68 : Grumpy

151 8 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO


"Hoy Krys, umayos ka nga, chill lang nagbibiro lang naman ako" natatawang hayag ni Ae pero inirapan ko lang sya

"Hoy hoy ano na namang nangyayari sa inyo" rinig kong usal ng kadadating lang na si Stella

"May period na naman ata itong magaling nating kaibigan" natatawang usal ni Ae

"Ano bang nangyari?" rinig kong tanong ni Stella

"Inaasar ko lang naman na baka may date sya kaya laging 'working her ass off' ang peg, napaulanan na naman ako ng mga matitinding irap" natutuwang kwento ni Ae kay Stella and they both laugh


"Anyways, nag-chat sa akin si France if busy daw ba tayo later, birthday daw ni Gabriel, they are inviting us, tayo-tayo lang naman daw, sa house nila Gabriel, of course" saad ni Stella

"Hindi din papasok si Tiffany today, she has business meeting pero sinabi naman nya na she'll be there sa birthday ni Gabriel" dagdag pa ni Stella

Kahit summer vacation, busy pa din kami sa AeU, minsan na-attend pa din kami ng out of town seminar pero okay pa rin naman vacation namin, last week kasama ko family ko pumunta kami sa Palawan. Well, we can't do out of the country, lahat kami busy.

Si Ate Krishna, she's doing great sa new job nya, she seems happier kaya sobra akong natutuwa while si Mommy naman she's healthy naman pero minsan sinasamahan ko pa rin sya para sa monthly check-up nya. Minsan nauwi din ako sa family house namin.

Lagi kong kasama sila Ae, Stella at Tiffany, mapa-galaan man or university. Sila France, last last week, nagkita-kita kami to catch up and nagbigay din sila ng pasalubong sa aming apat, galing sya ng ibang bansa.

"Binigay na sa akin ni Gab yung address nila, send ko na lang sa inyo, kita-kita na lang tayo doon, 5 pm daw" dagdag pa ni Stella and I just nodded at kunot noo na nagpatuloy sa pagtitipa sa laptop

"Have you guys heard any news for Riley?" napatingin ako sa direksyon ni Stella nang bigla nya iyong itanong, bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko

"I just talk to her" Ae said that makes me arch my brow

"What?" I ask Ae

"Anong what ka dyan? At bakit ang ligalig mo na naman Kristen Ysobelle, last month ka pang ganyan, tutumbahin na talaga kita" naiinis na turan ni Ae kaya inirapan ko lang ulit sya

"So anyways, ka-chat ko si Riley kagabi" pagpapatuloy ni Ae

Napairap ako sa kawalan. It's been 2 months, and wala talaga syang paramdam sa amin ...... or sa akin lang?

Nakakainis kahit sa messenger hindi sya nagre-reply, nabubuksan ko pa rin messenger nya and wala talagang nangyayari doon, halatang hindi ginagamit.

I remember her saying na walang signal sa province tapos ngayon ..... ka-chat ni Ae? Tsk. Traydor.

2 months na ng bakasyon at ni minsan hindi sya naalis sa isip at ..... puso ko. Tanginang yan.

Noong unang dalawang linggo ng bakasyon na wala akong naririnig tungkol sa kaniya, I really thought na magfa-fade na yung feelings ko sa kanya.

But I was wrong, parang mas nahuhulog pa lalo ako at mas nasasabik sa presensya nya.

"Grabe nakakamiss si Riley, anong sabi nya?" tanong ni Stella, kunwaring nagtitipa pa rin ako sa laptop pero halos humaba na ang tenga ko para lang mapakinggan sila

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now