23 : Unsaid Thoughts

242 13 1
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO

After the event, nagkayayaan kami na pumunta sa Breeze. Hindi na sana ako sasama pero I was drag here by Aerielle.

Sumalubong sa amin ang maiingay na mga tao, amoy na amoy din ang iba't ibang alak at sumasampal din sa mukha namin ang usok na galing sa mga naninigarilyo.

I don't know kung nasaan si Riley, sumakay lang ako sa kotse ni Ae, coding kasi ako.

If dumating sya, I will talk to her.

Please come here.

Ang mga kasama lang ay kaming apat na propesora, si France, Ynnah, Gabriel atsaka Nicoline. Umuwi na yung iba dahil hinahanap na sila sa bahay nila at yung iba inaantok na daw.

"I think, maling desisyon na nandito tayo, sobrang daming tao" pasigaw na wika ni Aerielle

"Miss Ma'am lipat po tayo" sagot naman ni Nicoline

Napagkasunduan namin na tumuloy sa condo unit ni Stella. de ja vu, alak na naman.

"Call Riley please" utos ni Ynnah kay France

"HOY YNNAH ASHER LOPEZ ANONG PROBLEMA MO, GET UP! ANG DAMI MO NG NAINOM" sermon ni France

"C-call R-riley p-p-please. I-I-I n-need her" naiiyak na wika ni Ynnah

"Hala putangina" bulaslas ni Gabriel at Nicoline

"Oh god Ynnah, you know Riley's not fine, she's in her off-season sa hindi ko na naman malamang dahilan. Putangina, umayos ka" singhal ni France

Nananatili lang kaming tahimik, kami nila Stella. Kani-kanina lang kami dito pero pansin namin na lumaklak na lang ng lumaklak si Ynnah

"N-no, I-I w-will n-not s-stoop d-d-drinking, p-p-papuntahin n-n-nyo s-s-si R-r-riley, k-k-kailangan k-k-ko m-magsorry" nanghihina na tugon ni Ynnah

"Nag-away ba sila, kaya MIA na naman si Riley?!" pagtatanong ni Gabriel

"No" tipid na sagot ni France. Nakita ko na sumulyap si France kay Tiffany.

Damn. Kinabahan ako bigla.

"J-just p-p-please c-call h-her" nagmamakaawang sambit ni Ynnah.

Tinawagan ni Aerielle si Riley. Base sa tono ng boses ni Riley, galing sya sa pagtulog.

After 20 minutes, she arrived. She's wearing muscle shirt and jogger pants, magulo pa din ang buhok nya. Halatang naalarma at nagmadali ng pumunta dito.

Kakapasok pa lang ni Riley, sinugod agad sya ni Ynnah at sinampal sa mukha, napabaling sa kabilang side 'yung mukha ni Riley, napatayo kaming apat.

Inilayo nila Gabriel at France si Ynnah kay Riley

"PUTANGINAMO YNNAH, ANO YON?" pagalit na singhal ni France.

"Let her, Francelyn. Let her talk. Gabriel, bitawan nyo sya" malamig na usal ni Riley. Binitawan nila France at Gabriel si Ynnah.

Kahit pa-zigzag pa yung lakad ni Ynnah, lumapit sya sa isa at walang habas na pinagsusuntok ang dibdib ni Riley.

Aawatin na sana ulit nila Nicoline but Riley stop them...again.

Walang nagsasalita sa aming lahat, ang maririnig lang ay ang paghikbi ni Ynnah at ang tunog ng paghampas nya kay Riley. Ni hindi man lang sinasangga ni Riley yung tumatama sa kanya, hanggang sa napagod na si Ynnah kahahampas.

"Why, Riley?"  Ynnah ask. Nanatili lang kaming tahimik, nakikiramdam.

"BAKIT RILEY? MAGALIT KA NAMAN SAMIN OH. PUTANGINA NAMAN RILEY, WHY ARE YOU ALWAYS THERE BY OUR SIDE, PERO KAMI WALA MAN LANG MAGGAWA PARA SAYO, BAKIT HINDI MO KAMI SAKTAN HA? RILEY, PUTANGINA NAMAN" singhal ni Ynnah, hinawakan nya ang kamay ni Riley at inihampas nya sa sarili nya, nananatiling matigas si Riley.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now