27

139 3 1
                                    

"Congratulations everyone. Thank god and no one got a low score on the test. Next week we will post outside the listed names of students who passed. Mag-iingat kayo sa pag-uwi. Goodbye class."


"Pst! Jade! Sabay tayong umuwi!" Pabulong kong sabi dahil nasa loob pa ng room ang Adviser namin.


"May pupuntahan pa 'ko."


"Sama 'ko! Wala naman akong ibang gagawin." Malapad ang ngiting sabi ko, sya naman ay tinapunan lang ako ng walang buhay na titig.


"A.y.o.k.o." Sabay tumayo sya at umalis na kahit hindi pa naman lumalabas ang adviser namin.


Ang tapang talaga nya...


Habang hinihintay kong umalis ang adviser namin ay pasulyap-sulyap ako sa labas. Nakakainggit kasi 'yung kabilang section na nag-uuwian na samantalang kami eh nandito pa. Dapat nga kapag sinabi ni Ma'am na 'Goodbye class' dapat pinapalabas na nya kami kaso hindi, kailangan matapos muna syang ayusin ang gamit nya bago kami palabasin.


Habang pasulyap-sulyap ako sa labas, nasulyapan ko si Sir Francis na nakatayo sa labas ng classroom namin at 'yung ibang mga estudyante binabati pa sya.


Ang gwapo talaga nya... nakakasuka man aminin pero gwapo talaga sya.


Matapos ang paghihintay namin na palabasin na kami ni Ma'am, parang mga nakawala sa mental ang mga kaklase ko at nag-uunahan pang lumabas ng pinto eh lahat naman makakalabas ba't kaya nag-uunahan pa! Mga isip bata!


Dire-diretso lang akong lumakad palabas at palayo sa classroom. Nakita ko pa nga si Sir na hindi makaalis dahil may mga estudyanteng nagtatanong at pilit na nakikipag-chikahan sa kanya.


Pake ko.


Anong pake ko kung marami syang kausap na estudyanteng magaganda? Ano pake ko?


Wala akong pake! Animal.


Halos natapos ang buong linggo nang puro pag-aayos ng mga dapat naming kumpletuhin sa school at marami-rami din akong ginawa kaya halos isang linggo ko ring hindi nakaka-usap si Sir kaya ang boring ng mga araw ko, boring din pala kapag natahimik ng isang linggo ang buhay ko, walang Francis na makulit 


Hindi naman ako masipag mag-aral, kailangan lang talagang magpasa ako ng mga kulang ko. Kung alam ko lang na pati 'yung malilit na papel na pinagawa nila eh hahanapin pa, sana noon pa gumawa na 'ko.


"Fana! Dito!" Napalingon ako sa pinanggagalingan ng maingay na boses na 'yon. "Meryenda tayo! Libre ko!"


"Tara! Hindi naman ako magpapapilit!" Sigaw ko pabalik kay Andy sabay nilagay ko sa bag ko ang hawak kong mga papel na chinekan ng mga teachers ko. "Hintayin mo'ko! Aayusin ko lang 'to!"


"Sige lang!" Nasa kabilang kalsada sya habang ako ay nasa kabilang gilid din, patawid sa sakayan.


"Saan ba tayo kakain?" Tanong ko habang lumalakad ako palapit.


"Fana may sasakyan!" Sigaw ni Andy. May humablot naman sa bag ko pabalik sa pedestrian lane kasabay nang mabilis na sasakyan na dumaan sa mismong harapan ko.


Juice ko... Buhay pa ba ako...


Thank you Lord!!! Ayokong pang ma-deads!


"Dahil sa libreng pagkain magpapakamatay ka." Seryosong boses ni Sir. Nakapamulsa ang isa niyang kamay at diretso lang syang nakatingin kay Andy habang ang isang kamay pa nya ay nakahawak sa bag ko. "Umuwi ka na bata. Ako maghahatid sa garapatang 'to."


"Pero kakain pa po kami---"


"Sa susunod na buwan na lang kayo kumain. Umuwi ka na, ako na bahala dito."


"Pero---"


"Makulit ka?!"


"Opo, uuwi na. Sige Fana! Sa susunod na lang!" Bagsak balikat na umalis si Andy. Napakurap-kurap lang ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ako tuloy nakokonsensya sa ginawa ni Sir! Hindi nya dapat pinagtabuyan si Andy. Kakain lang naman kami, libre nga lang nya.


"Tara na." Hinila ni Sir ang laylayan ng bag ko at kinaladkad ako na papuntang sakayan.


"Hindi mo dapat pinaalis si Andy, kawawa naman." Sabi ko nang makasakay na kami sa tricycle.


"Talagang kawawa 'yon kung hindi ko pinaalis. Biruin mo, ililibre ka eh ang lakas lakas mong lumamon, mabubutas ang bulsa non. Talagang kawawa. Dapat nga magpasalamat pa sya at pinaalis ko sya." Tumatawang sabi nya.


"Napakasama mo sa'kin. Kailan ka ba kukunin ni Lord??" May sarkasmong tanong ko.


"Ikaw, kailan ka kukunin ni Lucifer?" Pagbalik nya ng tanong sa'kin sabay tawa ulit.


Nakakarami ka na ah.


"Tang'na mo." Bulong ko na lang dahil wala na akong maisip na isasagot sa kanya.


"Galit ka?" Nang-iinis pang tanong nya.


"Lolo mo galit." Pamimilosopo ko.


"Ikaw Lolo ko, de galit ka nga." Tumawa na naman sya kaya nabwisit na 'ko at sinungalngal ko sa bunganga nya 'yung sapatos ko.


Letse kang hayop ka!


"Pwe! Baboy amputa! Pwe!" Dura sya ng dura sa labas habang ako naman ay nakangisi lang pinagtatawanan sya.


Nasa'kin ang huling halakhak, Francis.


"Manong sa may apartment lang po ako." Sabi ko na lang para hindi na ako papara mamaya. Nagugutom na ako. Epal kasi 'tong lalaki na 'to, nakalibre na sana ako ng pagkain kung hindi sya paepal.


"Sino nagsabing pwede kang bumaba?!" Sinamaan nya ako ng tingin. "Manong diretso lang ho! 'Wag kayong hihinto sa apartment!" Sigaw nya at tumango naman 'yung driver.


"Hoy Manong! Huminto ka!" Sigaw ko naman.


"Dodoblehin ko bayad namin basta diretso lang Manong!"


"Sir ano ba!" Sigaw ko ulit. "Hoy Manong! Kidnapping 'to! Idedemanda ko kayong dalawa!!"


"Mag-go-grocery tayo tanga, kakain tayo, bobo mo." Bulong ni Sir sa gilid.


"Ah... okay... Sige Manong diretso lang." Ngumiti ako at umayos pa ako ng upo.


"Dyan ka magaling!" Pinitik ni Sir at noo ko. Nakalampas na kami sa apartment at kinakain ng rin ng malalaki kong bituka ang maliliit kong bituka.


Pagdating namin sa grocery store pinapili agad ako ni Sir ng mga kakainin namin. Ilang linggo na 'kong natatakam sa carbonara kaya kinuha ko 'yung mga sangkap.


Hindi naman ako ang magluluto eh, si Sir. Anong malay ko sa pagluluto ng carbonara.


"Hoy Francisco! Bawal ang alak!" Saway ko. Naglalagay kasi sya ng mga beer sa basket.


"Tatay ko ata tinatawag mo." Umirap sya sabay balik ng mga beer sa pinagkuhanan nya. "Isa pang tawagin mo 'kong Francisco, hahampas kita sa pader."


Arte naman. Para namang hindi nya tatay.


"May drama ka sa buhay 'no?? Siguro nangabilang bahay si Francisco??" Sumunod ako sa kanya. Patay malisya lang sya at naglalagay ng mga chichirya sa basket. "Sir?"


"Manahimik ka na nga. Ikaw pagbabayarin ko nito!"


"Opo." Agad na sagot ko.


Libreng pagkain galing sa teacher na high blood.



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora