwan ako ni Jade. Hindi ko nga alam na dadalhin nya ako dito." Kasyual na sagot ko.


"Di bale. Tara na sa loob, nandito ka na rin lang." Sumenyas sya na pumasok na daw kami at sumunod naman ako sa kanya.


"Sir nakalimutan mo ata ako sa labas!" Kumatok ako sa pintuan dahil sinarado nya, nakalimutan atang kasunod nya ako.


"Tanga hindi kita nakalimutan!" Singhal nya sabay bukas ng pintuan. "Pumasok ka na nga at baka matiris pa kita dyan!"


"Amoy Jollibee sa bahay mo Sir ah." Nakangiting sabi ko.


Pagpasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang mga lobong nagkalat sa sahig at ang banderitas na may print na 'Happy 18th Birthday'.


Sobra akong nabigla sa mga nakikita ko. Ni hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko. Naghalo ang saya at lungkot na nararamdaman ko ngayon dahil sa simpleng bagay sa paligid ko.


Lumingon ako kay Sir. "Bakit may paganito ka---" Hindi ko na natuloy dahil bumuhos na ang luha ko nang makita kong hawak nya ang paboritong kong cake na hindi ko mabili dahil may kamahalan.


"Happy 18th birthday. Welcome to adulthood, Fana. Ayan, hindi ka na bata." Bahagya syang natawa.


Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko at nakatitig lang kaniya.


Habang tumatagal na nakatitig ako sa kaniya ay parang may kakaiba. Bakit parang hindi ko naririnig ang mga sinasabi nya, bakit parang nakafocus lang ang lahat sa kanya. Bakit, bakit ganito ang puso ko, bakit hindi ko mapigil ang puso ko na 'wag mahulog ng husto sa kanya.


Hindi naman siguro 'to ang tinatawag nilang pag-ibig, hindi ba? Kasi oo, aaminin ko na may gusto ako sa kanya pero parang ang layo naman non sa tinatawag nilang love.


Bata pa--- Dalaga na ako pero...


Teacher ko sya, estudyante nya lang ako.


Hindi pwede, hindi kami pwede.



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now