56

67 1 0
                                    

Nagising na lang ako sa loob ng sasakyan na ang driver ay ang manager namin, si Sir. Christan.


Nakatulog pala ako nang himiga ako sa sahig kanina. Kaya pala parang umaalog dahil nasa loob pala ako ng sasakyan.


"What's up woman, ihahatid na kita sa inyo. Just thank me for being nice to you after what you did to my office. Nakakainit ka ng ulo if you know." Rinig ang sarkasmo at inis sa boses niya at parang gusto na niya akong sipain palabas ng sasakyan niya.


Nagkibit balikat ako dahil pakiramdam ko ay sobrang lumulutang ako at inaantok na hindi ko maintindihan, kaya itinulog ko na lang ulit ang hilo ko at baka mamaya masuka na naman ako eh masipa na talaga ako palabas.


Nagising akong muli, siguro ay alas tres ng madaling araw at napakadilim sa kwarto ko at parang kakaiba ang amoy ng higaan ko ngayon. Amoy lalaki o sadyang sabog lang ako kaya hindi ko alam ang mga sinasabi ko.


Gusto kong bumangon para kumuha ng tubig pero sobrang sakit ng ulo ko at parang pinipisil ng sobrang higpit ang sentido ko. Alanganin pa 'tong gising ko at ngayon ko pa lang nararamdaman na husto ang pagkalasing ko.


Paano nila natatagalan ang sakit ng ulo kapag nalasing sila?


"Ahh tangina..." Mahina akong napamura nang tangkain kong bumangon pero napahiga lang din ako at nauntog pa ang ulo ko kaya nakatulog akong muli.


Alas otso ng umaga, nagising na ako at nasa tamang wisyo na ako nang maalala ko kung bakit ako nalasing ng husto kagabi. Nagkatuwaan dahil birthday ni Sir Chirstan na ginawang party club ang restaurant.


Pagkatayo ko sa kama ay para akong tutuwad kaya napasandal ako sa pader at laking gulat ko nang makita ko ang litrato ng isang pamilya at sigurado akong wala akong ganitong litrato sa kwarto ko dahil hindi ko naman kilala ang mga tao sa picture na 'yon.


Sinuri ko pa ang silid kung nasaan ako at may mga picture pa rin ang nakasabit ngunit isa lang ang umagaw sa pansin ko. Ang litrato ng isang lalaki na nakatoga picture ng elemtary at sa ilalim non ay may isang picture pa ng isang babae at lalaki na magkatabi. Ang babae ay si Jade at ang lalaki ay si Andy.

"Anong ginagawa ko sa kwarto ni Jade?? Kwarto ba ni Jade 'to?? Bakit wala ako sa unit ko? At teka, paano ako nakauwi at napunta dito?!"


Nagsimula na akong magpanic at tsaka ko lang napansin na hindi na pala ako naka-uniporme, ang tanging suot ko ay ang doble kong puting sando at cycling shorts ko. Naka-unhook din ang bra ko pero hindi naman nakatanggal.


Nagmamadali akong isa-isang dinampot ang mga damit ko at tumakbo palabas ng kwarto. Paglabas ko ay nagkahulog pa ang mga damit na hawak ko dahil sa kakamadali.


Baka ma-late ako sa trabaho!


"Fana?!"


Parang may kung anong malamig na bagay ang bumalot sa katawan ko at hindi kaagad ako nakagalaw dahil sa boses na tumawag sa pangalan ko.


Bumalik lang ako sa tamang wisyo nang marinig ko ang pagmumura ni Francis.


"Anong ginawa mo kay Fana?!" Sigaw nito kay Andy na nakatayo lang at walang emosyong nakaharap kay Francis.


"Wala akong ginawa sa kanya. Lasing syang pumasok dito at natulog sa kwarto ko. Hindi ko sya hinawakan. Kahit hibla ng buhok nya ay hindi ko nadikitan, Sir." Magalang at kalmadong sagot ni Andy na sa palagay ko ay hindi nagustuhan ni Francis dahil may tunog itong pambabastos.


The Unkind Fate | ✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat