34 : Truth - II

245 10 7
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

~Flashback~

Nang nasa office kami ni Aerielle. Tinawag ko na lahat ng santo, kinakabahan ako ma baka may masabing kung ano si Vera sa harapan nila.

Hanggang sa dumating si Isabel, right now alam kong she failed in kicking me out in this university. Masakit din ang sampal nya sa akin pero hindi ako nanlaban. Baka kapag tinapangan ko pa sya, baka lalong may madamay na iba.

Nasaktan ako para kay Vera, saksi kasi ito sa pananakit ni Isabel kay Dexter. Isabel is not sane, she's crazy. Kaya alam kong once na nakalabas na sya ng university, ipapadala na sya sa mental facility.

After Isabel left, Dexter hugs me. Dexter is a nice person, he knows that I was hurt pero eto yung pinasok namin eh. Ang isa sa condition ko sa kanya para sa pagpayag na pagpapanggap na maging kabit nya ay huwag sabihin kay Ynnah ang mga threats atsaka mga masasakit na salita na matatanggap ko mula sa mga tao. I know he's sorry for me, but I understand him. I understand the situation very well. I choose this.

Sa 5 araw na nakalipas, wala akong matinong kain at tulog, manhid na manhid na din ang katawan ko. Pagod na pagod na ako. Busy ako sa paglaban kay Isabel at hindi ko mapabayaan si Ynnah, they split.... sila ni Dexter kahit na alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa, they choose theirselves muna. Nagkasundo sila na if sila, sila talaga. Ynnah's still in pain .... kilala ko ang kaibigan ko.

Nang pinapunta ni Gayle sila France sa office nya, I'm literally screaming and crying inside. Ang sakit sakit na marinig iyon mula sa kanya. I know she's been a victim of cheating and may involved na third-party, but eto ako ngayon parang loud and proud na kabit --- kahit hindi naman talaga. Alam kong gusto ng magsabi ni Ynnah, but buti na lang she choose not to. Hinayaan ko lang si France na magsalita, kahit na parang inuupos ako ng mga ito.

I'm also disappointed and hurt, France. You never dare to let me explain nor hear my side. Akala ko nga ikaw yung masasandalan ko, kasi busy ako na umantabay sa iba. Kailangan na kailangan ako ni Dexter and Ynnah, but I thought I can count on you, akala ko maiintindihan nya ako, pero wala. Choice ko ito, deserve ko ito. Tamang choice din naman kasi hindi ko hahayaang si Ynnah naman ang masaktan, she's been through a lot, kahit hindi ko nasaksihan ang pagmamahalan nila ni Dex nung una pala, alam kong marami na syang tiniis. I would not let her to suffer alone, alam ko na ang sitwasyon nya kaya I will let Ynnah as her shield for this time ....

Mas masakit yung mga salita ni France kaysa sa mga sampal nya, akala ko tapos na pero ang mas masakit ay yung time na tinalikuran nila akong lahat. But I need to assure Ynnah that I am okay. Noong time na 'yun, alam kong wala sa akin talagang matitira, but isinugal ko yon para kay Ynnah. I don't want her to get hurt .... pero nasasaktan pa rin pala sya kasi alam kong sinisisi nya ang sarili nya sa nangyayari .... kaya I need to be tough around her, pilit kong hinahaplos ang mga likod nya, until she's done, I'm relieved, I've done my part.

Nang umalis ako sa office ni Gayle, nakaramdam ako ng pag-asa nung hinatak ako ni Shobe. I was actually gonna spill everything .... if she..... if she only said that she doesn't believe it...

Pero siguro nga masyado na rin akong kinain ng mga masasakit na salita kaya naman nung nagtanong sya kung totoo yun, mas lalo akong nanghina, ang dating kasi sa akin na yun, para bang hinihintay lang talaga nila ang confirmation mula sa akin, kaya I said na I am really the mistress. Umalis na din agad ako sa office nya.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now