10

179 7 0
                                    

"Uwi na tayo sir!" 



Kumapit ako nang mahigpit sa upuan dahil pilit nya akong hinihila palabas ng sasakyan. Nandito na kami sa tapat ng hospital at wala akong balak na pumasok sa loob, ayoko, ayoko!



"Isa! hindi ka lalabas?! Gusto bo bang kaladkarin pa kitang babae ka?!" Hinila nya ulit ako.



Mas hinigpitan ko ang kapit sa upuan. Nasipa ko si sir nang bigla nya akong kilitiin para lang makabitaw ako sa upuan.



"Sorry sir! kasalanan mo naman eh!" Nag peace sign ako.



Inis syang tumingin sa'kin at bigla akong sinabunutan. Dahil sa inis ko ay nakipagsabunutan ako sa kanya at hinila ko rin ang buhok nya at kinurot ko pa sa braso.



Hindi sya nagpatalo at nakipagkurutan sa'kin na para bang aping api.



"ARAY KOOO!!! PUTANGINA FANNNAA!!" Sumigaw na sya pero hindi ko binitawan ang buhok nya.



"BAKIT BA KASI ANG KULIT MO?!! AYOKO NGA SA HOSPITAL!!" 



"PUTANGINAAA NURSEEEE TULONGGG!!"



"UMUWI NA KASI TAYO!"



"TANGINA FANAAA WALA NA'KONG BUHOOOKKK!!"



"Is there any prob— oh god, nurse help!" Nagtawag ng iba pang nurse 'yung babaeng nakakita sa'min ni sir habang nagsasabunutan kami.



"ARAYYY KOOO!! BITAW NA FANAAA!! MASAKIT NA!!"



"AYOKO! BITAWAN MO MUNA BUHOK KO!"



"OO NA! SABAY TAYO! BIBITAWAN KITA KAPAG BINITAWAN MO'KO!"



"One.." Nagsimula siyang magbilang.



"Two.."



"THREE!" 



Binitawan ko ang buhok nya pero bago pa man nya bitawan ang akin ay isang malakas na sabunot ng ginawa nya. Inirapan pa'ko at pinakuha ako sa mga nurse na para bang isa akong babaeng nasisiraan ng ulo at ikukulong na sa mental.



"Patulugin nyo nga 'yang letseng 'yan, tangina nanabunot ampota" 



Nagpumiglas ako sa mga nurse pero dalawang na sila kaya wala akong nagawa kung hindi ang mapunta sa isang kwarto at may kasama akong ibang mga pasyente. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa E.R ako dahil may mgapasyente ditong nirerevive pa at nilalagyan ng oxygen at 'yung iba naman ay mga mukhang nahilo at dinala dito.



"Relax ka lang mam ah, relax.. breath in, breath out" 



Nakatingin lang ako sa nurse at tinaasan ko sya ng kilay. Paulit ulit nyang sinasabi na 'breath in, breath out' habang nakapikit pa pero hindi ko naman ginagawa at tinititigan ko lang sya habang nakataas ang isang kilay ko.



"Nurse tama na 'yan, para ka lang tanga" Tinapik ni sir ng balikat ng nurse.



Umalis 'yung nurse na para bang na hurt sa sinabi ng punyeta kong teacher. Sipain ko itlog mo dyan makita mo.



"Bakit ka nakatingin? gusto mo sabunutan ulit kita?" Tanong nya. Umirap lang ako at tumayo dahil ayokong humiga o umupo man lang sa hospital bed.



Mukha namang maayos dito dahil mukhang private hospital pa'to, kitang kita naman sa ayos at naka aircon pa ang E. R nila, bongga.



"Oh bakit ka tumayo?" 



The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now