03

195 12 0
                                    

''Fana Santa Cruz''


''Present!'' Kadarating ko lang at padabog akong umupo sa upuan ko.


''Galit ka?'' Hindi ako sumagot at inirapan ko lang si sir.


Galit ako, anong magagawa mo? sapakan na lang tayo sir oh! hindi kita uurungan.


''For those 'late' lumabas kayo,'' Napatingin ako kay sir at nakatuon lang ang pansin nya sa folder na nasa table nya.


Hinintay ko kung may ibang lalabas pero ako lang pala ang late. Padabog kong tinulak 'yung upuan papasok sa ilalim ng mesa at inirapan ko pa 'yung mga bida bida kong kaklase na kung makatingin sa'kin parang ngayon lang nakakita ng magandang late.


''Sa faculty ko,'' Bulong ni sir nang dumaan ako sa harapan nya. Hindi ako sumagot at dire diretso lang na lumabas.


Nang makarating ako sa faculty ni sir ay pinakialaman ko ang gamit nya. Ako ang umupo sa upuan nya, ginalaw ko pa 'yung laptop nya. Alam ko password neto dahil nakikita ko kay sir.


''May y8 naman siguro 'to'' nakarating ako sa y8 at naglaro laro ako habang wala pa sya.


''Hoy mapanggalaw ka ng hindi sa'yo ah'' Kadarating lang ni sir.


'' 'Wag kang magulo naglalaro ako!'' Hinawi ko ang kamay nya at nagfocus sa paglalaro. Eto sapatos ko kausapin mo buset ka.


Hindi na sya nakialam at umupo na lang sa tapat ng table nya. Ako ang nakaupo sa upuan mo at hindi mo'ko mapapaalis dito, aalis ako kung kelan ko gusto.


''Ayos ka ah, naglelecture 'yung mga kaklase mo tapos ikaw naglalaro sa laptop ko, sarap buhay ka ghorl?'' Hindi ko pa rin sya pinansin.


''Napaka ingay mo natalo tuloy!'' Reklamo ko.


''Y8 lang 'yan kun makaarte ka akala mo naman eh'' Umirap ako.


''Napakainit ng ulo mo ngayon ah, problema mo?''


Hindi ako sumagot at lumabas na lang sa faculty nya. Bumalik ako sa room at naabutan ko silang ang daming nilelecture. Magsusulat pa sayang lang tinta ng ballpen ko dyan tsaka wala pala 'kong ballpen kay sir 'tong gamit ko.


Lunch break na at hindi ako sumabay kala sir Francis at ma'am Celyn. Mag isa ako ngayon dito sa room at nakahiga sa pinadugtong dugtong kong upuan. Matutulog na lang ako kaysa sumaby sa'yong attitude ka. Ilang oras mo'kong pinaghintay sa reply mo, kung hindi pa nga kita chinat ulit hindi ka magrereply sa'kin!


Nakakainis, kapag sya may kailangan nagrereply agad ako tapos kapag ako nagchachat hindi magrereply kung hindi ko uulit ulitin. Ma-pride kang teacher ka ah.


''Hoy Fana lumabas ka dyan!'' Narinig ko ang boses ni sir Francis. Nagtakip ako ng bag sa mukha at hindi sya pinansin. Attitude din ako sir 'wag ako.


''Libre kita, tampo tampo olol hindi bagay sa'yo,''


''Lilibre kita ayaw mo? bahala ka dyan''


''Eto na nga oh!'' Padabog ako tumayo at sinalubong sya. Ginulo pa nya 'yung buhok ko kaya inirapan ko na lang.


''Hindi ka lang nareplyan hindi mo na'ko pinapansin, mga bata talaga''


''Hindi na'ko bata kotongan kita dyan makita mo,''


''Sabihin mo 'yan kapag kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa''


Umupo na lang ako sa tapat ni ma'am Celyn at tahimik na kumain habang nagtatawanan silang dalawa ni sir. Ang ganda ni ma'am Celyn at malabong hindi magkagusto si sir sa kanya kahit mag 'bestfriend' lang daw sila kuno. Sana ako na lang si maam Celyn para naman nahahampas ko ng ganyan si sir, nakakabisita ako sa bahay ni sir, palagi akong malapit kay sir.


''Fana 'yung pagkain mo nalaglag na'' Tinuro ni ma'am Celyn 'yung kutsara ko na wala ng laman dahil nahulog na sa mesa.


''Okay ka lang ba?'' Tanong nya ulit.


''Opo'' Sagot ko at kumain na lang ulit.

--

''Hindi ka ba sasabay pauwi?'' Tanong ni sir at sinabayan ako sa paglalakad. Umiling lang ako at sumakay sa tricycle diretso sa'min at hindi sa bahay ni sir.


''Ingat!'' Rinig kong sigaw nya.


Magpapatulong lang naman ako sa kanya kung paano magtanim ng tama para may maipasa na'kong halaman pero busy naman sya kaya kay lola na lang ako magpapaturo..


Pagdating ko sa bahay ay nagmano ako kay lola, wala pa daw si tatay at nasa palengke pa, taga deliver ng isda.


Nagtanong tanong ako kay lola kung paano magtanim at tinuro naman nya sa'kin kung paano kaya bukas alam kong kaya ko nang mag isa, hindi ko na kailangan ng tulong ni sir Francis.


Nakahiga ako ngayon nang biglang mag chat si sir pero hindi ko na tiningnan at natulog na lang ako.

--

''Fana Santa Cruz?''


''Present..'' Kadarating ko lang at late ulit ako. Tinatamad nga akong pumasok kaso sayang naman 'yung baon kaya pumasok pa rin ako.


Tulad ng kahapon ay pumunta na naman ako sa faculty pero ngayon ay tahimik lang ako at wala akong ginagalaw sa mga gamit nya, sasabihin na naman nya akong mapanggalaw ako sa gamit nya.


Tinatawag pa rin ako ng higaan para matulog pero nandito ako sa school at 'yung utak ko ay pagala gala lang sa kung saan.


''Late ka kahapon tapos late ka rin ngayon,'' Umupo sya sa upuan nya.


''Traffic'' Palusot ko pero tinanghali lang talaga ako ng bangon at wala talagang balak na pumasok kung hindi ako napilitan.


''Kasalanan ko?''


''Sinisisi ba kita?'' Pabalang kong sagot. Napamasahe naman sya sa sentido at mukhang naiistress na sa kakasagot ko.


Tinatanong kung kasalanan daw ba nya eh hindi ko naman sya sinisisi, may toyo ka Francis?


''Napapano ka ba? hindi mo'ko pinapansin tapos hindi ka pa nagreply kagabi'' Tanong nya habang nakakunot ang noo.


''Alam mo na feeling ngayon ng hindi nareplyan, quits na tayo'' Sumandal ako sa upuan at nag cross arms.


''Hanggang ngayon 'yun pa rin 'yang dinadrama mo? kakaiba kang bata ka.''



:)

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now