49

101 1 0
                                    

"Fana, sabay na tayo." Tumango na lang ako dahil pareho lang naman kami ng dadaanan ni Andy.


"Fana, may sasabihin ata si Andre." Binunggo bunggo ako ni Aaron na sobrang ingay. Wala pa kasing jeep kaya kasama pa rin namin sya pero magkaiba naman kami ng dadaanan.


"Tumahimik ka nga!" Inis na suway ni Andy sa kanya.


Tahimik lang akong nakatayo at naghihintay ng jeep, hindi ko na lang pinapansin ang ingay na ginagawa ni Andy at Aaron, kung ano ano ang pinagkukwentuhan nila na wala naman akong alam tsaka mas gusto kong manahimik kasya makisabat sa kanila.


"Mauna na kami. Ingat." Sabi ko lang kay Aaron pagkasakay namin ni Andy sa jeep.


"Sabay tayong pumasok bukas?" Nakangiting tanong ni Andy. Pilit akong ngumiti at tumango dahil pagod ako sa trabaho kaya hindi ko magawang makipagbardagulan sa kanya.


Nang huminto ang jeep ay nauna na akong bumaba. Papasok pa lang kami ng gate ay napansin ko na ang unit ko na bukas ang ilaw.


Ano na naman kayang ginagawa nya dito? Napapadalas ang pagtambay nya sa unit ko.


"Mukhang pagod na pagod ka. Hindi ka sumasagot sa mga sinasabi ko, haha." May tampo sa boses niya. May kung ano namang kumurot sa konsensya ko dahil kanina pa nga sya nagkukwento at nagsasalita pero kahit isa sa mga iyon ay wala akong sinagot dahil wala akong gana.


"Pasensya na kung hindi ako nakakasagot sa mga kwento mo, pagod lang kasi talaga ako. Gustong-gusto ko nang magpahinga." Mahinahon kong paliwanag.


"Tss, okay lang! Sige magpahinga ka na. Goodnight." Ngumiti pa rin siya at nauna nang pumasok sa unit nya. Napabuntong hininga naman ako at pumasok na rin sa loob kung saan naabutan ko si Francis na nakikipaglaro kay Chis.


"Gabi na... bakit nandito ka pa? Wala ka bang trabaho?" Pagbungad na tanong ko at ibinagsak ko ang sarili sa may sofa.


"Kumain ka na? Nagluto ako." Nakangiting sambit niya at lumapit sa akin sabay kuha ng bag ko, pagkatapos ay tinanggal ang suot kong sapatos. "Kain ka na, kanina pa nga kita hinihintay."


Nadala na naman ako sa mga ngiti niya, ito tuloy ako ngayon, parang hindi galing sa trabaho at parang walang pagod na nararamdaman dahil sa nakikita kong ngiti niya.


"Medyo pagod lang. Sabay na tayong kumain." Kumapit ako sa kaniya at yumakap ng sobrang higpit.


Matapos niyon ay hindi ko na namalayang nakatulog ako at kinabukasan ko na narealise nang magising ako para maligo.


Hinanap ko agad si Francis at nakita ko syang nagkakape at nandoon lang sa isang sulok at nakaupo habang may ginagawa sa laptop na palagi nyang dala.


"Good Morning." Masiglang bati niya nang makitang papalapit ako sa kung nasaan siya nakaupo.


"Morning. Nakatulog ako---"


"Okay lang. May agahan na dyan, kumain ka muna bago pumasok tapos kung gusto mo sunduin kita mamaya para hindi ka na mapagod sa paghihintay ng jeep?"


"Wag na, may makakita pa sa atin." Sagot ko habang nagtitimpla ng sarili kong kape.


"Mag-resign na lang kaya ako para kahit may makaalam na tayo na walang sagabal? Sa tingin mo?" Nagsalubong ang kilay ko sa random niyang tanong.


"Sa tingin ko, nahihibang ka na." Nilingon ko siya. "Resign? Gusto mong batukan kita? Kung magre-resign ka nang dahil sa'kin aba maghiwalay na rin tayo. Hindi ko gugustuhing umalis ka sa trabaho mo nang dahil sa akin at isa pa ano naman kung walang nakakaalam na tayo na? Maganda nga ang pribadong relasyon dahil iwas sa mga taong nakikisawsaw sa problema na dapat sa ating dalawa lang. Bawasan mo 'yang kakainom mo ng kape, kung ano ano na sumasagi sa isip mo. Hindi maganda Francis."


Sa hinaba-haba ng sinabi ko ay tinawanan lang niya ako at parang hindi sineseryoso ang mga sinabi ko.


"Ang dami mong sinabi, oo na, hindi na. Ang liit liit mo pero 'yang bibig mo naglalabas ng 5000 words kada minuto." Umirap na lang ako at umupo sa isang upuan katapat niya at ibinaba ko sa mesa ang kape ko.


"Oo nga pala, doon ka na umuwi sa bahay mo dahil may mga nakakakita na sa'yo na pumapasok ka dito. Tandaan mo, karamihan ng nakatira dito kilala ka bilang teacher at 'yung iba dyan estudyante mo pa." Pangangaral ko sa lalaking hindi naman nakikinig sa mga sinasabi ko.


"Hoy, nakikinig ka ba?!" Iritado kong tanong dahil ginagawa nya akong tanga kakasalita dito tapos hindi sya makikinig at tatawanan pa ako.


"Kasi naman, napakaseryoso mo ang aga-aga. Smile ka na dyan. Nagmumukha kang masungit na nuno." Sabay pisil nya sa pisngi ko.


"Tinatanong kita kung nakikinig ka ba?!" Napipikon na ako dahil ginagawa niyang laro ang pagseseryoso ko.


"Oo, nakikinig ako. Kasi naman! Pagpunta na nga lang dito ang libangan ko tapos pagbabawalan mo pa ako!" Pag-amin niya.


"So gusto mo dito sa apartment?" Paglilinaw ko dahil baka isipin ko na gusto lang nya akong makita araw-araw maging ashumera pa ako.


"Oo." Tumango naman siya kaya napaayos ako ng upo. Mabuti na lang hindi ako nag-ashume na gusto nya lang akong makita kaya sya pumupunta dito. Para ko din sinaktan ang sarili ko non.


"Kung hindi ka susunod sa gusto ko na 'wag ka munang pumunta dito, iiwan kita dito at doon kami ni Chis sa bahay mo tutal ayaw mo naman doon. Ikaw na rin magbayad ng kalahati ng renta nito dahil dito ka naman natutulog, kumakain, at naliligo. Pinaglaba mo rin ako ng damit mo, hindi libre 'yon aba." Napakamot na lang sya sa ulo.


"Sige na nga. Hindi na ako madalas na pupunta dito pero dapat ikaw ang pupunta sa bahay para hindi kita puntahan dito." Talagang binaliktad pa ako nito.


"Oo, mamaya doon ka na umuwi sa bahay mo. Kapag ikaw nakita ko dito mamaya pag-uwi ko tatamaan ka sa'kin." Pagbabanta ko at nag thumbs up lang sya.


Maganda ata ang tulog at gising nito at hindi nagbabago ang mood. Masigla lang at nakangiti.


"Maliligo na ako, baka ma-late ako sa trabaho." Inubos ko ang kape ko at kumuha ng tuwalya.


"Hahatid kita ah."


"Wag na, kasabay ko naman si Andy kaya 'wag kang mag-alala." Sagot ko.


"Kaya nga ako nag-aalala kasi kasabay mo 'yon."


"Tumigil ka nga dyan sa kakaselos mo, Francis."


Papasok pa lang ako ng banyo pero napatigil ako dahil sa kadramahan na namang sinabi nya.


"Bago ako umuwi kahapon pagkatapos natin mag-lunch may sinabi sa akin 'yon. Nagpapatulong pumorma sa'yo, hindi nya alam na girlfriend na kita. Sapakin ko ba? Sabihin mo Oo."



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now