28

138 2 0
                                    

"Lumapit ka nga dito Ser!" Sigaw ko.


"Makautos ka ah."


"Hawakan mo okaya harangan 'yung pasta para hindi matapon sa lababo." Sabi ko na lang. Ako pa kase pinagagawa nito, sya rin naman magluluto inutusan pa'ko.


Nakahawak ako sa dalawang hawakan ng kaldero at itatapon ko sa lababo 'yung tubig ng pasta, mainit eh tsaka nasasamang matapon 'yung pasta sa tubig.


"Aray!" Sigaw ni Sir. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong nakasawsaw sa tubig ang dalawang kamay nya at hawak 'yung mga pasta para hindi matapon.


"Ay bobo mo!" Sigaw ko naman. "Hinawakan nga amputa! Ser bagong kulo 'yan, kumuha ka kaya ng strainer! Bobo amputek." May sarkasmong sabi ko sabay turo sa strainer na hinanda ko na nga para gagamitin na lang nya.


Kapag nga naman talaga pinapagana ang katangahan, kahit teacher ka hindi ka makakaligtas.


"Sabi mo hawakan ko!" Singhal nya at talagang parang kasalanan ko pa na medyo tanga sya sa part na dinakot nya 'yung bagong kulong pasta??


"Common sense naman 'yon, bagong kulo! Nako! Mag-retire ka na! Ambobo mo!" Umirap ako.


"Dun ka na nga! Pakuluan pa kita dyan eh!" Inis na sabi nya at pinagtulakan ang paalis ng kusina. Dumila lang ako at dumiretso sa sala at kinain 'yung chichiryang naiwan nya na kinakain nya kanina bago ko sya tinawag.


Akala ko ang tali-talino na nya. Akala ko lang pala.


Hays, bobo.


"Naririnig kita!" Sigaw nya mula sa kusina.


Napakunot ang noo ko.


"Hindi ako nagsasalita, tanga!" Sagot ko naman.


"Naririnig kita sa utak ko, boba!" Iritadong sagot nya.


"Sana all dinadakot 'yung bagong kulong pasta!" Wala akong maisip na sagot kaya nambwisit na lang ako.


"Isa pa, makita mo, bigla na lang bubula bibig mo dyan!" Mas pikon na sigaw nya.


Napatawa na lang ako ng mahina at tinigilan ko na rin sya. Baka mamaya lasunin ako ng lalaking 'yon tapos ibaon ako sa bakuran nya. Kakapanood pa lang naman ng mga movies na puro patayan, baka magka-idea 'yung alipungang 'yon, maisipan pang patayin ako.


Habang pachill-chill akong nakahiga sa sofa ni Sir, biglang sumagi sa isip ko na kung ano kayang plano ko sa 18th birthday ko, sa isang linggo na 'yon tapos wala pa rin akong plano. Siguro maghahanda lang ako ng kaunti dahil sigurado namang bilang lang sa daliri ko ang maiimbitahan ko. Kung hindi si Sir Francis, Ma'am Celyn, Jade at Andy, wala na dahil wala naman akong ibang kakilala na malapit sa akin.


Kung nandito lang si Tatay baka marami na naman akong bisita dahil maghahanda sya ng marami at iimbitahan ang mga katrabaho nya para may bisita ako. Gano'n din si Lola, 'yung mga kapitbahay namin dati, sila sila lang ang bisita ko.


Pupunta na sana ako sa kusina pero nakasalubong ko na si Sir at mukhang nagmamadali.


"Dito ka lang, babalik ako." Seryosong sabi niya at dire-diretsong kinuha ang susi ng kotse nya.


"Teka Sir! San ka pupunta? Sama ako!" Sigaw ko at sumunod ako sa kanya.


"Hindi pwede! Hintayin mo na lang ako dito pupuntahan ko lang si Celyn!"


"Pero Sir---"


"Wag matigas ang ulo Fana! Kapag sinabi kong dito ka lang, dito ka lang!"


Diretso na syang umalis. Nakatayo lang ako sa tapat ng pintuan habang pinapanood ko ang papalayo nyang kotse.


"Ano kayang nangyari kay Ma'am Celyn? Bakit parang alalang-alala si Sir?" Mga tanong sa isip ko bago ako bumalik sa loob. Ni-lock ko din ang pintuan dahil natatakot akong may ibang pumasok, baka may mawala ako pa ang masisi ni Sir.


Pumunta ako sa kusina para tingnan 'yung niluluto ni Sir at nakita ko rin 'yung phone nya na naiwan.


:Hindi ko alam bigla na lang akong dinugo! Francis natatakot ako!


Iyon ang nasa-screen ng phone.


Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Nag-aalala na rin tuloy ako kay Ma'am. Buntis ba sya para duguin sya? Hindi ko alam na may boyfriend pala si Ma'am.


Kung buntis man sya, kaya pala napapansin kong maluluwag ang sinusuot nya at parang tumataba.


Hindi ko na lang pinakialaman ang gamit ni Sir hanggang sa makabalik sya sa bahay at kasama nya si Ma'am Celyn. Madilim na nga sa labas, hindi ko na mabilang kung gaano at ilang oras akong naghihintay na bumalik si Sir.


"Ang sabi ng Doctor magpahinga ka lang daw. Ano ba kasing nangyari? Just tell me, I'm worried." Tanong ni Sir kay Ma'am.


Naka-upo lang ako sa baitang ng hagdan at pasimpleng nakikinig sa kanila.


"S-si Patricia kasi..." Pigil ni Ma'am Celyn ang maluha.


"Tell me."


"W-when she found out that I'm pregnant, s-she intentionally hurt me to kill the baby..." Bigla na lang humagulgol sa pag-iyak si Ma'am.


"What?! What the hell?-- I mean bakit?! Mabait na bata si Patricia, She's one of my good students!" Mukhang hindi makapaniwala si Sir.


Naku, good students. Bruha nga at parang walang pinag-aralan 'yang babaeng 'yan! Pati nga sarili nyang Tita sinasaktan nya,  wala syang utang ng loob.


Dapat pala noon pa lang sinabi ko na kay Sir 'yung mga narinig ko na sinasabi ni Patricia na iba-block mail nya si Ma'am Celyn kapag pinigilan sya nitong lumapit kay Sir! Ang sama talaga ng ugali! Walang kinikilalang bata o matanda! Walang respeto!


"I-i don't have any idea kung bakit nagkakagano'n ang batang 'yon, ever since na sinabi kong ibabalik ko sya sa father nya bigla na lang syang nagrebelde. I think... There is something wrong with her." Tumigil sa pag-iyak si Ma'am at tumingin kay Sir. "Uuwi ako, I need to talk to her."


"Dito ka muna, mas mababantayan kita dito tsaka nandito si Fana! Kasama ko sya, dalawa kaming magbabantay sa'yo. Please, just stay here..." Bigla akong napaayos nang upo nang banggitin ni Sir ang pangalan ko at nang lumingon din sa'kin si Ma'am.


"Nandito ka pala." Biglang nablanko ang emosyon ni Ma'am Celyn nang makita nya ako. "Uuwi na'ko Francis, nakakaabala lang ako dito." Sabay tumayo sya at naunang lumakad palabas.


"Celyn wait!"


Bakit gano'n ang reaksyon ni Ma'am?? May nakikita ba syang hindi ko nakikita?? O may nararamdaman ba sya na hindi ko alam?


Kung titigan nya ako kanina daig pa nya may galit sa'kin.



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα