89 : Terrified

166 8 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ


"Miss Tiffany bakit bigla naman akong kinabahan" halos mangiyak ngiyak na sambit ko sa kanya

"Silly, just do your thing, you're a great performer" she said and pat my head, napangiti na lang ako.

"Are you okay here? Iche-check ko lang ibang dancers" Ms. Tiffany said

"Yes po, Miss. Thank you, go ahead na po" iginiya ko pa si Miss Tiffany palabas nung room, parehas pa kaming napatawa

Ngayong araw na kasi kami magpe-perform, napaaga nga kaya 2 weeks lang yung naging preparation namin.

Ako lang mag-isa na nandito sa room, yung iba nasa kabila binibihisan at inaayusan pa.

Since interpretative dance yung theme, I'm only wearing white silk polo long sleeves together with my bicycle shorts, hindi ko rin alam kung bakit ganito, pero mas madali naman gumalaw, kaya gora lang, naka bun din hairstyle ko.

Binuksan ko yung naunanh dalawang butones, napangisi na lang ako, gosh, ang sexy ko!



Knock knock knock knock



Kaagad naman akong nagtungo atsaka binuksan ang pinto.

"Fuck!!! Ayan suot mo?!" napairap na lang ako dahil sa O.A na sigaw ni Gayle

"Shhh" suway ko sa kanya, napatingin ako sa mga kasama nya, nasa likod nya si France, Louise, Ynnah ............ atsaka si Shobe and Nicoline ....... na busy magtawanan, I averted my gaze

"Hubadera mo, Elle Riley but ang hot mo dyan babe" nakangising wika ni France, napanguso naman ako.

"You nervous?" tanong ni Louise

"Sobra" saad ko at hinawakan ang kamay ni Gayle, kasi sya yung katabi ko

"Ang cute mo" sambit ni Ynnah kaya inirapan ko sya, cute ka dyan, sobrang ganda kamo

"Riley, come here" napukaw ang atensyon ko dahil sa malamig na boses ni Miss Tiffany

"Selos naman agad ang isa dyan, kinakabahan lang naman si Elle" saad ni Gayle kaya nagtataka ko syang tiningnan, she lean closer to me at bumulong "Yung kamay ko kasi, hawak mo" agad ko namang kinalas ang kamay ko

"Ang under" sabay sabay na wika ni France, Ynnah at Gayle. Ha?

"Guys, tawag na ako ni Miss Tiffany, see you na lang after performance" I said at tuluyan ng nagpaalam sa kanila.

Hindi pa naman ako nakakalayo sa kanila, rinig ko pa rin ang hagikhikan ni Shobe ...... at Nicoline. Kanina pa sila actually.




Pumunta sa backstage para magtawanan? Sana hindi na lang sila pumunta.




"Elle Riley!" tawag ng isang pamilyar na boses, nagkunwari na lang akong walang narinig at tuluyan ng umalis sa mga paningin nila.





You should have not come kung sa iba lang din naman ang pagtutuunan mo ng pansin.




I mean, baka ako pa ang nakakaabala sa inyo, hindi ba? Kahit na ako naman talaga ang ipupunta para suportahan, pero it seems like I'm interrupting something between the two of them, so better walk away na lang.





"You seem distracted" napalingon ako kay Miss Tiffany, at pilit na binigyan sya ng ngiti

"Medyo kinakabahan lang po" pagpapalusot ko naman, hindi ko naman inaasahan na bigla nyang kukunin ang dalawa kong kamay, she squeeze it, as if she's telling me na I will dominate the stage, I gave her a faint smile

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now