76

29 0 0
                                    

Dahil makulit si Faye, hindi sya natiis ni Andy at Francis. Nasa terrace kami ng bahay habang naglalaro silang tatlo ng human size doll house ni Faye.


"Daddy you're the queen, Papa you're the king, and I am the princess!" Malapad ang ngiti ni Faye habang hawak ang manika niya. "The prince will come and he will kiss the princess." Pagkukwento ni Faye ngunit tila hindi nagustuhan ng dalawa.


"No! No one will kiss the princess!" Pagsingit ni Andy sa sinasabi ni Faye.


"Get your ass off my daughter! You don't deserve the princess' lips!" Ibinato naman ni Francis ang lalaking manika.


Mukhang hindi na rin natutuwa si Faye dahil ngayon ay pinapagalitan na niya ang dalawa nyang ama na sinira ang fairytale story nya.


"Daddy! Papa! It's just a kiss! You're ruining the story!" Faye pouted.


"Did you know that when a boy kissed a girl, the girl will get pregnant?" Sabi ni Francis na syang sinang-ayunan ni Andy.


"Tama, tama. Kaya anak kapag may nagtangkang humalik sa'yo, sipain mo dito." Itinuro ni Andy ang kahinaan ng mga lalaki sa pamamagitan ng lalaking manika. "Dapat yung malakas."


"Mama, I think I am pregnant." Maliliit ang mga hakbang ni Faye papalapit sa akin. "Ethan kissed me last monday.." Bulong niya sa akin.


"WHO THE HELL IS ETHAN?!"


"GAGO 'YON AH! SINO 'YON!"


"Tang'ina nyo! Sinabi ko bang magmura kayo sa harap ng anak ko?!" Sigaw ko sa kanila.


"H-hindi naman sa ganon Mahal... N-nagtatanong lang naman kami..."


"N-nabigla lang ako, Fana. I'm s-sorry..."


"Daddy, Papa. Ethan kissed my cheeks. Is that okay?" Inosenteng tanong ni Faye. Ang Daddy at Papa nya ay namumula na ang mukha sa inis pero mga nakangiti at kalmado naman kapag nakaharap si Faye sa kanila.


"Mahal 'diba may class picture kayo? Pahiram naman, tapos anak halika dito, ituro mo kay Papa kung sino ang Ethan na 'yon." Mahinahong sabi ni Andy.


"Great Idea." Bulong ni Francis.


Hindi ko binigay ang class picture dahil ang OA nilang dalawa. Pumasok na lang kami ni Faye sa loob at nanoond ng paborito niyang disney princess na si Ariel habang nasa labas naman ang mga tatay niya na hanggang ngayon hinahanap ang 'Ethan' na humalik kay Faye. Naghahanap sila sa page ng school at nagbabaka-sakaling makikita nila ang mga class pictures doon.


Good luck sa kanila.








Holiday ngayon kaya nandito lang kami ni Faye sa bahay. Wala na naman ang Papa nya at hindi ko alam kung saan na naman nagpunta, ang aga-aga pa n'yang gumising at umalis, ni hindi na nagpaalam sa'kin.


Minsan talaga gusto ko nang pagdudahan si Andy. Naiinis na ako. Parang imbis na sulitin nya ang bakasyon nya kasama kami mas inuuna nya ang mga lakad nya, para ngang mas naging busy pa sya kaysa noong hindi pa nya bakasyon.


"Mama." Yumakap si Faye sa hita ko habang nakatayo ako at inihahanda ang lunch box na dadalhin niya sa bahay ng Daddy niya. Nagpaalam na naman si Faye na maglalaro sila ng Daddy nya at kinulit-kulit ako kaya hindi ko natiis at pinayagan ko na.


"Pasensya na anak at si Mama ang nagluto, maaga kasing umalis ang Papa mo at nakalimutan nang lutuin ang baon mo." Ngiti lang ang isinagot niya kaya parang nakonsensya ako dahil hindi naman ako sigurado kung masaya ba talaga sya sa niluluto ko!


