62

32 2 2
                                    

"Hindi ako nakikipagbiruan, Francis, buntis ako!" Pasigaw na pagkakasabi ko dahil tumatawa pa siya at sinasabing nagloloko lang ako.


"Paano?" Tanong niya at natatawa pa.


"Anong paano?! Gago ka ba?!" Singhal ko.


"Fana, hindi ko alam ang sinasabi mo." Tinalikuran niya ako at sinagot ang kanina pa nagri-ring niyang telepono.


"Ikaw ang nagbibiro, hindi ba? Kasi seryoso ako Francis. Hindi ko alam ang gagawin ko. Magseryoso ka naman kahit ngayon lang.." Pagmamakaawa ko.


Dinig ko ang buntong hininga niya at hinarap ako na para bang naiirita na siyang marinig ako. Pabagsak niyang ibinaba ang telepono at humakbang ng ilang hakbang palapit sa akin.


"Hindi sa hindi ako naniniwala pero sigurado ka bang akin 'yan—" Nanginginig ang palad kong dumapo sa pisngi niya dahil hindi na ako nakapagtimpi. "Nagtatanong lang naman ako." Ngumisi siya ay umatras.


Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko dahil nilalamon na ako ng galit na hindi ko maintindihan. Para akong sinasakal. Gusto kong magsalita pero bakit parang mas gusto kong manahimik.


"Kung buntis ka, baka hindi akin 'yan? Tama ba?" Maotoridad niyang tanong at kung makatingin siya sa akin ay para ba akong maduming babae na nagmamakaawa sa kanya.


Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Paano ang pag-aaral ko? Paano ang kinabukasan ko? Kailangan ko si Francis para makayanan ko lahat nang bagay na 'to.


"Anak mo 'to... Alam mong sa'yo 'to 'wag ka nang magtanga-tangahan!" Pinilit kong maging diretso ang pananalita ko.


Takot na takot na ako. Paano kung ayaw nya? Paano ko bubuhayin mag-isa 'to?! Hindi ko kaya!


"Wala akong matandaan, Fana." Sagot niya na dumurog lalo sa akin at nagpadagdag ng takot na nararamdaman ko.


"Anong wala kang matandaan? Tanga ka ba?! Francis hindi ko kayang buhayin ng mag-isa 'to! Panindigan mo naman ang responsibilidad mo sa'kin! Kung ayaw mo na sa'kin, sige! Maghiwalay na lang tayo pero sana naman 'wag mong takbuhan ang responsibilidad mo dahil hindi mabubuhay ang bata na 'to sa'kin! Hindi ko pa kayang bumuhay ng sanggol!" Puno ng galit na sigaw ko.


Hindi ako makapaniwalang gagawin nya sa'kin 'to. Buong buhay ko wala kong ibang pinagkatiwalaan ng buong pagkatao ko kung hindi sya lang! Kahit kailan hindi ako kumaliwa ng daan dahil palaging sya lang ang inuuwian ko pero bakit naman pagdating sa'kin bigla syang nagkakaganito!


Anak naman nya 'to... At isa pa, hindi ko kaya na dalhin 'to nang mag-isa.


"Gusto mong makipaghiwalay? Sige lang! Matagal-tagal na rin akong nagsawa sa'yo at sa ugali mo! At 'wag mo nga akong madamay-damay sa perwisyong ginawa nyo ng lalaki mo! Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo Fana na hinding-hindi ko gagastusan o papanindigan ng responsibilidad na binibintang mo sa'kin! Kasalanan mo 'yan! Maagang kang naging malandi kaya labas na ako sa gulo nyo!"


"Ang kapal ng mukha mo!" Pinagsisigawan ko siya at halos gawin ko na lahat ng kaya ko para lang saktan sya pero nagmumukha akong tanga dahil kahit anong gawin kong sampal ay mas masakit pa rin ang mga sinabi niya. "Nagmamakaawa ako, walang magandang kinabukasan sa'kin ang batang 'to.. Wala akong mapapakain sa kanya, hindi ko kakayanin kung makikita kong nagugutom ang batang 'to sa piling ko..."


Tuluyan ko nang ibinaba ang pride ko at lumuhod ako sa harapan niya. Halos halikan ko na ang sapatos niya habang humahagulgol sa iyak at patuloy na nagmamakaawang tanggapin nya ang bata.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now