41

132 2 0
                                    


"P-pero Sir---"


"Pero ano? Na hindi tayo pwede? Alam ko naman 'yon kaya nga iniiwas ko na ang sarili ko na mas lalong mapalapit sa'yo." Mapakla siyang tumawa at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko.


So, may gusto sya sa akin??


Ampotchi! Sabi ko na nga ba!!!!


I love you Sir!


"Pero Sir hindi pwedeng mawalan ka ng trabaho dahil sa'kin." Mahinahong sagot ko kahit sa loob-loob ko ay mahihimatay na ako sa tuwa at kilig.


"Hindi mahalaga sa'kin 'yon." Walang pagdadalawang isip niyang sagot.


"Sinungaling." May diin kong sambit. "Alam kong mahalaga sa'yo ang trabaho mo at hindi ako naniniwala na kaya mong mawalan ng lisensya sa pagtuturo. Alam ko kung gaano mo kamahal ang pagtuturo mo kaya hindi ako makakapayag na ako ang magiging dahilan para mawala ka sa propesyon mo."


Naramdaman ko rin ang kirot sa dibdib ko habang sinasabi ko ang mga katagang iyon. Oo nga't gusto ko sya, mahal ko sya? Dati pa, pero, hindi naman ako makasarili para hindi isipin ang magiging dulot kay Sir kung papatulan ko ang mga kinofess nya sa akin.


"Wala namang makakaalam, Fana." May bakas ng pagmamakaawa sa boses nya at hindi ko maintindihan kung bakit.


Ganon ba nya ako kagusto para magmakaawa sya? Parang hindi naman. Gusto nga nya palagi na sirain ang araw ko eh. Gusto nya na palagi akong badtrip at hindi maganda ang mood.


"Pero kasi Sir---" Pinutol na naman nya ang sasabihin ko.


"Tigilan mo na ang kakatawag sa'kin ng 'Sir'. Hindi na kita estudyante at naiirita akong tinatawag mo akong ganyan." Umiwas pa ulit sya ng tingin. "At, kung hindi ka pa naman handa... maghihintay ako hanggang makagraduate ka at hanggang maging handa ka na."


Sandali lang, 'yung puso ko...


Bakit parang kinokonsensya naman nya ako sa tono ng boses nya! Sandale! Hindi ako marupok!


"Pag-iisipan ko pa..." Napabagsak na lang ang balikat ko dahil iba na naman ang lumabas sa bibig ko. Dapat ang sasabihin ko ay 'Siguro pwede na kapag naka-graduate ako ay may trabaho na' pero traydor 'tong ampotching bunganga ko!


"Talaga?!" Biglang gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi niya at napahawak pa sa balikat ko.


Bakit ang cute nya!


Hindi pwede! Ang unfair!


"Tara! Magdinner date tayo!" Masiglang sambit nya sabay binuhat nya si Franchis at pinagsiklop ang mga kamay namin.


Para namang may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan nang hawakan nya ang kamay ko.


Parang napa-palpitate ang puso ko at nahihirapan akong huminga.


Wala naman akong ibang sinabi ah? Bakit may holding hands agad?! Dati naman na kaming napapahawak nang ganito sa isa't isa pero bakit parang iba ang dating ngayon? Dahil ba sa confession nya?


Huhu Lord, pabilisin nyo na po ang panahon dahil alam nyo naman kung gaano ako kapatay na patay sa lalaki na 'to noon pa man. Gusto ko na pong maranasang maging boyfriend ang crush ko.


Sorry po Tay, Nay, Lola kung humaharot ako ngayon, si Sir Francis kasi eh! Dalawin nyo nga sya Tay at pagalitan nyo para hindi ako mabaliw kakaisip sa isasagot ko sa ginawa nyang pag-amin kanina!


"Hoy, Fana, sakay na." Nakangiting sabi nya sabay tapik sa upuan ng kotse sa harap katabi nya habang nasa likod si Franchis at tahimik na nakaupo lang.


"O-oo!" Sumakay na agad ako. Lumulutang ang utak ko ngayon kakaproseso sa mga kaganapan kanina.


Marami pang sinasabi si Sir Francis pero pumapasok lang sa kabila kong tenga at lalabas naman sa kabila. Sobrang sabog ko ngayon.


Chance ko na 'to pero paano naman 'yung lisensya ni Sir? Kung makikipagrelasyon ako sa kanya tapos may ibang makaalam, baka pareho kaming mahirapan. Mahihirapan sya sa trabaho, mahihirapan naman ako sa pag-aaral.


"Kanina pa ako nagtatanong sa'yo kung saan tayo kakain hindi ka naman sumasagot." May bahid ng pagtatampo sa boses nya kaya mabilis ako napabaling sa kanya.


Palagi akong nakokonsensya kapag ginagamit nya ang tono ng boses nyang ganon. 'Yung parang nagmamakaawa na akala mo naman inaapi ko sya.



"S-sa bahay na lang. M-magluluto na lang ako..." Sabay umiwas ako ng tingin dahil baka kapag tinitigan ko pa sya ng matagal baka mas lalo nang rumupok ang puso ko.


"Kaya ayaw kong magtapat sa'yo eh, ganito. Maiilang ka, hindi mo ako papansinin." Rinig kong napabuntong hininga sya. "Mas gusto ko pa 'yung palagi kang maingay sa kotse at inaaway mo ako kasya sa ganyan na tahimik ka kulang na lang 'wag mo na rin ang kausapin. Kung alam ko lang na magkakaganyan ka sana hindi ko na lang sinabi na gusto kita. Bakit kasi hinayaan ko 'tong nararamdaman ko. Dapat nung una pa lang pinigil ko na pero ito na eh, pagpapatuloy ko na lang. Tsaka, gusto ko rin naman na nagustuhan kita kasya sa ibang babae. Galit ka ba na umamin ako?"


"Hindi naman sa ganon. May iniisip lang kasi ako, Sir." Pagdedepensa ko para hindi nya isipin na umiiwas ako dahil hindi naman talaga.


Dapat lang na ako ang magustuhan mo kaysa ibang babae dahil kapag iba ang nakatuluyan mo, magmamadre ako. Hindi ako mag-aasawa kapag hindi ikaw ang groom.


"Francis na lang, sabi ko sa'yo hindi na kita estudyante. Mas gusto kong tawagin mo akong Francis." May paguutos na sabi nya.


"Magmumukha naman akong walang galang non." Napasimangot pa ako.


"Ganto na lang. Kapag tayong dalawa lang Francis ang itawag mo sa'kin at kapag may ibang tao Sir." Suhestiyon niya.


Pwede rin naman.


"Sige, Francis." Nakangiti akong tumingin sa kanya at napakunot ang noo kong nang makita kong namumula sya. "Ayos ka lang?"


"Wala kang pake." Sagot nya.


Aba. Matapang ka na ulit ah.


"Wala akong pake?" Tinaasan ko sya ng kilay. Bigla naman syang nag-panic.


"J-joke lang! A-anong gusto mong pagkain? Mag drive thru na lang tayo kaysa magluto ka pa." Pagbawi nya.


"Ikaw na bahala." Sagot ko na lang at napakamot na lang din sya sa batok.


"Ang daya, hindi naman ako takot sa kanya dati pero bakit tiklop agad ako ngayon." Bulong nya pero narinig ko pa rin.


Palihim akong napangiti at hindi na lang pinansin ang sinabi nya.


"Ah oo nga pala, nakalimutan ko 'tong itanong sa'yo kanina." Lumingon sya sa akin.


"Ako rin may itatanong sa'yo." Sagot ko.


"Sige mauna ka na." Ngumiti pa sya.


"Ikaw na."


Napatahimik pa kami at sa hindi inaasahang pagkakataon sabay pa kaming nagtanong.


"Pwede bang manligaw?"


"Nanliligaw ka ba?"



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now