16

158 6 0
                                    

"Fana Santa Cruz?"


"Present.."


Hindi ako tumingin sa harapan at nagpatuloy lang sa pagsusulat sa notebook ko.


Nag discuss, quiz, at lecture ang ginawa namin sa klase nya. Nakipag participate naman ako at tuktok lang sa lessons kahit na minsan ay sinusubukan nyang magpatawa. Natatawa ang mga kaklase ko ngunit walang epekto sa'kin. Habang free time nya ay nag drawing drawing lang ako sa likod ng notebook ko ganoon din sa mga sumunod na klase.


Nag lunch time at mas pinili kong sa loob ng room kumain dahil may baon naman ako, mas makakatipid ako kung magbabaon ako ng pagkain ko.


"Hoy Fana cheer up, matatapos din lahat 'yan" Hindi ko inaasahan na sya pa ang magsasabi sa'kin nito. Si Jade ang halos kaaway ko na sa klase dahil nga medyo may pagkabida bida sya at sya rin ang madalas sumira ng araw ko bukod kay sir.


"Wala naman magagawa 'yan kung magmumukmok ka lang at hindi magsasalita," Umupo sya sa tabi ko. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang sya.


"Ganyan din ako eh pero kinalimutan ko, ang hina mo naman"


"Ayoko ng away Jade" Madiin kong sabi ngunit hindi sya tumigil.


"Ang hina mo Fana, hindi mo kayang labanan 'yan? Hindi ka ba pinalaking handa? matapang? ang duwag mo, ang hina hina mo"


"Sinabing ayoko ng gulo!" Tinuwad ko ang mesa sa harapan ko ngunit hindi sya natinag.


"Bakit? naiinis ka? Tanga! mainis ka sa sarili mo 'wag sa iba! Mainis ka dahil mahina ka! duwag ka! hindi mo nga kayang bumangon sa pagkawala ng pamilya mo! Tanga ka! Ilang buwan na silang patay pero ikaw nakalubog ka pa rin? kailan ka babangon? kapag huli na? bobo!" Tinuwad rin niya ang lamesa sa harapan niya at nakipagsagutan sa akin.


"Akala mo ba madaling mawalan ng pamilya?! Hindi mo alam dahil hindi ka naman mahal ng pamilya mo kaya mo sinasabi 'yan!" Sigaw ko at kusa na lamang pumatak ang luha ko.


"Alam ko, alam ko ang pakiramdam dahil hindi lang ikaw ang namatayan sa sunog na 'yon! Wala ka talagang alam! tanga ka Fana, tanga ka! Ni hindi mo alam kung bakit nasunog ang bahay nyo!" Nang pumatak ang luha niya ay tinalikuran niya ako at naglakad palayo.


Naiwan akong tulala at umupo na lang ulit ako.


Tama sya. Ang tanga ko. Bakit hindi ko inalam ang pagkamatay ng mga magulang ko bukod sa sunog na nangyari.


"Jade!" Nagmadali akong habulin sya ngunit nabunggo ako kay sir.


"Fana?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.


"Umiiyak ka na naman?" Pinunasan niya ang mga luha ko. Lumingon lingon ako sa likod niya ngunit hindi ko na makita si Jade.


"Sir kailangan kong malaman kung bakit nasunog ang bahay namin!" Tumitig ako sa kaniya.


"Pero Fana.."


"Wala nang pero pero sir, gusto kong malaman 'yung naging imbestigasyon."

-

Matapos ang isang linggo ay nakuha na namin ang resulta nang naging imbestigasyon sa tulong na rin ni sir Francis at ma'am Celyn.


Hindi ko matanggap na sinigaw sigawan ko si Jade nang hindi ko alam na isa rin sya sa katulad kong naulila dahil sa sunod na nangyari sa lugar namin.


Nagmula ang sunog sa bahay nila Jade at ang sabi daw ng mga nakakita at nakarinig. Nag aaway daw 'yung nanay at tatay ni Jade dahil sa pera hanggang sa nauwi sa sakitan at dahil palaging lasing ang tatay nya ay sinunog nito ang damit na suot ng nanay ni Jade, dahilan para matumba ito at kumalat sa kurtina hanggang sa buong bahay na ang nasunog. Isang bahay lang ang pagitan ng bahay namin pero hindi umuuwi doon si Jade dahil galit sya sa tatay nya na palagi na lang silang sinasaktan.


Nang masunog ang bahay ay nakatulog sa kalasingan ang tatay nya. Kumalat na hanggang sa wire ng kuryente na gumapang sa iba pang bahay na nasunog at isa na ang sa amin.


Ang huling sinabi ni lola bago sya nawala ay may naamoy daw na sunog si tatay kaya lumabas muna sandali. Nang makita daw ni tatay na nasusunog na 'yung bahay ay agad na inalalayan ni tatay ni lola na makalabas. Kahit delikado ay bumalik si tatay sa loob at kinuha ang pera na ilang taon na niyang iniipon para sa pagkokolehiyo ko. Sa isang iglap lang ay nawala na ang lahat, nasunog lahat ng pinaghirapan nila tatay, sa isang iglap lang ay ang daming buhay ang nawala.


Sinubukan kong kausapin si Jade na kasalukuyan din na umuupa ng apartment, iisa aparment lang kami pero magkaiba ng palapag, nasa pangatlong palapag ako at nasa pangalawa naman sya.


Akala ko ay dito talaga sya nakatira dahil nga hindi sya umuuwi sa kanila pero ang totoo pala ay kalilipat lang nya dito noong nasunugan din sila.


"Salamat sa lahat ng tulong nyo sir, maraming salamat"


"Wala 'yon, kain tayo?" Ngumiti ako nang bahagya at tumango. Dumiretso kami sa isang lomihan at nilibre ko si sir, nakakahiya naman kung sya pa magbabayad.


"Nakatikim din ako ng libre, hays" Tumawa ako dahil sa kanina pa nagpaparinig 'tong potang 'to na first time daw nya makatikim ng libre mula sa'kin na kailan daw kaya mauulit.


"Dadagdagan ko baon ko sir para hati tayo" Sabi ko kaya natawa sya.


" 'Wag na baka masira pa tyan ko sa luto mo"


"Kapal mo! masarap ako magluto 'noh!" Angal ko. Minamaliit nya'ko eh hindi nga nya alam magluto ng ginisang gulay, ginisa lang hindi pa alam.


"Bukas dagdagan mo baon mo, hihingi ako"


"Kunwari pa, gusto mo rin naman ng luto ko" Pabulong bulong ko.


"Gustong gusto mo naman na sinasabihan na masarap 'yung luto mo, 'wag lalaki ulo ah" Pinitik ng letseng 'to 'yung noo ko. "Tawa ka ulit, pangit mo kapag umiiyak eh"




•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now