64 : Fun

169 6 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ


"Miss Krys hindi ka sasayaw?" tanong ko sa katabi ko na kanina pa tahimik

"No, baka makipaglandian ka bigla" singhal nya kaya napatawa ako

"Kailan mo ako nakitang lumandi?" tumingin ako sa kanya

"Araw-araw" sagot nya kaya napairap ako sa kanya

"Kanino naman Miss, ang bintangera mo" saad ko sa kanya

"Kay Ae" she said and drink her alcohol beverage

"Miss lahat naman nilalandi ni Gayle, Miss you should also stop drinking" I said at kinuha sa kanya ang baso

"Why did you drink?" for the nth time she ask me, I smiled bitterly at her, magkatitigan lang kaming dalawa dito

"Just wanna try it, it scks though" natatawang hayag ko "Ang pangit ng lasa, ang pait" dagdag na lait ko pa

"Do you ...." napalunok sya kaya mas lalo akong tumitig sa kanya, I'm looking at her trying to tell her na just continue what she's about to say

"Do you m-miss him that's why you drink?" Miss Krys ask


Opo, and it still painful, Miss Krys.

"Hindi po ah, grabe kayo sa akin. Gusto ko lang po talaga i-celebrate na nakasurvive ako ng 1st year sa AeU" pagsisinungaling ko.

She stare at me and sigh "You know you can talk to me about him" she said sincerely that made me smile

Atleast, alam kong may tao na nandyan para sa akin para AKO NAMAN ang pakinggan.

"And I'm grateful for that Miss Krys, but I am really fine. Lalaki lang 'yon" pagsisinungaling ko na naman.

Ms. Krys, he's Ren....... the love of my life ....

Tumayo ako at inilahad ang kamay sa kanya, nagtataka naman sya "C'mon Miss baka sabihin nila KJ tayo, tara po sasayaw, Miss ikaw na lang partner ko kaya wag ka na maghanap ng iba pa mamaya tapos pagbibintangan mo ako na may lalandiin" depensa ko sa sarili ko


"Daming sinabi" nakangising saad nya at tinanggap ang kamay ko, ramdam ko na napatigil pa sya sa pagi-intertwine ko ng mga kamay namin, wala namang masama diba, we're both girls and we're friends.

Iginiya ko sya sa dance floor kung nasaan ang mga kaibigan namin. I laugh kasi I'm swaying my body while holding her hands, habang sya naalibadbaran kay Ms. Stella and Gayle kasi ang laswa sumayaw.


Bukod sa pagsayaw, inalalayan ko lang din si Ms. Krys, lalo na may nadikit sa kanyang mga lalaki na ang papangit naman, natatawa na lang ako kay Ms. Krys kaoag hinahapit nya ako papalapit sa kanya kasi may mga lalaki at babae na gusto akong isayaw.


Biglang tumugtog ang slow dance, aalukin ko sana si Miss Krys na sumayaw pero biglang bumulong si Nicoline

"Rye, ibalato mo na'to sa akin please, malabo naman syang mapapasaakin" Nicoline whisper kaya napatawa na lang ako and nodded

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now