1 : Elle Riley

2.1K 29 4
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

It's so excruciating to see you low
Just wanna lift you up and not let you go
This ultraviolet morning light below
Tells me this love is worth the fight, oh

Nagising ako sa mainit na sinag ng araw na humahaplos sa inaantok kong mukha kasabay nito ang malakas na musika na sa tingin ko ay nanggagaling sa aking cellphone.

Tinatamad pa akong tuluyang bumangon at wala pa akong balak imulat ang aking mga mata, dumapa ako sa aking kama upang kapain ang nag-aalburotong cellphone na nasa aking side table.

Naiinis na ako kasi hindi ko makuha ang kanina ko pang hinahanap, nawawala kasi iyong pinanggagalingan ng malakas na ingay atsaka bigla-bigla na lamang ulit tutunog. Sino kaya ang tumatawag sa akin?

Sa pagkakaalam ko naman wala akong importanteng lakad ngayong araw, impossible naman na alarm ito. Finally, nahagip na ng kamay ko ang pinakamamahal kong cellphone. Halos hindi ko maimulat ang mata ko dahil na rin sa liwanag na dala nito. Oh God! It's only 6 in the morning tapos ang lakas makatawag sa akin. Agad kong tiningnan kung sinong maswerteng caller ang tiyak na mabebengga ko. Agang-aga naman kasi.

Francelyn Mae Raven

Accept \ Decline

Napairap na lang ako. Wala talagang pinipiling araw para bwisitin ako. Kawawa naman kung hindi ko sasagutin ang tawag, siguraduhin lang nya na importante ang sasabihin nya kung hindi, ay nako, hindi na lang ako mag-talk. Nakita ko din kasi na may 17 missed calls na sya sa akin. Syempre dahil isa akong dakilang kaibigan at tsismosa sinagot ko ang tawag nya.

"GOOD MORNING SLEEPY HEAD!!! IT'S TIME TO WAKEY WAKEY" bungad ng nasa kabilang linya. Kaagad kong inilayo ang aking cellphone sa tenga ko. Grabe, para talagang pinasakan ng megaphone ang bungaga ng babaeng ito.

"Hmm?" malamyang sagot ko. Gising na diwa ko pero diba i-normalize natin ang pagiging tahimik tuwing umaga. Isa pa, inaantok pa rin ako.

"Oh shoot! What a bedroom voice you have there, babe" malanding litanya ni Francelyn, but I called her France, she's one of my bestfriend since junior high school. Sanay na sanay na rin ako sa ugali nyan and I'm sure kabisado na rin nya ako.

"Napakalandi mo, hindi tayo talo, bakit ka napatawag? Ang aga-aga ginagambala mo ang pamamahinga ng tao, hindi ka ba tinubuan ng awa at sensitivity sa balat? Really, FRANCELYN?" kunwaring naiinis na sambit ko kasabay ng pagdidiin sa buong pangalan nya. Ayaw kasi nya na tinatawag ko syang 'Francelyn' kahit ayun naman talaga ang name nya, sabi nya para naman daw akong others kung ganon.

"Feisty. Chill Babe, I just wanna remind you na meron tayong lakad today with the Squad, I know you're busy last night kaya you're not responding to our groupchat and to our personal messages kaya I decided to call you this early, I thought matutulog ka pa lang HAHAHAHAHA. It turns out pala na tulog ka na. I'm sorry naman"

I chuckled "Anong gala?" naguguluhang tanong ko kay France. Last week na ng summer vacation and by next week pasukan na naman.

"Tss. Babe naman, uso kasi buksan ang groupchat at silipin ang mga messages don. Anyways, nagpapasama kasi si Je, sa NBS daw sa mall. Naisipan na rin ng iba na magkita-kita, serves as last gala na daw since magiging busy na tayo this school year. Kahit ma-late ka ng dating as long as you'll be there, we would love that. So pretty please, 9 am ang kitaan sa NBS" nagpapaawang saad ni France, naiimagine ko tuloy iyong mukha nya na sobrang stress sa akin. Napatawa na lang ako.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora