75 : Mad

232 13 2
                                    


KRISTEN YSOBELLE SORIANO

"Okay class, answer page 115 on your text book. I'll give you 30 minutes to answer the 15-item activity" instruction ko sa huling class ko this morning. Umupo na ako sa chair na nasa harapan ng table ko and nagsimula ng magtipa sa laptop.

Napakunot ang noo ko nang biglang tumunog ang phone ko.

Elle Riley
Active Now

Miss, sabay ba ulit tayo?



Napangiti naman ako. Itabi nyo na, we got closer recently. :)))

Yep, ayaw mo ba?

Napakagat labi naman ako. This is really unlike me, I never use phone when I'm in class kahit na sabihing hindi naman ako nagdi-discuss, pagdating talaga kay Elle Riley, wala talaga e. Nawawalan tayo ng astig.

Miss, sino bang
tatanggi sa free lunch?

Miss, medyo mala-late
lang ako. Nangangamoy
over time etong prof ko
:((

Gosh. Free lunch mo mukha mo. Napakamanhid nya talaga, everyone. Hindi nya alam paraan ko lang iyon para mas makasama sya.


Tsk. Using phone while
on class? Really, Elle Riley?

Sino na naman kalandian mo?

Tanginang, selos 'to talaga. Parang kagabi lang. Naiinis ako kasi sobrang lapit nila mag-usap ni Ae tapos lumipat pa sya sa tabi ni Tiffany na tawang-tawa pa sya, ano kayang pinag-usapan nila? At hindi lang iyon, GIRL CRUSH nya pa daw si Tiffany. Tsk.




Manhid mo, Elle Riley.





Miss naman!!!!

I just open my phone
kasi para i-chat ka at i-inform
ka na male-late ako. Tapos
mamaya magagalit ka kasi
ang late ko na naman.
Attitude so much.


I mentally laugh. Tss. Cute.



Kaagad naman natapos ang time ko sa last class ko this morning. "Class dismissed, see you next meeting" pagpapaalam ko at nakangiting naglakad sa hallway patungo sa office ko.








Pagbukas ko ng office, nagulat pa ako kasi nandito na agad si Elle Riley. Eto na naman 'yung parang may nagtatambulan sa puso ko, ramdam ko rin ang pagkasabik ng mga ito sa presensya nya. Hanep, kagabi lang kami magkasama, inihatid pa nga ako. Pero etong traydor kong puso nagmistulang si Elle Riley na ang may ari, grabe na.


"Akala ko ba male-late ka?" I ask her habang ipinapatong yung mga dala ko sa table ko. I saw na kanina pa syang nakabusangot at nakatingin sa phone nya, hindi nya nga ata pansin ang presensya ko kaya agad akong tumabi sa kanya sa couch.


"Hey" I said habang tinatapik iyong balikat nya, tama nga ako, she's spacing out.


"What's wrong?" nag-aalala kong tanong, umiling lang sya and then give me a faint smile. Why?


Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now