32 : Changes

246 8 10
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO


"Okay, class dismissed" pagpapaalam ko sa last class ko this morning.

Agad akong tumungo sa office ko, nakakastress maging isang professor. Nasa kalagitnaan ako ng pagkatulala nang biglang tumunog ang phone ko.




From: Stellar Rigorr

Lunch na girl. San ka na? We're here already.


Napabuntong hininga na lang ako at nagtungo sa cafeteria. Pagpasok ko rinig ko na agad ang iba't ibang ingay na nagmumula sa mga estudyante, ganito naman lagi ang set-up sa cafeteria.


Natanaw ko na sila sa usual spot namin. Mukhang may pinagtatawanan sila. Naupo ako sa tabi ni Nicoline.


"Ms. Krys tingnan mo ang tiktok ni Gabriel, parang tanga" bungad sa akin ni Nicoline.


Pinanood nila sa akin ito, I laugh. It's hilarious though. Nagsimula na kaming kumain, as usual maingay pa rin sila, kung ano ano ang pinagchichismisan nila. They are always ranting about their professor.


Napatingin ako sa mga kasama ko .... even though masaya yung table namin hindi ko maiwasan na maramdaman na parang may kulang ..... may kulang naman talaga.



Dalawang linggo na ang nakakalipas pamula nang mangyari iyon, sa dalawang linggo, wala na sa amin ang nagbukas ng topic na 'yun. Si Riley .... hindi na sya nasama sa amin. Sa nakalipas na dalawang linggo, pansin ko ang pagiging tahimik ni Ynnah, si Aerielle makulit pa rin sya pero alam kong may mali. I know she feel it too, may kulang.


Alam kong hindi lang ako, even her friends alam kong ramdam din nila 'yun. Walang nagme-mention sa nangyari noon, kahit name ni Riley hinding-hindi na nababanggit ng nga kaibigan nya ..... I felt terrible actually.


There are times na na-attempt ako na na samahan at damayan sya, I know she's in pain pero natatakot ako.


Hindi mo sya makikita sa kung saan-saan, lagi ko lang sya nakikita sa klase ko, pero tuwing lunch, hindi ko alam kung saan sya kumakain. Even her social medias are deactivated.






That's the changes for over 2 weeks.






"Here comes the kabit!" napakuyom ang kamao ko nang marinig ko yon, tiningnan ko nang masama ang nasa kabilang table.



Nakita ko si Riley na papasok sa cafeteria, she's wearing her poker face, she's wearing t-shirt and cargo pants.

I actually miss her, she used to be playful but because of what happened she's extra quiet. Pinagmasdan ko sya na umorder ng pagkain, lalabas na sana sya sa cafeteria pero nakita kong tinulak sya ng isang estudyante. Mabilis naman syang tumayo at inayos yung binili nya sa cafeteria, ibinalik nya yung mga natapon nyang pagkain sa paper bag. Wala syang pakialam sa mga ginagawa sa kanya ng iba.




Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now