67

35 2 0
                                    

"Mama, why my surname is not Twazon? all my friends use their Daddy's last name... I want to use Papa's last name too, Mama..."


Lunch time ngayon at nandito kami sa faculty room ko at itong anak ko ay kanina ko pa napapansin na parang walang kagana-gana at nung tinanong ko ang dahilan, iyon pala ay dahil sa last name niya. Nagkaroon kasi kanina ng nomination para sa lalaban sa spelling competition at ang basic na pina-spell sa kanila ay ang apelyido ng bestfriend's nila.


Si Ryza dapat ang partner ni Faye pero umayaw ang bata at biglang ayaw nang sumali sa competition kaya ang ending si Faye at Jianna ang naging partner para sa darating sa spelling contest next week.


Ayoko na ngang pasalihin si Faye dahil paniguradong manonood si Francis dahil kasali si Jianna at ayoko rin na gumawa ng eksena sa school. Iniisip ko lang ang kagustuhan ni Faye kaya kahit ayaw ko ay pinayagan ko sya dahil doon sya masaya at para rin mahasa ang talento nya.


"Mama I want to be Faye Andrea Twazon.. please??" Nakayakap siya sa akin habang nakaupo sa ibabaw ng hita ko.


"Ayaw mo na ba sa last name ni Mama? Ayaw mo na ng Santa Cruz? Faye Andrea Santa Cruz is not that bad." Mahinahon kong sagot para rin mabago ko ang isip niya. Masyado pa syang bata para maintindihan ang mga bagay-bagay na ganito.


"But Mama, Twazon is much better..." Nakasimangot niyang pangangatwiran. Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang syang mangulit, mapapagod din sya kakasalita. "Mama I want to be Twazon!" Mukhang naiinis na siya at malapit nang umiyak, maging ako ay medyo naririndi na rin.


"Anak, si Papa mo ang sabihan mo nyan." Sagot ko. Hindi naman kami kasal ni Andy kaya hindi ko pwedeng ibigay basta-basta ang apelyido niya kay Faye at isa pa sobrang hectic ng schedules namin pareho kaya hindi namin mabibigyan ng oras ang pag-aayos ng bagong birth certificate ni Faye.


Kumuha na nga ako ng Yaya last week para may mag asikaso sa bahay at may magbabantay kay Faye kapag wala kami ni Andy.


"Stop crying, ganito na lang. Kapag hindi na busy si Mama kakausapin natin ang Papa mo, kapag pumayag then go, papalitan natin ang last name mo." Nakangiti kong sagot.


Sa totoo lang, tatlong taon pa lang siguro si Faye noon nang kausapin ako ni Andy na gusto nyang i-adopt si Faye at ipagamit ang apelyido nya. Payag naman ako doon pero ang kundisyon ay dapat kasal muna kami bago magamit ni Faye ang apleyidong 'Twazon'.


"Mama, i need to pee.." Mahina akong natawa at itinuro ang banyo. Ngumiti naman siya at pasimpleng tumakbo papasok sa cr.


"Good Afternoon, Fana. Nako, kanina pa kita hinahanap at gusto kang makausap ng guardian ni Jianna about sa darating na contest." Si Ma'am Rowenna iyon, matagal na syang nagtuturo dito at siya ang tinutukoy kong dapat na adviser ni Jianna pero ibinigay na sa akin dahil sobrang dami na ng grade one students ang hina-handle nya.


"Eh Ma'am, pwede po bang pakisuyo kona na kayo na ang humarap sa kanila? Hindi ko rin po kasi alam ng sasabihin ko." Pagdadahilan ko na lang dahil hindi pa ako handang makaharap ulit sila.


"Pasensya na, may lalakarin pa ako. Gusto man kitang tulungan pero importante ang gagawin ko. Ganito na lang, nandito lahat ng about sa contest at ikaw na ang bahalang mag-discuss sa kanila." Inabot nya sa akin ang isang folder at nagpaalam na.


Napabuntong hininga ako ay umayos ng upo. Tumayo ako para sana ligpitin ang nagkalat na gamit ni Faye pero bumukas muli ang pintuan at pumasok si Jianna na malapad ang ngiti at nasa likuran niya ang parents niya na si Janaih at Francis.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now