56 : Moves

195 7 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO


"Riley come here." I ask her to check the papers na handle ko.

"Miss lagi nyo akong inuutusan di nyo naman ako pinapsweldo." reklamo nya atsaka sinalampak ang sarili sa sahig at nagsimula na sa pinapaggawa ko, natawa na lang ako sa kanya. Umupo na ako sa swivel chair tsaka nagtipa sa laptop.

"Miss pwede magpatugtog?" tanong nya.

"Hmm" I answered.

Unang pinatugtog nya is Getaway Car by Taylor Swift, she's just bumping her head and lip syncing napangiti na lang ako.

Nakailang music pa sya na pinatugtog bago tumabi sa akin, may chair kasi na malapit sa swivel chair ko --- na sya ang naglagay, pero dapat wala naman talaga nang dahil lang sa kanya kaya hinayaan ko na.


Choosy pa ba diba? E gusto ko rin naman

"You seems in a good mood huh!" puna ko sa kanya habang nakatuon pa rin sa laptop ko yung tingin ko, sya ina-arrange na nya yung mga paper.

"Tss. Napipilitan lang naman ako mag-check, thanks sa music nagbago mood ko" bulong nya pero narinig ko naman, agad kong kinurot ang braso nya atsaka sya dumaing, I smirk.

"Miss ako na ang mage-encode, send ko na lang excel file sa messenger nyo, nakakahiya naman sa inyo." natawa naman ako sa sinabi nya.

"Okay, thanks. I'll buy you an iced tea for a month, unlimited" I said, syempre para-paraan.


"TALAGA? HALA HINDI MO NAMAN SINABI AGAD, MISS GUSTO MO AKO NA ANG MAGTURO SA KAPWA ESTUDYANTE KO, LIFETIME SUPPLY NG ICED TEA HA" excited na sigaw nya.

"Ano bang meron sa iced tea?" I ask, curious lang baka mamaya may hidden meaning pa.

"Wala naman Miss, masarap lang talaga at nakakaaddict sya" Riley answered kaya napatango na lang ako.

Wala ng nagsalita sa amin, pansin ko na nage-encode na nga sya nung mga scores kaya napangiti na lang ako. Ilang araw ko na rin sya laging inuutusan sa kung ano-anong bagay at syempre hindi sya papayag na hindi sya magrereklamo pero ang totoo naman natulong naman sya, kagaya ngayon ang daming sinasabi pero eto mas napapabilis ang mga gawain ko dahil sa kanya, hectic talaga ng mga work naming mga professor.

Alam nyo na kung bakit sya ang lagi kong inuutusan ..... 😉

I decided na tumayo muna at kumuha sa mini refrigerator na nandito sa office ng water atsaka iced tea ni Riley. Huwag kayo, sya ang naglagay nyan dito, ang kapal ng mukha.

Pinatong ko yon sa tabi nya, kaagad naman nya iyong kinuha at ngumiti sa akin. Tss, mga nakakamatay na ngiti at nagfocus na ulit sya sa ginagawa nya, ako naman bumalik na rin.


It turns out freedom ain't nothin' but missin' you

Wishin' I'd realized what I had when you were mine


Napalingon ako kay Riley, she's singing pero mahina lang yon dahil nga magkatabi kami, rinig na rinig ko yon. Last time na narinig ko sya kumanta ay nung nasa resort kami ..... and ngayon ko lang narealized na maybe it's because of Hiro ? Right after nya kumanta non .... she breakdown. She sang Cornelia Street that time. Hmm.


Kahit na wala na si Hiro sa buhay Ni Riley ngayon hindi ko pa rin maiwasan mainggit. Imagine first love sya ni Riley, first heartbreak, he's the reason why she sang that day .... and he's the reason why she cried so hard, mga bagay na rare sa kaibigan ni Riley pero since he's Hiro na mahal ni Riley, mabilis lang para sa kanya mag-express ng feelings nya. Haist.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now