"Now... Daddy is saving more time for me than Papa..." Ngumiti pa rin siya at inilagay na sa loob ng lunch bag ang baon nya.


"Knock knock?" Sabay kaming napalingon sa pintuan.


"Daddy you're here!" Nagtatakbo si Faye at sinalubong ng mahigpit na yakap ang Daddy nya. Magkasama pa lang sila noong isang araw ah?


"Pwede ko na bang hiramin si Faye?" Tanong ni Francis pero kinukuha na nya ang mga gamit ni Faye. Bakit ka pa magtatanong kung hawak mo na lahat ng gamit ng anak ko.


"Basta 'wag na 'wag mong pababayaan ang anak ko dahil kapag may nangyaring masama kay Faye, mararanasan mong maging lumpo." Pagbabanta ko gamit ang mahinahong boses.


Pinalampas ko 'yung naging sugat ni Faye sa tuhod dahil sa kapabayaan ng Daddy nya. Kapag umuwi si Faye at may sugat ulit talagang malilintikan na sa'kin ang Francis na 'yan!


"Don't worry Mama, I can take care of Daddy." Nakangiting sagot ni Faye kahit hindi naman siya ang pinagbibilinan ko. "Right Daddy? 'Diba po last friday you got drunk and inalagaan po kita like what my Mama's doing everytime Papa consumed too much alcohol."


Nagsalubong ang kilay ko sa mga narinig kong sinabi ni Faye na inalagaan niya ang Daddy nyang nalasing.


"Ang kabilin-bilinan ko sa'yo na alagaan mo ang anak mo, hindi ko sinabing magpaalaga ka sa bata! Mahabagin! Halika rito Faye! Hindi ka sasama sa Daddy mo at baka maglasing na naman 'yan gawin ka na namang tagapag-alaga!" Hinablot ko ang bag ni Faye at natataranta namang nagpaliwanag si Francis.


Habang kung ano-ano ang sinasabi ni Francis para pang paniwalaan ko sya, si Faye naman ay pasimpleng humahagikgik sa gilid ko dahil sa nagawa niyang isumbong ang Daddy nya.


Ang kapal ng mukha nya! Pinayagan ko na nga syang makasama ang anak nya tapos gagawin pa nyang tagapag-alaga ng lasing?!


"Hindi naman ako lasing non Fana eh, nakainom lang pero hindi lasing, pangako!" Lumipat ang tingin niya kay Faye. "Anak sige na, sabihin mo sa Mama mo na hindi ako lasing non. 'Diba kumain pa tayo ng ice cream bago matulog?"


"Fine. Papa told me po kasi na sabihin ko daw lasing kayo, well, you're really drunk kaya. You even told me that you still love my Ma—" Tinakpan ni Francis ang bibig ni Faye.


"Sige na, umalis na kayo at mata-traffic pa kayo basta ang bilin ko Francis, si Faye, alagaan mo." Mahigpit na bilin ko. "Halika anak, pa-kiss muna ang Mama bago kayo umalis." Humalik si Faye sa magkabilang pisngi ko bago sila tuluyang umalis kasama ang Daddy nya.


Nang makaalis na sila sinimulan ko namang asikasuhin ang mga dapat ayusin para sa 7th birthday ng kambal kong anak. Naka-reserve na ang venue at bina-badget ko ngayon ang pera para sa foods, additional decorations, para sa gowns na susuotin ni Faye, para sa give aways at marami pa. Sobrang haba ng listahan ko at wala pa akong katulong dahil wala si Andy.


Sa Catering and foods kumulang 100k na agad ang gagastusin. Kung nandito sana si Andy mas mapapadali ang pagba-badget ko dahil kung kapusin man ang hawak kong pera eh makakahiram ako kay Andy.


Hay nako, bakit ngayon pa naisipang lumayas ni Andy, wala tuloy akong katulong!



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now