69

38 3 0
                                    

"Ang bango naman... Anong niluluto mo?" Tanong ko kay Andy na ngayo'y abala sa pagluluto.


Kakatapos ko lang maghilamos at dahil kagigising ko lang rin. Paglabas na paglabas ko ng kwarto ay niyakap agad ako ng mabangong amoy na iyon kaya agad kong tinungo ang kusina.


"Buttered shrimp, para sa lunch ni Faye." Nakangiting sagot niya at ipinakita pa sa akin ang lunch box ni Faye na laging naka organize ang pagkain. Dinadaig pa nito ang mga bento box.


"Oo nga pala ngayon maglalaro si Faye at Jianna. Nakabihis na ba si Faye??" Agad na hinanap ng mata ko si Faye pero hindi ko sya nakita sa paligid.


"Talaga bang ayos lang sa'yo na pumunta si Faye sa bahay nila Jianna? Si Francis? Baka mapalapit sya kay Faye.." Agad na umiwas sa akin ng tingin si Andy. "Hindi naman sa pinagdadamot ko pero---"


"Pumayag akong maglaro si Faye doon dahil nag-usap na kami ni Janaih. Sinabi rin nya sa'kin na wala doon si Francis dahil may inaasikasong mga papeles. Hindi naman ako papayag na pumunta don si Faye kung naroon si Francis. Hindi ako hibang para gawin 'yon." Pagpapaliwanag ko para rin mabawasan ang pag-aalala o ano mang iniisip niya.


"Mabuti naman kung ganon..." Bumuntong hininga siya. "Oo nga pala, si Faye nasa bakuran lang kasama 'yung yaya nya, nabihisan ko na rin si Faye dahil maaga kong pinaliguan at inayusan."


Ngumiti na lang ako at sumilip sa bintana para makita si Faye. Nandoon sila sa playground at nakikipaglaro sa yaya nya.


Suot nya ang binili kong light pink na dress at sandals. Naka-braid ang buhok niya at alam kong ang Papa nya ng gumawa non. Ilang linggong inaral ni Andy ang pagtitirintas ng buhok dahil ayaw nyang nakikitang mukhang bruha si Faye lalo na kapag naglalaro eh nakasabukot ng buhok.


Ako ang palaging nag-iipit sa buhok ni Faye noon pero nang maging busy ako sa trabaho minsan pony tail na lang ang ginagawa ko at hindi na braid, ang gusto ni Faye ay braid kaya tinatanggal rin nya ang ginagawa kong pony tail. Kapag hindi ko natitirintas ang buhok nya nagtatampo sya at 'yon ang ayaw ni Andy na nagtatampo sa'kin si Faye kaya inaral nya ang pagtitirintas para raw kahit busy ako at hindi ko ma-braid ang buhok ni Faye ay siya na lang raw ang gagawa.


"Mahal, sasama ka ba sa paghatid kay Faye?" Napabaling ulit ako kay Andy nang marinig ko ang tanong niya.


"Hindi na, tinatapos ko pa ang mga grades pasahan na namin sa monday after non syempre aayusin ko pa para sa bigayan ng card sa wednesday. Ang dami kong trabaho." Naupo ako sa counter chair at nagtimpla ng kape ko. 10:30 am na at ngayon lang ako nagising dahil alas tres na ako ng umaga natulog kaka-check ng test papers.


Habang umiinom ako ng kape pinapanood ko si Andy kung paano magluto at kung paano niya ayusin ang lunch box ni Faye. Nilagay nya sa lunch box ang isang cup ng rice, buttered shrimp, tuna sandwich, pretzel at fresh orange juice sa tumbler ni Faye.


"Ako ang maghuhugas lahat ng ginamit ko, 'wag mong gagalawin 'yan ihahatid ko lang si Faye tsaka ko aayusin lahat 'yan." Tinuro ni Andy lahat ng hugasin sa lababo. "Kumain ka na rin dyan dahil hindi ka nakapag-breakfast, tanghali ka na gumising." Humalik pa siya sa noo ko bago tinawag si Faye.


"Bye Mama!" Tumakbo palapit sa akin si Faye at humalik sa pisngi ko at muling tumakbo pasakay ng kotse kasama ang yaya at Papa niya.


"Bye! Enjoy your day with Jianna. See you later!" Nakangiti kong sabi at kumaway pa ako habang pinapanood ang paglayo ng sasakyan nila.





Third person's POV.

Nang makarating sila Faye at ang Yaya niya sa bahay nila Jianna ay agad silang sinalubong ng kaibigan niya.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now