Kahihiyan na naman!


''Mag si-cr lang ako!'' Palusot ko na lang.


Narinig ko pang tinanong ng mga kaklase ko kung nagpaalam daw ba'ko kay sir Francis pero hindi ako sumagot at pumunta na lang sa cr kahit wala naman akong gagawin dito.


Nakakainis naman kasi, bakit sya tumatawa ng gano'n?! hindi naman sya dati tumatawa sa harap ng mga estudyante nya! tatawa sya ng bahagya pero 'yung tawa nya kanina first time nyang ginawa 'yon sa harap ng mga kaklase ko! madalas nya gawin 'yon sa harap ko at ngayon marami nang nakakita! nakakainis!


Napagdesisyunan kong bumalik na sa room dahil baka dumating na 'yung teacher namin sa next subject. Nang makapasok ako sa room ay saktong paalis pa lang pala si sir Francis.


''Mamayang break sa faculty ko'' Bulong nya pagkadaan ko sa harapan nya.


Pagkatapos ng dalawang magkasunod na klase ay dumiretso ako sa faculty ni sir at hinagis ko ang bag ko sa mesa nya.


''Kain na tayo sir, libre mo'' Sabi ko sabay upo sa katapat nyang upuan.


''Kapal ng mukha mo ah, may patago kang pera sa'kin?''


''Wala. Pero may utang ka sa'kin!'' Sumandal sya sa upuan at tinaasan ako ng kilay.


''Utang? ikaw nga ata ang may utang sa'kin pagkatapos kitang ilibre sa hotel at sa isang linggong pagkain natin'' Mayabang na pagkakasabi nya.


''Kahit na! may utang ka sa'kin!'' Sabi ko pa. ''Si..sinabihan mo 'kong palaboy! kawawa!''


Natawa sya bigla sa sinabi ko.


Anong nakakatawa do'n ha?! may nakakatawa ba?!


"Ayaw patalo, sige na lilibre na kita!"


"Hoy walang bawian!"


"Shh! oo! ingay ingay mo!"


Tinikom ko na lang ang bibig ko at sumunod sa lang ako sa kanya papuntang canteen. Nakasalubong namin si ma'am Celyn kaya kasabay namin syang kumakain ngayon.


Kaya pala umuwi si ma'am may naging emergency daw sa bahay nila at ayaw nyang sabihin kung ano ba 'yun, chismosa ako pero hindi ko na sya kinulit dahil private naman yun no. Makapal mukha ko pero nahihiya din ako lalo na kapag nandyn si ma'am Celyn, ewan ko ba pero kapag si sir Francis lang wala akong hiyang nararamdaman, feeling ko kasing kapal ng pader 'yung mukha ko.


"Hindi naman ba kayo nag away nung umalis ako?" Tanong ni ma'am at patawa tawa pa.


"Si sir Francis, ma'am! Sinabunutan ako!" Sumbong ko. Agad namang umangal si sir.


"Hoy babae! ikaw ang nanabunot sa'kin! Sinisisi pa'ko ng potang 'to"


"Tama na tama na, mag aaway na naman kayo eh" Tumawa si ma'am.


Nag irapan lang kami ni sir.


"Attitude ka ah, ikaw magbayad ng kinain mo" Ngumisi sya.


Ano?! ang dami ko pa naman inorder kasi nga libre nya!


Dahil nga dakilang plastik ako.


"Cute mo pala sir" Ngumiti ako sa kanya.


"Hindi mo'ko madadaan sa kaplastikan mo" Umirap ulit sya. Rinig ko ang tawa ni ma'am Celyn sa gilid habang pinapanood kaming mag away ni sir.


"Huh? nagsasabi ako ng totoo ah! cute mo kaya pakiss nga mga lima"


Nagkunwari akong hahalikan ko sya kaya tumayo sya at lumayo sa'kin.


"Magdasal ka bata" Sabi niya.


Ngumisi ngisi lang ako nang makita kong nabunggo si sir ng mga lalaking estudyante na nag aagawan ng sapatos.


Napaupo ulit si sir sa upuan nya at inis na sinaway 'yung mga freshmen.


"Napaka hyper ng mga bata ngayon" Napailing iling si sir.


Tumayo ako para mag cr at para makatakas sa bayarin pero nabunggo rin ako ng mga nagtatakbuhan at bumagsak ako kay sir.


"Francis 'yung principal!" Sabi ni ma'am. Kaya tinulak ako ni sir matapos ko syang aksidenteng mahalikan sa gilid ng labi.


"Wala namang nakakita 'diba?!" Pabulong ngunit natatarantang tanong no sir Francis kay ma'am Celyn.



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now