3 : First Day

487 25 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

GOMEZ, ELLE RILEY
Student No.: 032497
1st Year
BS in Industrial Engineering
Whale Aer University

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang aking ID, actually pagkagising ko eto na agad ang aking kinuha at pinagkaabalahan. Lagi kasing cellphone agad ang hanap ko sa umaga, pero ngayon kakaiba 'yung nararamdaman ko.

WHALE AER UNIVERSITY o mas kilala bilang AeU. Dream university namin itong magkakaibigan, noong elementary pa lamang ako, nagbabalak na ako na sana makapasok ako sa prestigious na unibersidad na ito, sobrang sikat kasi ng school na'to hindi lang dahil may mga anak ng mga makakapangyarihan at mayayaman  na tao ang pumapasok dito, kilala ito dahil 'home of geniuses' kung bansagan ito ng buong bansa.

Sa university kasi na ito, oo, hindi maikakaila na maraming mga nakapasok dahil sa pera ng kanilang mga magulang pero majority din sa university na ito ay mga henyo at mga iskolar ng bayan, marami kasing mga college students dito ang talaga namang nag uumapaw ang IQ, na hindi kataka-taka na numero uno ito sa buong bansa.

This week naman wala pa naman sigurong gagawin, based na rin sa AeU Website, school portal sya na lahat kaming mga students ay may access pati na rin ang mga magiging professors namin. Nasa website ang mga announcement para sa schedule ng midterms, events and if walang classes. Dito rin makikita ang schedule namin for this semester, and dito rin namin makikita ang mga grades namin.

[AeU Website]

Good day AERIES! Welcome to Whale Aer University. For this week, there will be no discussions and lectures. This week will serves as your adjustment period for the opening of this academic year. Expect that there will be an orientation and a welcome party for freshmen today. See you at AeU's auditorium. Let's go AERIES, cheers for the higher degrees!!!!

Napangiti na lamang ako sa nabasa ko. Isa na akong AERIES. Aeries ang tawag sa mga students na nag-aaral sa AeU with the famous quotation "Let's go AERIES, cheers for the higher degrees" means to strive harder and be the best version of yourself in order to achieve your goal in your life. It's actually direct to the point, halos lahat naman siguro ng indibidwal isa sa mga plano sa buhay ay makatapos ng pag-aaral at makakuha ng college diploma, at isa na ako doon.

Since Monday at first day of classes, supposedly based on my schedule, 10:30 am pa ang pasok ko, pero dahil nga may general assembly, ni-require kami na 8 am pumuntang school para malibot namin atsaka ipapakilala nila sa mga freshie na tulad ko ang mga professors and balita ko magkakaroon din ng speech ang Dean ng University. Balita ko pa nga, mayroon mga guest speaker na dadating at may kutob na ako na graduate na sila sa AeU at kasalukuyang may magandang buhay na, kumbaga tunay na successful na.

Ang sarap siguro sa pakiramdam na i-acknowledge ka ng alma mater mo, kasi diba galing ka sa university na'to and pababalikan ka nila dito to inspire other students dahil you are one of the living proof na kahit mahirap 'yung naging journey mo sa college, it was all worth it, isama mo pa na madaming hahanga sa kung anong narating mo sa buhay. Sana all.

7:45 am na kaya naman napagpasyahan ko ng lumabas ng condo unit ko, wala pa akong breakfast. Hindi kasi ako marunong magluto, wala na namang masyadong stock ng meal na supposedly ilalagay ko lang sa microwave then ready to eat na. Marunong naman ako mag prito but medyo na-late ako ng gising kaya hindi na ako nakapagprepare.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum