120: Plead

365 20 11
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO

"Pass your papers. Now" malamig na wika ko. Nakita ko naman na parang natakot silang lahat kaya wala pang isang minuto ay nasa akin na ang patas na mga papel.

"Next meeting we will have another discussion. Expect to have a short quiz right after and please do an advance study. Any concerns?" I said.

"N-None, Miss." they said in unison I nod my head.

"Okay. Class dismissed" I announce at ako ang nauna na lumabas ng classroom.

I'm carrying a book and nakasingit sa loob iyong mga papers nila while sa right hand ko naman dala dala ko iyong marker.


"Gotcha!" rinig kong saad ng isang estudyante, kaya napatingin ako doon.

"You two!" sita ko sa kanila.

"P-Po?" walang kamuwang-muwang na saad nila.

"Go to detention, now" utos ko. Kita ko naman na nagulat silang dalawa.

"B-bakit po?" the boy ask.

"Playground ba ang hallway?" I ask in disbelief.

"Go. Now." madiin na sambit ko, nagtatakbo naman ang dalawa paalis.

"My God, Krys. May dalaw ka ba?" hindi ko na piniling lingunin ang nagsalita. Boses pa lang kilalang-kilala ko na.

"Umamin ka nga sa akin, anong problema mo?" asik nya sa akin. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy na maglakad papuntang faculty.

Dapat sa office ko ako pupunta ngunit dahil kay Stella mas gugustuhin ko na lang magtungo sa faculty. Sa faculty. Kasi hindi lang kaming magkakaibigan ang nandon na professor, lahat ng professor sa engineering department at ilan sa mga architecture professor ay nandon. Hindi sya tuluyang makakapangulit sa akin.

Nang makarating ako sa desk ko dito sa faculty. Kaagad kong inayos ang mga dala ko. Kinuha ko na ang mga pinasa sa akin na mga papers at nagsimula ng check-an.

"Krys, ano ba?" madiin ngunit halos pabulong na wika ni Stella. Hindi ko sya nilingon at nagpatuloy sa pagche-check.

"Hindi ka talaga magsasabi ng problema mo?" tanong nya sa akin. Again, hindi ko sya binalingan ng tingin.

"Fine. Kung ayaw mo, edi 'wag. Bahala ka na sa buhay mo." naiinis na aniya ni Stella bago padabog na lumabas sa faculty. Napabuntong-hininga na lang ako at umiling.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. It's almost 4 pm na, wala na rin naman akong klase kaya tatapusin ko na lang itong aking pagche-check then uuwi na ako.

Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko ng biglang tumunog ang phone ko. Nagtaka ako dahil rumehistro ang number ni Mama.

"Yes, Ma? May problema ba?" pagtatanong ko.

"Hello, 'nak? Wala namang problema." sagot ng nanay ko sa kabilang linya, tuluyan ng napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Eh bakit po?" pagtatanong ko.

"Tumawag sa akin sila Aerielle, pinagpaalam ka pa na hindi ka makakasabay ng dinner dahil meron daw kayong dinner." saad ni Mama, lalong napakunot ang noo ko.

"Dinner? Wala na---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko may pumasok sa pinto ng faculty.

I massage my temple. I guess I have no choice. Nakita ko sila, they are all smirking at me. I rolled my eyes.

"Oo nga po." nasabi ko na lang. Well, recently kasi sa family house namin ako natuloy kaya naman need kong magsabi kung hindi ako makakasabay sa dinner. After my mother and I talked, we ended the call.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Feb 16 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Meet me in the Afterglow [MMITA]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant