59 : Happiness

201 10 0
                                    

KRISTEN YSOBELLE SORIANO

"Bigyan nyo nga si Riley ng jacket, nanggigigil ako sa likod nya pinagtitinginan na oh" reklamo ni Stella.

Pagkatapos kasi namin mag-kareoke, nandito kami sa ice rink. Jeremiah is currently holding Riley's hands, sya kasi nagtuturo sa kanya, napairap na lang ako.

Dapat kasi ako ang magtuturo sa kanya pero ang siste pinagtulakan ako kay Nicoline ........ eh sya naman ang gusto ko.

"Tingnan mo yung dalawa, if hindi talaga dahil kay Irene atsaka kay Hiro, I'll do everything para maging silang dalawa" narinig kong sambit ni France kay Ae

"Agree, bagay sila, hindi ba nagkagusto si Je kay Elle?" takang tanong ni Ae, nananatili akong nag-aayos nung skates ko, natapos naman ako magturo kay Nicoline, she's a fast learner and matapang, unlike kay Riley na nakikita ko, she's reckless pero kapag sa ganitong bagay.....what a scaredy cat.

"Ang alam ko po nagkagusto din si Jeremiah but he just kept it himself, si Riley po kasi kapag kaibigan ang tingin nya sa isang tao tapos nag-confess ka bigla, she'll avoid you lalo na kapag wala kang pag-asa" natatawang sambit ni France Napalunok ako.

"Why? may incident na ba na close friends nyo ang nag-confess sa kanya?" Ae ask

"Not my place to tell po but yes po, tanong nyo po kay Riley Ms. Ae, close na din naman po kayo sa kanya. Akala ko nga po may gusto po kayo sa kanya e" France said

"Actually hindi mahirap magustuhan si Riley pero ang mahirap yung pilitin na wag ka tuluyang mahulog" seryosong saad ni Ae

"Hala Miss?? Don't tell me????" rinig ko ang gulat ni France, miski ako kinabahan sa isasagot ni Ae, hindi ko tumitingin sa kanila kahit na pinapakinggan ko sila, mahirap na baka tuluyan nilang tigilan ang pagku-kwentuhan.

"Silly, no. I admit nung time na sinundo nya kayo sa Breeze nung time na yon, I was attracted to her feeling ko nga muntik na mahulog panty ko sa kanya when she started to flirt back. Pero nung nalaman ko na she's my student and I know na agad na she's the type of girl na pangmatagalan kusa naman nawala ung romantic na attraction ko sa kanya, hindi naman sa nagustuhan ko na sya ha, I was physically attractive to her though" mahabang litanya ni Ae, napatango naman ako.

She's right though, kahit ako nung unang nakita ko sya sa cafeteria, I admit she's really gorgeous.

"Do you think she already moved on kay Hiro?" nagulat ako nung narinig ko na itinanong yon ni Ae kay France.

"I don't really know Miss, bigla na lang syang naging masigla. We never talk about it hindi po ba? She's a great pretender po talaga but I'll take it Miss, mahirap syang basahin kaya hopefully she'll met someone already kahit si Jeremiah pa yan, okay lang basta she'll be happy" sinserong usal ni France

"So hindi talaga si Je yung sinasabi mo na umamin sa kanya and she avoided it?" Ae ask

"Miss, you'll be shock kapag malalaman nyo, try to ask her infront of everyone, I badly want to see your reaction-I mean kayo pong apat na professor" natatawang usal ni France.

The who?

Nandito pa rin kami sa rink, busy sila lahat sa pagtutulakan, nadogshow na naman si J.F, France at Ae, bidang bida sila akala mo pro-skaters may paikot-ikot pa.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu