13 : Office

299 12 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO

"Ms. Krys, tulungan na kita"

Binigay ko naman sa kanya yung makakapal na librong hawak ko. Magtiis ka dyan, ginusto mo yan.

"Miss may pa-quiz ka later?" tanong nya sa akin. Nauuma ako sa kanyang maglakad.

"Wala, why?" tanong ko

"Miss ang sungit mo talaga sa'kin tapos kapag kila Ynnah, ang bait mo, may galit ka ba sa akin" napatigil ako sa sinabi nya tsaka lumingon sa kanya. Napatigil din sya and she suddenly purses her lips. Bwisit talaga 'to.

"Ikaw lang at si Ate Krishna ang nag-iisip na masungit ako." depensa ko at pinagpatuloy ang paglalakad.

Sa mga nagdaang araw hindi ko alam pero lagi na kaming nakakapag-usap, bigla kong na-discover na makulit sya at madaldal. Hindi ko alam kung dahil ba sa binigyan ko sya mg iced tea kaya sya naging ganito sa akin, kung ganon, dapat pala nung una pa lang, sinuhulan ko na ng iced tea. Mahilig din nyang ipagpilitan na masungit ako sa kanya kahit wala naman akong ginagawa.

"Miss, may boyfriend na si Ate Krishna?" tanong nya sa akin

"Hmm, wala pa naman, why may irereto ka na?" natatawa kong wika

"Hala Miss, hindi ka na masungit, natawa ka na kapag kasama ako" napairap ako sa sinabi ni Elle Riley.

"Tss, siraulo, big deal na big deal ang pagtawa" masungit kong sambit

"Hala, nag transform ka na naman" tiningnan ko lang sya ng masama at hindi na umimik.

After kasi nung bigyan ko sya ng iced tea last week, hindi ko na sya nakita nun sa university. Tapos after non, ewan ko ba, lagi kaming nagkakasama, dahil sa Math Club ata. Minsan sabay pa kami papunta sa parking lot, ilang beses ko na din sya nakakasalubong sa hallway, kapag sa classroom nakikipagbiruan na din sya sa akin.

Kung iced tea man ang dahilan, araw-araw ko sya susuhulan ng iced tea

"Miss pwede patambay sa office" napatigil ulit ako dahil sa sinabi nya, malapit na din kami sa may office ko

"Wala kang klase?"

"Vacant nga po e, Miss tutulungan kita ulit mag check ng paper, hindi kita kukulitin, patambay lang" she pouted after she said that

"Mukha kang pato"

"Ang sama talaga ng ugali mo" kita ko ang pamumula sa mukha nya kaya hindi ko napagilan na tumawa

"Miss dali na, happy pill mo ko nyan" pang aasar nya

"As if"

"Dali na" pamimilit nya pa

"Si Gayle na lang kulitin mo, hindi ako nagpapasok sa office ko ng student" paliwanag ko

"Miss nakapasok na kaya ako, nung binigyan nyo akong shirt" depensa nya

"Pinahiram" pagtatama ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko sinabi yon.

"Akin na yon, dapat nilabhan mo ha baka mabaho yun" pang aasar ko sa kanya

"Miss ang kapal mo, mabango kaya ako, kahit di ako maligo ng isang taon, kasinghot-singhot pa rin ako" mayabang na saad nya

Meet me in the Afterglow [MMITA]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