21 : Unexplainable Feeling - I

245 10 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO

~Flashback~

After kong makauwi from Riley's condo, hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Umalis ako sa unit nya na tulog sya, naalala ko tuloy 'yung kakaiba kong nararadaman kanina. When we talk about kiss, hindi ko napagilan ang sarili ko na titigan ang kaniyang mapupulang labi. How can someone be so beautiful kahit na walang kolorete sa mukha?

I stop myself from having absurd thoughts. For godsake Krys, she is your STUDENT. Pull yourself together.

Kinabukasan, masaya ako na nagpunta sa university, hindi ko din alam kung bakit. Buong araw kong kausap si Riley sa messenger, kahit nga may klase ako, I still used my phone which is not ...... like me, hindi ko gawain 'yun. In my 4 years in teaching in AeU, never in my life na gumamit ako ng phone or naglabas ng phone dahil alam kong distraction lang 'yun. But, dahil absent si Riley... I think I just break my own principle. There's something kay Riley na I can't seem to resist. Hindi ko ma-figure out.

Last night, she send me a picture of her, it's a selfie, saying that she's okay still alive and kicking pa nga. Natuwa ako do'n sa hindi malamang dahilan, nakita ko din na she uploaded that she send to me sa instagram story nya, 'wag kayo dahil mas nauna nyang i-send sa akin kaysa i-upload nya. That's totally wrong move, hindi ko nga sya fina-follow pero na-view ko lang naman 'yung instagram story nya. What the hell, right?

Buong akala ko papasok na sya kinabukasan, nawala 'yung excitement ko bigla pagdating ko sa faculty, Aerielle is talking to Riley over a call. I don't know, para akong.....nainis? Hindi ko alam kung bakit. Buong araw akong naging abala, madami kasi akong class at biglang nagpatawag din si Ms. T ng meeting regarding sa org shirt and department shirt, maayos naman ng na-settle 'yun since collaboration 'yun sa OH FOOLS.

I check my phone, may mga messages sya sa'kin parang napawi na naman 'yung pagod ko bigla. Kinukulit nya ako sa messenger, halos tadtad na rin 'yung chat nya sa akin....I felt....happy. Mag-rereply na sana ako but then again for the nth time magkatawagan na naman sila ni Aerielle.

Apat na araw na syang absent, sa pagkakaalam ko naman she's fine na. Kahapon ko pa syang hindi pinapansin sa messenger but tumigil na sya sa pagme-message sa akin. Dumaan ang mga araw na wala pa ring Riley na pumapasok, after din nya akong tadtadin ng messages nung isang araw, wala na din syang paramdam.

May mga times na nate-tempt na akong i-message sya pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nakikita ko lagi si Ae na nakahawak sa phone nya, one time sinadya ko talaga tumingin, she's chatting with Riley, kung hindi naman chat, naririnig ko naman na magkatawagan sila. That time .... para akong naiinis....na....naiiyak....hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit ganon na lang ako bigla ma-insecure kay Aerielle. Sa university, lagi na nga silang magkasama at magkalapit tapos malalaman ko na hanggang sa social media, close pa rin sila. Haha.

Pero bakit ko nga ba'to nararamdaman?

Nung araw na bigla syang sumulpot sa cafeteria, parang may nagrarambulan sa parteng dibdib ko, nakita ko na kasi sya ulit. Hindi ko alam kung anong pakiramdam 'yon. Hindi ko na alam, nalilito na ako.

At that time, I decided na i-ignore sya, mas nainis pa ako kasi sobrang clingy ni Aerielle, hindi naman nya girlfriend si Riley. Like, please you need to back off, professor ka Ae. Ayan 'yung gusto kong sabihin but I remain silent and pretend na she's not around. Ako na ata 'yung may mali, ramdam ko 'yung pagtitig nya sa direksyon ko but never....never akong tumingin sa kaniya, sa kanila ni Aerielle, para kasi akong nasaktan....hindi ko na alam.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now