60

62 5 0
                                    

"Andy, kunin ko na 'yung bag ko.." Mahina kong pagkakasabi. Kanina nang humiwalay na si Aaron sa'min ay kinuha ni Andy ang bag ko at siya na ang nagbuhat. Hindi naman na ako tumanggi dahil para saan pa? Hindi rin naman sya papayag.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit walang girlfriend si Andy, eh ang gwapo naman nya, masipag, mabait, may respeto sa babae at isa pa boyfriend material sya! Sayang! Dapat pala hanapan ko na sya ng girlfriend.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko agad akong nagbihis at pinakain si Chis. Mag-uumpisa na ang classes sa lunes at wala akong mapag-iiwanan kay Chis. Baka ibigay ko muna sya sa Daddy nya para may magbabantay sa kanya.

Nakapasa naman ako sa tinake kong entrance exam at hindi ko pa sigurado kung anong klaseng lesson ang bubungan sa akin sa unang klase ko sa college.

Kinabukasan, magkasabay kami ni Andy na naghihintay ng masasakyang jeep. Hindi nagparamdam kagabi si Francis dahil siguro sobrang hectic ng schedule nya ngayon.

Sa simula nang klase sigurado ako na sisikip na rin ang schedule ko lalo na may part-time job pa akong pinapasukan. Baka isang beses o baka hindi na kami magkita ni Francis nyan nang buong linggo dahil pareho kaming busy.

Nauna akong sumakay ng jeep at nasa likuran ko si Andy. Sa pinakabungad na ako sumakay para madali lang bumaba at nagkataon na gwapo ang kaharap ko ng upuan!

Hindi naman ako mahilig masyado sa gwapo pero magmula noong naging boyfriend ko si Francis naging isa na sa dream man ko ang gwapo! Mabuti na lang gwapo ang boyfriend ko, masaktan man atlis sa gwapo! Biro lang, hindi ako sasaktan ni Francis. Kahit palagi akong ginagalit non, hindi naman nya ako sinasaktan, doon pa lang panalo na ako.

Hindi ko maiwasang hindi sumulyap sa kanya dahil aminin ko man o hindi, napaka-attractive nya!!

Napansin siguro niya na nakatitig ako sa kaniya kaya napatingin din sya sa'kin. Agad akong napa-iwas ng tingin at kumapit sa braso ni Andy dahil baka akalain nyang type ko sya.

"Shh." Agad na sabi ko dahil nagulat si Andy sa ginawa ko at balak pang magtanong.

Sobrang nakakahiya, bakit ba ako tumitig sa gwapong lalaki na 'yon? May katabi pa lang syang girlfriend nya ata!

Nang makababa kami ng jeep agad na nagtanong si Andy kung bakit ako kumapit sa braso niya, nagdahilan na lang ako dahil baka isumbong nya ako kay Francis eh mahirap pa naman suyuin ng kutong-lupa na 'yon kapag nagselos.

"Wala, inaantok lang ako kanina." Sagot ko at dumiretso na sa locker.

Nagsimula ang trabaho namin at may customer pa akong nakasagutan dahil hindi raw masarap ang hinahain namin sa kanya.

Kanina pa sya kumakain at mukha namang walang problema pero maya-maya lang bigla na syang nangharang ng mga waiter at pinagalitan ang mga katrabaho ko. Naiinis na ako kaya sinubukan ko syang kausapin

"Kung hindi ho masarap ang pagkain namin dito, bakit ngayon lang kayo nagreklmo kung kailan kukuhanin ko na ang bayad sa kinain ninyo?" May sarkasmo kong tanong. Kanina pa sya kumakain at kung kailan ko kukuhanin ang bayad ay tsaka niya naisipang gumawa ng skandalo na hindi raw masarap ang pagkain dito.

"Sinasabi mo bang wala lang akong pambayad?!" Padabog itong tumayo at humawak ng isang tinidor.

"Oh ba't ka galit? Guilty?" Napairap pa ako dahil wala nga ako sa mood ngayon at kanina ko pa gustong matulog na lang pero nang dahil sa skandalerong 'to mauudlot ang pasimpleng o patagong pahinga ko. "Magbayad ka na lang para tapos at kung ayaw mo ng pagkain namin dito, 'wag ka nang babalik dito dahil baka kapag nakita ulit kita lagyan ko na ng lason ang pagkain mo."

The Unkind Fate | ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora