78

30 1 0
                                    

Hindi ko namalayan na matapos pala naming maligo kanina ay nakatulog ako at nang magising ako ay wala na si Andy sa tabi ko. Akala ko nga umalis na naman sya pero nang makita ko syang lumabas ng banyo ay napangiti ako.


"Akala ko umalis ka na naman." I pouted.


"Hindi ah, inayos ko lang ang mga damit na nasabog natin. Hinihintay na nga lang kitang magising para mapalitan ko na ang bedsheet." Kumindat pa siya sabay nahiga pa sa tabi ko at yumakap. "I love you."


Ngumiti ako at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Ilang minuto rin ang tinagal ng posisyon naming 'to na nakahiga ako at sya naman sumubsob sa tiyan ko.


"Teka, anong oras na ba?" Tanong ko nang maalala ko si Faye.


"4:30 pm na, kaya nga naglinis na ako dahil baka abutan pa ng anak natin na magulo ang kwarto." Tumawa siya ng mahina. Maging ako ay natawa nang ang isang kamay niya ay dahan-dahang pumasok sa t-shirt na suot ko at dinakma ang dibdib ko.


Suot ko ngayon ang paboriting t-shirt ni Andy, ni hindi pa nga nya 'to nagagamit kahit isang beses inunahan ko pa sya sa pagsuot.


"What?" Tanong ko nang mahuli kong nakatitig siya sa suot kong t-shirt.


"Regalo sa'kin ni Faye 'yan eh." Sumimangot pa sya. "Hindi ko nga sinusuot para hindi maluma, mahal, marami naman akong damit don 'yun na lang ang suotin mo."


"Ayoko nga." Sagot ko. "What yours is mine, what mine is mine."


"Pagkahubad mo nyan itatago ko na 'yan para hindi mo makita." Umirap pa sya na parang bata.


"Kapal mo, ni hindi ka nga naglalaba ng sarili mong underwear. Ako nga ang naglalaba ng damit natin tapos ayaw mo akong pahiramin." Hindi na sya nakakibo dahil totoo naman ang sinabi ko. "Bumaba na nga tayo at hihintayin ko pa sa terrace si Faye." Sabi ko na lang at bumaba na nga kami.


Habang naghihintay kay Faye, nag-isip na ako ng dinner namin para makapagluto na. Sigurado naman ako na pagdating dito ni Faye ay busog 'yon dahil magpapadaan sa drive thru ang bata na 'yon. Napakahilig nyang magpadaan sa drive thru.


"Mahal tinapon mo ba 'yung nakaplastic na hiniwa kong kalabasa dito?" Tanong ni Andy mula sa kusina.


"Ba't ko itatapon? tanga ba'ko para itapon 'yon?" Pabalang kong sagot.


"Napaka-init ng ulo mo." May sarkasmong sagot niya, at mula sa terrace ay sumilip ako sa bintana at nakita ko pang bumubulong-bulong sya. "Nasaan ba yung kalabasa?! Parating na si Faye wala pa akong naluluto kahit sinaing!"


"Nasa ref, sa ilalim, sa lalagyan ng mga gulay." Napa-irap pa ako. "Maghanap ka kasi, puro bunganga pinanghahanap mo."


"Ano bang ginawa ko sa'yo? wala naman akong kasalanan bakit ba ang init init ng ulo mo!" Padabog niyang binaba ang chopping board at kutsilyo.


"Pinagdadabugan mo'ko?" Kalmadong tanong ko.


"H-hindi ah! Dumulas lang sa kamay ko!" Agad na sagot niya.


Napailing-iling na lang ako at nagreply sa mga messages ng mga parents ng mga estudyante ko at nagtatanong about sa project ng mga bata. Ang dami nila kaya hindi ko alam kung sino ang rereplyan ko kaya ang ginawa ko ay doon ko inexplain sa group chat kung ano ang gagawin.






Alas siete na ng gabi pero heto pa rin ako sa labas at naghihintay sa sasakyan na hihinto sa tapat ng gate. Nakailang message na ako kay Francis at tinatanong ko kung nasaan na sila pero hindi naman nagrereply.


"Kumalma ka kasi, baka nasa byahe lang 'yon kaya hindi makapagreply." Pilit naman akong pinapakalma ni Andy dahil kanina pa ako kinakabahan, hindi ko alam at hindi ko maipaliwanag pero sobra ang nerbyos na nararamdaman ko ngayon.


"Paano kung may nangyaring masama sa kanila habang bumabyahe kaya hanggang ngayon wala pa sila??" Tanong ko kay Andy na syang nagpalala ng takot at kaba ko.


"Ano ka ba, 'wag kang mag-isip ng ganyan mahal. Isipin mo na lang na parating na sila." Sa pagkakataong ito habang lumilipas ang mga oras ay mas lalong hindi ako napapanatag hanggang hindi ko nakikita at nahahawakan ang anak ko.


"Bakit kasi ayaw sagutin ni Francis ang tawag ko!" Sigaw ko sabay hagis ng phone ko dahil napakarami ko nang missed calls kay Francis, kay Janaih pero ni isa walang sumasagot!  "Nasa kanila ang anak ko! Kailangan kong makita ang anak ko Andy!"


Kung kanina ay ako lang ang kinakabahan, ngayon ay nakikita kong maging si Andy hindi na rin mapakali dahil tatlong oras na ang lumilipas pero wala kaming natatanggap na reply o tawag galing sa kanila.


"Puntahan na kaya natin sila?" Tanong ni Andy na syang agad kong sinang-ayunan.


Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at maging si Andy nagmamadaling kinuha ang susi ng sasakyan.


Nila-lock ko pa lang ang pintuan ng bahay nang huminto ang itim na sasakyan sa harapan ng gate namin at hindi ako nagkakamaling kay Francis ang sasakyan na 'yon. Bumusina pa ito bago tuluyang huminto.


"Sila na 'yan 'diba?" Tanong ni Andy. Tumango ako at nauna akong nagtatakbo palapit at binuksan ang gate.


"Hayop ka! kanina pa ako tawag ng tawag ni isa wala kang sinagot!" Agad kong nasampal si Francis. Nangingilid ang mga luha ko dahil sa sobrang kaba at sa pag-aalala na baka napano na sila, na paano kung naaksidente pala sila?! Ang daming masasamang bagay ang sumagi sa isip ko dahil sa pag-aalala!


"Naiwan ang phone ko..." Sagot niya at hindi makatingin ng diretso sa akin.


Balak ko syang sampalin ulit pero hawak ni Andy ang braso ko at ayaw nyang bitawan.


"Ayoko nang mauulit 'to. Pare pinakaba mo kami dito. Ni hindi namin alam kung dapat bang maghintay kami dito o dapat bang kami na ang pumunta sa inyo para lang masundo si Faye." Kalmado ngunit may bahid ng galit ang paraan ng pagsasalita ni Andy.


Napakahabang katahimikan ang pumagitna sa aming tatlo. Hindi makatingin ng diretso si Francis sa amin sa kung anong dahilan ay hindi rin sya makakibo sa mga sinasabi namin bagay na syang nagpainis sa akin.


"Pababain mo na ng sasakyan si Faye at para makapagpahinga na 'yung bata." Utos ko sa kanya ngunit nakatayo pa rin siya at hindi kumikilos. "Sinasabi ko sa'yo 'to Francis dahil sinagad mo ang pasensya ko. Hindi na kailan man mauulit na hahayaan kong magtagal si Faye sa inyo. Hindi ka sumusunod sa kasunduan!"


"P-pasensya na..." Napakahina ng boses niya na swertihan na lang na narinig ko pa ang sinabi nya.


Si Andy na ang mismong nagbukas ng pintuan sa backseat dahil ayaw gumalaw ni Francis sa kinatatayuan niya.


"Anong ibig sabihin nito?!" Agad akong napalingon kay Andy.


Agad kong sinilip ang loob ng sasakyan at tanging mga gamit lang ng anak ko ang nasa loob. Walang bata, wala si Faye.


"Francis nasaan ang anak ko?" Pinilit kong kalmahan ang boses ko ngunit nang mag-umpisang humikbi si Francis at nang makita ko ang mga luha niya ay nagblangko na ang isipan ko at nagsisigaw na ako.


Nagsisigaw ako habang umiiyak at nagmamakaawang ilabas nya ang anak ko ngunit wala siyang kibo at patuloy lang ang pag-iyak.


"Tarantado ka, nasaan si Faye?! Ilabas mo si Faye!" Hindi ko na nagawang pigilan si Andy nang suntukin niya si Francis.


"P-patawarin nyo 'ko... A-aksidente ang nangyari..." Panay hagulgol nito at itinaas ang sleeves ng suot niyang long sleeve polo. Nanlumo at nanlambot ang mga tuhod ko nang makita kong puro bahid iyon nang natuyo nang dugo.


Sumisikip ang dibdib ko..


Hindi ako makahinga..


Hindi pwedeng mangyari 'to...



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now