36

143 4 0
                                    

Naughty lovers daw. Hindi tuloy ako makalapit kay Sir dahil sa hiya! Buong linggo na kaming nag-iiwasan dahil sa kahihiyang 'yon at isa pa sa tuwing magkakadikit kami parang naiilang ako sa kanya dahil sa halik na ginawa nya.


"Tomorrow is the most important day of your high school life kaya 'wag kang male-late." Nakangiting sabi ni Ma'am habang hinahawi-hawi ang buhok ko.


Magkasama kaming dalawa at nakaupo kami sa isang long bench. Kakatapos lang ng final practice namin para sa graduation. Mamaya lang ay uuwi na rin ako para maghanap ng susuotin ko sa graduation.


"Pwede naman po kahit walang magulang na aakyat kasama ko 'diba?" Tanong ko. 'Yung mga kaklase ko kasi may mga magulang o kamag-anak na aakyat para sa kanila, samantalang ako kahit isa sa mga kamag-anak ko wala akong kilala.


"Pwede naman. Do you think hahayaan kong wala kang kasamang aakyat? I'll be there for you, ako ang sasama sa'yo." Pinisil niya ang pisngi ko.


Napangiti na lang ako at nagpasalamat dahil mula umpisa ay hindi ako iniwan ni Ma'am, lalo na si Sir Francis. Napalapit lang ako ng husto kay Sir Francis dahil hindi ako nagpapasa ng project sa kanya noon dahil wala nga akong talent sa pagtatanim ng halaman. Noong naging close kami ni Sir ay napalapit na rin ako kay Ma'am Celyn.


"Si Patricia? Baka magalit sya kapag sumama po kayo sa'kin, Ma'am." Dismayadong sambit ko dahil ang alam ko ay si Ma'am din ang kasama ni Patricia.


"So what? Hindi na uubra sa akin ang katigasan ng ulo nya. If she wanted a miserable life then i'll give it to her. Ako ang bumubuhay sa kanya kaya sa oras na itakwil ko sya, tingnan na lang natin kung saan sya pupulutin ng mataas nyang pride." Mapait na ngumiti si Ma'am.


"Mabuti naman po at may takot na si Patricia sa inyo."


"Mabuti nga. Kung hindi sya nagbago, baka isinauli ko na sya sa father nya. I'm tired of her rude attitude. Good thing na sumusunod na sya sa tinuturo kong good manners and good etiquette." Nagmamalaki niyang kwento at bakas naman na masaya si Ma'am sa unti-unting pagbabago ni Patricia.


Kung hindi lang talaga sya pamangkin ni Ma'am Celyn baka napundi na rin ako at patulan ko pa sya.


"Celyn, the head teacher is looking for you."


Napaayos ako ng upo nang makitang kong papalapit sa amin si Sir Francis.


"Yeah, papunta na nga ako doon." Tumayo si Ma'am at tinapik ako. "I'll leave now, see you tomorrow!" Kumaway pa si Ma'am at habang papalayo siya ay sya namang paglapit ni Sir sa kinauupuan ko.


Hindi pa ako handang makipag-usap dahil sa sobrang kahihiyan. Kailangang iwasan ko muna sya hanggang sa makalimutan na namin parehas ang mga kahihiyang nangyari.


"Fana--"


"Ahm, may pupuntahan nga pala kami ni Andy!" Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig niya. "Ay, nandyan ka pala Sir. Una na 'ko. Bye!" Kabadong sambit ko at nagmamadali akong naglakad palayo dala ang maliit kong bag na wala namang ibang laman kung hindi pagkain.


Ramdam ko ang titig niya sa akin kahit nakatalikod ako at naglalakad palayo sa kanya.


Bakit parang nagi-guilty ako na iniiwasan ko sya? Ang sama ko namang tao.


Parang pinapalala ko lang ang lahat eh!


Hindi bale! Bukas na bukas kakausapin ko na si Sir tutal last day na bukas.


Matapos ang byahe ko pauwi ay hinintay kong makauwi si Andy. Inaya ko sya para samahan akong mamili ng dress na isusuot ko sa graduation. Sobrang excited na ako!


"Wala naman akong alam tungkol sa mga ganyan. Mukha ba akong nagsusuot ng dress?" Daig pa nya ang lantang gulay dahil pinapapili ko sya sa dalawang dress na hawak ko.


"Ikaw nga ang sinama ko dahil ikaw lang ang malalapitan ko tapos ganyan ka naman." Malungkot na sabi ko sabay baba ng mga dress. "Wag na nga, magpapantalon na lang ako bukas tutal mukha namang buryong na buryong ka na. Halata namang napipilitan ka lang na samahan ako eh!" Sumimangot ako at umaktong nagtatampo.


Gumuhit kaagad ang nag-aalalang emosyon sa mukha niya nang makita niya ako.


"Hindi naman ako bored! Ito naman! Ito nga oh, pinili ko kasi mukhang bagay sa'yo dahil maputi ka." Hinila nya ako palapit at inakbayan sabay pakita ng hawak niyang puting midi wrap dress.


Nag-ningning naman kaagad ang mga mata ko dahil nagandahan ako sa dress na ipinakita nya.


Ito 'yung midi wrap dress na tinitingnan ko dati kaso hindi ko pa mabili noon pero ngayon afford ko na!


"A-ang ganda..." Namamanghang sabi ko.


"Diba ang galing ko?" Nagmamalaking sagot nya at hinila na ako sa counter. Pinag-ipunan ko talaga ang pagbili ng dress para sa graduation ko at ngayon ito na! Hawak ko na ang pinag-ipunan ko!


Naglalakad na kami ni Andy palabas at sa sobrang saya ko ay nakapalupot pa ang braso ko sa braso ni Andy habang masayang-masayang naglalakad. Kulang na lang ay mapunit ang labi ko dahil sa lapad ng ngiti ko.


"Mabuti ka pa gagraduate na." Mahinang boses ni Andy.


"Ano ka ba! Ayan ka na naman sa panlalait sa sarili mo eh!" Agad kong sagot. Palagi na lang kasi nyang nilalait at minamaliit ang sarili nya dahil hindi man lang daw sya nakagraduate ng highschool.


"Totoo naman eh, kung hindi sana ako naging basagulero at pinagpatuloy ko ang last sem, baka magkasabay tayong ga-graduate." Dismayadong sambit nya.


Napabuntong hininga naman ako at tinapik siya.


"Tama na 'yan. Dapat ka pa ngang humanga sa sarili mo." Ngumiti ako ng marahan.


"Anong kahanga-hanga sa katulad ko?"


"Lahat. Tingnan mo, may trabaho ka. Napapakain mo ang sarili mo. Tapos napromote ka pa sa trabaho! Ang laki ng kinikita mo tapos hindi ka naman bobo eh! May pinag-aralan ka! Hindi porket hindi ka nakagraduate ay 'Tanga' ka na, mas magaling ka pa ngang mag-english sa akin eh. Next year kung itutuloy mong mag-aral sigurado akong matutupad mo ang pangarap mong maging chef."


Nakangiti ako ng malapad habang sya ay nakatitig lang sa akin. Ilang segundo lang ang itinagal at unti-unting gumuhit ang matamis  na ngiti sa labi niya.


"Salamat sa pagpapalakas ng loob ko." Medyo nahihiya pa syang humarap sa'kin. "P-pwede bang makahingi ng yakap? Kung pwede lang naman..."


"Ano ka ba! Syempre pwede!" Ako na mismo ang yumakap sa kanya. "Magkaibigan tayo 'diba?" Sabay bulong ko.


Kumalas na sya sa pagkakayap sa akin at ngumiti ng maliit.


"Kaibigan lang.." Bulong niya pero narinig ko pa rin.


"Bakit? Ayaw mo ba ako maging kaibigan?" Nag-aalala kong tanong.


Naiilang naman syang tumawa.


"H-hindi sa ganon! A-akala ko kaso higit--- I mean, Wala! Kalimutan mo na nga. Kain na lang tayo, libre ko." Syempre pumayag na ako sa alok nya at kumapit ulit ako sa braso nya habang naghahanap kami ng makakainan.


"Doon na lang kaya tayo sa pinagtatrabahuhan mo? Hindi pa ako nakakapunta doon!" Masiglang suhestiyon ko.


"Oo ba. Matagal ko na nga palang binabalak na dalhin ka don!" Sagot naman nya at umiba kami ng direksyong nilakakaran, ngayon ay papunta na kami sa pinagtatrabahuhan niya.



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now