2 : Kristen Ysobelle

652 20 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO

"Zen, ayan na ba ang bunsong anak mo?" tanong ng isang ginang na sa tingin ko ay ka-edaran lang ni Mommy, ngumiti lamang ako dito, medyo mahiyain kasi ako lalo na sa mga tao na kakakilala ko lang.

"Oo, kumare, eto si Kristen, bunso kong anak, wala si Krishna busy ang panganay ko sa kanyang work" masayang wika ni Mommy.

Hinayaan ko muna si Mommy na makipag-usap, balak ko sanang pumasok na sa kotse namin para doon na lang hintayin ang aking ina pero sa paglalakad ko hindi ko inaakalang may tumama sa bandang legs ko.

Tumungo ako upang malaman kung ano yung tumama sa hita ko, napangiti na lang ako na isang batang babae pala ito, mababakas na nagmamadali at para bang may humahabol. "Sorry po Ate Ganda, naglalaro po kasi kami ng taya-tayaan, hindi ko naman po sinasadya" mangiyak ngiyak na saad ng bata. Hindi ko maiwasang masiyahan, isa kasi talaga sa weakness ko ay ang mga bata. Hindi ko alam pero likas na sa akin ang mabilis makapagpalagayan ng loob kung sino mang bata ang makikita ko, sabi nga nila Mommy baka daw malakas talaga ang appeal ko sa mga bata.

Pinantayan ko ang batang babae "It's okay baby girl, what's your name?" sa tantya ko mga 8-9 years old etong batang 'to. Kahit medyo madungis ang itsura nito marahil gawa ng pagbibilad sa araw at paglalaro, hindi mo maikakaila na sya ay galing sa magandang lahi.

"Princess po Ate Ganda, kayo po?" humawak ito sa kamay ko at parang hinihila ako, wala na akong ginawa kung hindi magpatianod na lamang. Bago ko ito sagutin, napagpasyahan ko muna na i-text ang aking nanay na i-contact na lang ako kapag uuwi na kami.

"Hmm. My name is Kristen, but you can call me Ate Krys" oh diba, ang arte ko pa. Sa halip na letter 'I' naging 'Y', well hindi na naman iyon mapupuna kasi magkatunog lang naman sila kapag binasa but there's an explanation kung bakit KRYS, pinagsama lang naman 'yung first and second name ko: KRisten YSobelle. Ang witty diba.

Tumigil na kami sa paglalakad at napagtanto ko na andito kami sa isang parke malapit sa maingay na bayan. Actually, sinamahan ko lang ang pinakamamahal kong ina na mamili na mga kinakailangan nyang ingredients for our lunch atsaka galing din kami sa mall for our grocery. May pinuntahan din kami na isang barangay kung saan nakatira 'yung kaibigan ni Mommy kaya naman alam kong matatagalan pa ito sa pag chismis.

"Ate, marunong ka po bang magbasa" tanong ni Princess habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko kasabay ng unti-unti nyang pag-upo sa isang swing. Kaagad ko namang kinalas ang magkahawak naming mga kamay upang maka-upo din ako sa katabi nitong swing.

"Oo naman, ikaw ba?" medyo natawa ako sa tanong nya pero hindi ko rin naman masisisi dahil sabi nga nila lubos na matanong talaga ang mga bata.

"Hindi nga po eh, hindi po kasi ako nag-aaral, mahirap lang po kasi kami." malungkot na wika ng batang babae.

Lubos akong nalungkot kasi lahat ng indibidwal ay may karapatan na makapag-aral pero hindi lahat may sapat na kakayahan upang maggawa ito katulad na lang ni Princess, kahit na may mga public school sa paligid, maaaring ang mga magulang nya ay hindi kayang sutentuhan ang magiging baon nito sa pang araw-araw isama pa ang pambili sa mga school supplies every year. Siguro kung sobrang yaman ko, gusto kong maging sponsor for scholarships, pero may kaya lang din naman kasi ako.

"Ganun ba? Huwag ka mag-alala sa Sabado magpapadala ako sayo ng mga reading materials at tatawagan ko 'yung Chairman sa barangay na ito, siguro naman may mga volunteers na mga kabataan para sa inyo" ayun lang kasi ang naiisip kong paraan upang makatulong, simple man ngunit alam kong isa itong malaking hakbang para makatulong din sa kanya.

"Talaga po Ate Ganda? Hindi lang po pala kayo maganda, mabait din po pala kayo" kita ko ang ningning sa mga mata ni Princess habang nagsasalita sya. Sus. Bolera. "Hmm, hindi na po ba kayo babalik dito? Gusto ko po sanang kayo ang magturo sa akin, natatakot po kasi ako na baka magalit ang magiging teacher ko kung sakali kasi hindi po ako mabilis matuto" dagdag nya pa.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now