71 : Dinner

174 8 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO

"Kristen, nanggigigil na ako sayo ha, bakit ba ang sungit sungit mo ngayon?" singhal sa akin ni Ate Krishna

"Wala. Tss" pagtataray ko naman dito

"Mommy, pag sabihan mo nga 'yang si Kristen kanina pa akong binubulyawan, akala mo may regla" naiinis na sumbong ni Ate Krishna

"Krys, kailangan nga ba ulit ang start ng pasukan?" pag-uusisa ni Mommy

"Next week na po" sagot ko naman

"Sa first day, umuwi ka dito" napalingon naman ako kay Mommy na kasalukuyang nagse-cellphone

"Why po?" nagtatakang tanong ko

"Pupunta dito si Rye, ipagluluto ko sya kaya sabay sabay na tayo apat ng Ate mo" prenteng sambit ni Mommy

"WHAT?" bulaslas ko

"Anak naman, katabi mo lang ang kausap mo" singhal sa akin ni Mommy pero nasa cellphone pa rin ang atensyon

"Mommy, ano ba yan, bakit ka ba laging naka-cellphone, may boyfriend ka na ba?" naiinis na tanong ko

"Maghunos dili ka anak, si Rye itong kausap ko" napalunok naman ako a sinabi ni Mommy.

Sana all.

"Pero bakit nga po dito sya kakain ng dinner next week?" pagtatanong ko kaya napatingin na sa akin si Mommy

"I invited her, she seems to love my cooking skills" prenteng aniya ni Mommy atsaka umalis na ng living room.

After nang mangyari kahapon, nawala na lang ako sa mood ngayong araw. Buong akala ko kasi sya mismo ang maghahatid nung kotse ko, pero pagkagising ko nasa labas na 'yon ng bahay namin.

Hindi pa rin sya active sa social media account, kaya nagsisisi ako na hindi ko sya pinapasok sa bahay kagabi. Tss. Kung alam ko lang na parang mawawala na naman sya na parang bula ...... edi sana itinali ko na sya sa akin.

Muntikan ko na talagang i-snatch ang phone ni Mommy para lang makuha ang number nya.


But, bawing-bawi naman kasi imagine makakasama namin syang mag-dinner next week sa bahay. Ipanalangin ko na lang talaga na huwag akong asarin ni Ate Krishna, gosh ang babaeng 'yon talaga.

Sana alam mo Elle Riley na napupuyat ako kakaisip lagi sayo.

.....

[AeU Website]

Good day AERIES! Welcome
back to AeU! Hope you had a great summer vacation.

Please proceed to the auditorium,
there will be performances from AERIES.

Let's go AERIES!
Cheers for the higher degrees!




Ang bilis talaga ng panahon, another school year na naman ang magsisimula.

"Krys, come here nga" napalingon ako nang tinawag ako ni Stella

"Why? What's happening?" I ask

"Nakita mo ba sila France?" Stella ask

"No, why?" naguguluhang anas ko

"Hinahanap ko kasi si Riley, nilista kasi sya ni Ae na magpe-perform, I'm sure tatawagin 'yun sa stage, gusto ko lang sya i-heads up, si Ae kasi puro katangahan" naiinis na wika ni Stella

Meet me in the Afterglow [MMITA]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt