51

90 1 0
                                    

"Tumahan ka na Fana, hindi na babalik dito 'yon dahil napahiya sya kanina. Tungkol sa mga sinabi nya sa'yo 'wag mo nang isipin, inggit lang sa'yo 'yon kasi sa'yo nakatuon ang pansin ng mga lalaking customer at hindi sa maarteng katulad nya." Pagpapatahan ni Aaron sa akin.


Hindi naman ako umiiyak dahil sa mga sinabi ng babae na 'yon, umiiyak ako dahil baka mawalan na ako ng trabaho dahil sa nangyari kanina.


"I've fixed everything and you don't have to worry anymore Ms. Santa Cruz, I've talked to and settled the woman who caused the trouble. In fact, she is the one who is wrong because she knows we have a lot of customers and she acts as if she is the only one who should be taken care of by the waiters? Ano sya VIP?"


Nandito kami sa office ni Sir Christan at kakaalis lang nung babae, si Aaron ang sumama sa akin dahil hindi ako masyadong pinapansin ni Andy.


"Narinig mo 'yon Fana? Ayos na daw lahat kaya 'wag ka nang umiyak dyan! Manglilibre si Sir ng dinner mamaya!" Masiglang sambit ni Aaron at tinatapik pa ako.


"I didn't say that!" Agad na angal ni Sir Christan.


"Ay sorry Sir, rinig ko kasi manlilibre ka hehe." Medyo kabadong sagot ni Aaron at bumuntong hininga lang si Sir.


"Fine, sagot ko ang dinner mamaya."


"Nakakahiya naman Sir, pero, sure!" Sigaw ni Aaron. Napatakip na lang ako ng mukha dahil sa kahihiyang natatamo ko habang kasama ko 'tong si Aaron. Sobrang walang pigil ang kakulitan nya at pati si Sir ngayon nauto pa nya ng libreng dinner.


"Okay back to work! maraming customer kaya balik na sa trabaho, tutulong na din ako sa kusina para mapabilis." Nauna na akong lumabas at kasunod ko si Aaron na sobrang lapad ng ngiti at dinaig pa ang nanalo sa lotto.


"Wag ka munang uuwi mamaya may libreng dinner si Sir, mabait talaga 'yan kaya madalas kong kantyawan ng libre!" Pabulong na sabi ni Aaron na sya ko na lang ikinailing.


Bumalik na kami sa pagkuha at paserve ng mga order ng customer hanggang sa time na para magsara. May palibreng dinner daw si Sir Christan pero mukhang hindi naman ako makakasama dahil natatanaw ko na sa labas ang sundo ko.


"Mauna na po ako.." Kinunutan lang ako ng noo ni Sir.


"Magpapa-dinner ako Ms. Santa Cruz, hindi ka pwedeng mawala." Maotoridad na sabi niya. Napalingon ulit ako sa labas at natatanaw ko ang sasakyan niya at alam kong nasa loob lang sya at inaabangan ako.


"Nandyan na po kasi 'yung sundo ko at tsaka hindi naman po papayag 'yon kaya kayo na lang. Enjoy po, mauna na ako." Ngumiti ako sa kanila at hindi ko na hinintay na magsalita si Sir dahil baka pigilan na naman nya ako kaya lumabas na ako.


Nakita kong parang hahabol si Aaron sa akin kaya binilisan ko na ang lakad ko at agad na sumakay sa sasakyan ni Francis. Pagpasok ko sa loob kumakain sya ng burger at nasa backseat si Chis kagat ang laruan niya.


"Kanina ka pa ba?" Tanong ko.


"Medyo, kumain na nga ako dahil nagutom ako kakahintay sa'yo. Bakit ang tagal mo? Dati naman gantong oras nasa bahay ka na mabuti pala sinundo kita dahil kung hindi baka anong oras ka nang umuwi. Dapat sasabihin mo sa'kin kung anong oras ka uuwi para susunduin na lang kita. Paano kung mapahamak ka dyan sa daan tapos hindi ko alam kung saan ka hahanapin? Kapag nangyari 'yon baka una pa akong mamatay sa takot bago kita mahanap."


"Bakit ang bilis mong magsalita? Kung nagdrive ka na lang sana baka malapit na tayo sa apartment kaysa salita ka ng salita dyaan." Inis kong sabi dahil inuna pa nya ang dumaldal kaysa magmaneho. Dapat pala sumabay na ako sa dinner nila para sulit ang pagbubunganga nya sa'kin para late na late na talaga akong umuwi.


"Anong apartment? Hindi ka uuwi do'n, iuuwi kita sa bahay ko. Subukan mong umangal." Pinagbantaan nya ako, umirap lang ako at wala naman akong balak na umangal.


"Oo, bilisan mo dahil pagod ako."


"Bakit parang namamaga 'yang mata mo? Umiyak ka ba?"


"Hindi, namumula lang 'yan dahil sa galit."


"Galit? Kanino?"


"Sa'yo Francis, naiirita na'ko sa dami ng tanong mo!"


Mabuti na lang at nanahimik na sya dahil baka ipatigil ko sa kanya ang sasakyan at bumaba na lang ako. Minsan hindi magandang palagi mong kasama boyfriend mo, napakaraming tanong na wala namang kakwenta-kwenta.


Pagdating namin sa bahay nya hindi na ako nagsalita dahil pagod na pagod ako sa trabaho. Day off ko naman bukas, maaga na lang akong aalis bukas para umuwi at magpalit ng damit.


"Oo nga pala, kumuha ako ng damit sa apartment mo kanina. Nandyan sa may kabinet ko."


Binuksan ko ang kabinet nya at nakita ko ang dalawang pares ng damit ko, may underwear at bra na ring kasama.


Ibig sabihin hinawakan at nakita nya 'to?!


"Sino nagsabi sa'yong galawin mo ang underwear at bra ko?!" Inis kong tanong sa kanya.


"Wala namang malisya 'yon Hon! Boyfriend mo naman ako tsaka wala naman akong ginawa dyan! Dapat nga mag thank you ka sa'kin kasi dinalhan kita ng damit!" Depensa niya.


Sabagay... pero nakakahiya pa rin..


"S-salamat..." Pilit kong sabi.


"You're welcome!" Padabog niyang sagot. "Sa susunod hindi na ako magmamalasakit kung papagalitan mo lang ako!"


"Hindi naman kita pinapagalitan, nabigla lang ako kaya medyo napagtaasan kita ng boses. Sorry, 'wag ka na magalit sa'kin." Maamo kong sabi at nilapitan ko sya para suyuin.


Nagpasuyo naman agad sya at yumakap pa sa bewang ko.


"Kung hindi ka lang nag-aaral pa pinakasalan na kita." Pabiro niyang bulong at tinawanan ko lang.


"Parang  dati lang ang dalas nating mag-away tapos ngayon para na tayong ikakasal. Ilang taon ka lang naman maghihintay, magtatapos lang ako ng pag-aaral, magtatrabaho, tutuparin ko muna ang mga gusto kong gawin tapos kapag kontento na ako sa mga naabot ko baka ako pa mismo ang mag-aya ng kasal sa'yo, kung tayo pa rin kapag dumating na ang oras na 'yon ah. Hindi natin sure, malay mo sa time na 'yon hindi pala ikaw ang papakasalan ko."


"Sa tingin mo naman papayag ako na hindi ako ang papakasalan mo? Baka ibaon ko pa ng buhay ang groom mo kung hindi ako."


"Pa'no kung mahal na mahal ko 'yung lalaki na 'yon tapos sa kanya ako masaya, sasaktan mo pa rin ba sya para mabawi ako?" Mapaglarong tanong ko.


Ilang minuto siyang tahimik at tila ba pinag-isipan ng husto ng isasagot sa tanong ko.


"Hindi... Bakit pa kita babawiin kung masaya ka na? Tsaka, tsaka ano... Sigurado naman ako na ako papakasalan mo, 'diba? Ako ang papakasalan mo kapag handa ka na 'diba Hon??"


Malumanay akong ngumiti at tumango ng paulit-ulit.


"Oo naman, ikaw ang mahal ko at sa'yo ako masaya kaya ikaw ang papakasalan ko, Hon."




•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now