45

116 1 0
                                    

"Bilis!" Sabi ko at agad naman syang tumakbo papasok sa loob at tuwang-tuwa na binuhat si Franchis.


Nasa kabilang pinto lang sila Jade kaya patago lang na pumasok si Francis.


"Ang gara naman, dati naman nakakapasok ako dito ng walang malisya kahit pa maraming nakakakita tapos ngayon hindi na. Wala namang nakakaalam na boyfriend mo na ako ah, dapat umakto lang tayo ng normal para walang makahalata." Nakasimangot niyang sambit at ibinagsak ang katawan sa maliit na sofa.


"Wala ngang malisya pero kung ganito ka naman kaaga pupunta dito malamang magkakaron ng malisya sa iba." Sagot ko naman.


"Paki ba nila, 'wag mong isipin 'yung iba." Sumandal siya sa upuan. "Ako na lang ang isipin mo." At tinaas baba pa niya ang mga kilay nya.


"Ewan ko sa'yo, pangit mo kausap." Umirap ako at dumiretso sa kusina para magluto ng agahang kanin.


Nakakita ako ng itlog na maalat at kamatis at iyon ang inulam ko. Inalok ko naman si Francis pero kumain na daw sya kaya hindi ko na pinilit. Sino ba ang gustong may kahati sa pagkain?


Pinakahugas ko ang kamay ko at nagtoothbrush bago ako umupo sa tabi nila Francis.


"Anong pinunta mo dito?" Tanong ko at inilipat si Chis sa ibabaw ng hita ko.


"Wala lang, gusto kita makita." Marahan niyang sagot at inihilig ang ulo niya sa balikat ko. Patago naman akong napangiti at hinayaan lang sya.


"Oo nga pala, hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kay Chandler kanina. Tinakot mo 'yung tao. Ayaw mo bang sinasabihan ako ng maganda?" Kunwari akong nagtatampo para mangako syang hindi na nya uulitin 'yon kahit kanino.


"Hindi ko lang nagustuhan kung paano ka nya tinawag. Para syang manyakis na tambay noong tinawag ka nyang Ms. Beautiful." Nakanguso namang depensa nya sabay tinulak si Chis at sya ang humiga sa hita ko.


"Bakit mo tinulak!" Sabay hampas ko sa kanya.


"Kanina pa sya, ako naman." Kasyuwal na sagot nya.


Hay nako, lumalabas na ang tunay nyang ugali at naglalabas na ng selosong anyo.


Hindi pa kami nagtatagal sa ganoong posisyon ay napangiwi ako dahil may biglang parang humiwa sa puson ko pero nawala rin naman at bumabalik kapag gumagalaw ako.


"Okay ka lang?" Nakatingala sya sa akin at nag-aalalang hinaplos ang pisngi ko.


"O-oo, Cr muna ako." Sagot ko at tumayo naman sya kaya nakaalis din ako.


Imbis na sa banyo ako pumasok ay sa kwarto ako dumiretso at sinarado ang pintuan, magkatabi lang naman ang pinto ng kwarto at banyo kaya hindi nya mahahalata na dito ako pumasok dahil abala naman sya sa pakikipaglaro kay Chis.


Nahiga ako sa kama at parang hipon na namamalipit. Parang sasabog ang puson ko sa sakit.


Medyo nagtatagal na ako sa kwarto kaya napagdesisyunan kong lumabas na dahil baka magtaka si Francis kung bakit ang tagal ko.


"Meron ka ngayon." Nagulat pa ako nang sumalubong sya sa akin paglabas ko ng kwarto.


"O-oo... Medyo masakit lang ang puson ko pero okay na." Ngumiti ako at hinatak sya pabalik sa sofa at ako naman ngayon ang humiga at umunan sa hita nya.


"Wala ka bang gustong kainin?" Tanong niya habang hindi maalis ang mga mata sa mukha ko.


"Wala." Napailing ako at ngumiti. "Kakatapos ko lang kumain 'diba?"


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now