78 : Fight

172 6 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ




"Babe, aga mo umalis kanina ah, bakit?" bungad sa akin ni France


"Nag-jogging kami ni Shannah kaninang umaga" pabulong na sagot ko


"Ow, may practice ka ba ulit mamaya?" pagtatanong naman nya


"Yes, buong hapon ako excused. After lunch, diretso practice na ulit kami. Nakalimutan ko magdala ng pamalit kaya baka magpadala ako kay Shannah" sagot ko naman

"Puro ka Ate Shannah, may magseselos na naman" singhal nya sa akin kaya inakbayan ko sya

"Alam mo hindi ko kayo gets nila Gayle kagabi, anong meron ba?" I innocently ask



"Well, I think pareho lang kami ng nafi-feel nila Ms. Ae at Ms. Stella about dun sa nagkakagusto sayo, pero ang manhid mo lang" natatawang aniya nya


"May klase ka pa ngayong umaga?" she suddenly ask


"Wala na, bale may 3 hours akong vacant before lunch, kaya pahinga ko na din before mag-practice. Namo-mroblema ako kung saan ako tatambay" nakangusong sambit ko habang naka-akbay pa rin ako kay France, papunta kasi kaming cafeteria.


"Edi sa office ni Ms. Krys, doon ka naman lagi ah" natatawang sambit nya


"Tsk. Galit ata yon sa akin, tapos kahapon hindi ko na rin pinansin mas lalo atang nagalit sa akin, hindi ko sta gets, Francelyn" sumbong ko kay France


"Pansin ko lang ha, sayo lang lagi galit si Ms. Krys" natatawang hayag ni France


"Sinabi mo pa" napa-iling kong sagot.


"Rye, ilibre mo ako, wala na akong cash hindi pa rin nauwi sila Mom" paglalambing ni France kaya inirapan ko lang sya


"Okay. May pasok ka pa ba?" I ask

"Yes, pero kakain na muna ako. Kumain ka ba kanina ng breakfast? Ako lang ata kumain e" natatawa nyang sagot kaya napatawa na lang din ako.


After namin dumaan ng company, umuwi kami sa bahay ni Shannah at doon natulog, kaya wala akong dalang pamalit mamaya sa practice. Hindi fan ng breakfast si Shannah and ako naman tinamad na naman kumain.





Pagkatapos namin umorder agad kaming nakakuha ng pwesto sa cafeteria.


"Sa office na lang ako ni Gayle tatambay" pambabasag ko sa katahimikan, abala kasi kaming kumain parehas.

"Tanga, halatang halata na hindi nagbabasa sa group chat" napairap na lang ako

"Why?" I ask habang nilulunok iyong kinakain ko


"Hubadin mo nga yang saklob mo, bat ka ba nakasaklob? Isa pa, kay ate Shannah yan ah, may nakaburda pang Shannah oh" iritadong tanong nya pero binelatan ko na lang sya. Kinuha ko ito sa couch ni Shannah, well para mas astig kaya kapag nagsasayaw later.


"Nagra-rant si Ms. Ae at Ms. Stella sa GC natin kagabi, may biglaan silang seminar na dalawa kaya wala sila ngayon sa university" napatango na lang ako sa sinabi ni France


Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now