13

163 4 0
                                    

Naglalakad kami ngayon pauwi pagkatapos kaming pagalitan ni ma'am Celyn. Napagalitan ako kasi daw hindi ko dapat sinasabi 'yung hahalikan ko si sir dahil baka daw may makarinig ano pang isipin, tapos napagalitan naman si sir dahil palagi nya akong sinasabunutan.


"Kasalanan mo 'yon eh, napagalitan pa'ko" Reklamo nya.


"Kasalanan ko bang nanabunot ka?" Pabalang kong sagot.

Sumakay na sya sa tricycle kaya sumakay na rin ako sa kabilang pila para pauwi sa'min.


"Tumayo kayo bilis!" Piningot ni ma'am Celyn si sir Francis habang pinapasunod kami sa faculty nya dahil nandito na sa 'yung principal.


Agad naman akong sumunod kay ma'am at iniwan ko si sir na nagbabayad ng mga kinain namin. Ayos ligtas ako sa bayarin.


"Bakit mo hinalikan si Francis? paano kung may nakakita sa inyo?" Mahinahong tanong ni ma'am at umupo sa upuan nya.


"Hindi naman po sadya 'yun eh, nakita nyo naman ma'am nabunggo ako" Rason ko.


Totoo naman eh, nakita naman nya na nabunggo ako kaya natumba ako kay sir. Hindi ko naman sinasadya 'yon tsaka bakit ko hahalikan si sir? Crush ko sya pero hindi naman ako gano'n na basta basta nang hahalik.


"Ikaw lalaki ka, halika nga rito!" Piningot ulit ni ma'am Celyn si sir Francis at pilit pinaupo sa kabilang upuan sa gilid ko.


Para kaming mga bata na pinapagalitan ng nanay namin. Nakaupo kami sa harapan ni ma'am habang nakayuko. Nagsesermon si ma'am sa'min kaya hindi makasingit si sir.


"Bakit kayo nag uusap ng gano'n sa harap ng maraming tao?! okay lang sa harapan ko dahil alam kong magkasundo kayo pero paano kung may ibang teacher ang makakita sa inyo?!" Pagsermon ni ma'am. "Anong iisipin nila?! na wala kang galang sa teacher mo Fana?! na hinahayaan mong sagutin ka ng estudyante mo Francis?! Ano ba! Pwede ba kahit sa school maging guro at estudyante naman ang turing nyo sa isa't isa hindi 'yung para kayong magtropa lang na nag sasabunutan sa kalsada!"


Napamasahe pa si ma'am sa sentido niya at stress na stress sa amin. Nakonsensya tuloy ako dahil napagalit pa namin si ma'am Celyn eh palaging sya nga ang nagtatakip sa away namin ni sir.


"Hindi naman sadya 'yung halik Celyn, anong kinagagalit mo?!"


Para akong naglaho at napaatras nang makita ko si sir na galit na tumingin kay ma'am Celyn.


"Hindi ako nagagalit sa halik Francis! nagagalit ako dahil hindi mo ginagampanan ang trabaho mo! Si Fana, bata pa 'yan kaya dapat kinakausap mo nang maayos hindi 'yung kapag sinabunutan ka sasabunutan mo rin! Teacher ka ba?! nag iisip ka ba?! Paano kung may nakakita sa inyo habang nagsasabunutan kayo sa canteen?!"


Nanahimik ako sa isang tabi at natikom ang bibig dahil sa palitan nila ng sigaw at mukhang walang pakialam sa kung sino man ang makakarinig.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now