10 : Chaos

265 10 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

Tuesday.

This day won't be the best day. I just know.

Habang binabagtas ang hallway, expected ko na ang mga bubuyog ang bubungad sa'kin pero iba pa rin pala sa pakiramdam. Kinakabahan akong malala.

"Sila ba talaga ni Jeremiah?"
"Sana all may Jeremiah"
"Sana all may Riley kamo"
"Baka friends with benefits"
"Kaya pala ayaw magpaligaw, may masamang balak sa kaibigan"
"Bitch"
"Malandi"

Woah. Grabe sila. Hindi ako warfreak type, I'm soft, folks. Mukha lang akong walang pakialam pero dinadamdam ko talaga 'yun. Nakakainis. 

Malapit na ako sa room ng biglang sumulpot sa harapan ko si Jeremiah "Hi baby, good morning" masiglang bati nya.

I smiled "Hello, good morning din baby, what are you doing here sa kabila kang building ah" natatawa kong pahayag. 

"Just wanna see you" kamot batok nyang saad, nagkatinginan kami at nagtawanan. Putangina. 

Naputol ang pagtatawanan namin ng biglang may bumangga sa kaliwang balikat ko. "Excuse me, 'wag sa harapan ng room maglandian" malamig na sambit ni France. Napabuntong hininga na lang kami ni Jeremiah. I know she's mad at me. No, she's not mad because I'm dating our friend, but she's mad that I, we kept it as secret. Walang pasabi. Wala man lang nakahalata. They just found out that we're boyfriends and girlfriends.

"Okay lang 'yan Rye, nagtatampo lang sila" Jeremiah is consoling me. Of course he knows that France and I are really really close friends, kaya I understand her behavior. Nakakatampo din ng slight, ano ba naman 'yung hingan sana nya ako ng explanation muna but I can't blame her, I am the one who's at fault. I just dated our friend, for all people and she doesn't know that.

"I know Je, I understand her, I should go na mag start na class ko. See you na lang sa break time, same sched naman tayo. Bye baby" pagpapaalam ko sa kanya

"Yeah, I better go ahead na, see you late, sunduin na lang kita later and sabay na tayo sa cafeteria" he said and tumingin muna sya sa loob ng room namin bago i-kiss 'yung cheeks ko. 

Pagpasok ko sa room, sa ibang upuan nakaupo si France. Magkaklase kasi kami ngayon nila France, Russel and Gabriel. Gabriel and Russel gives me a smile, I smiled back. 

Hays. Grabe talaga, umaga pa lang ganito na kabigat ang nararamdaman ko. Iba talaga kapag may tampuhan kami ni France, masyadong masakit. During our JHS days, bilang lang sa daliri ko kung ilang beses kami may tampuhan ni France, siguro ang pinakamalala na don ay yung hindi kami nagpansinan for almost 2 weeks. Pero ngayon, hindi sya malala pero eto 'yung pinakamasakit, parang kanina she's clearly iritated sa bumungad sa kanya, us, me and Jeremiah being sweet na hindi nya alam.  Sabi na eh, walang magandang mangyayari ngayong araw. 

Mabilis na lumipas ang 3 kong subject, sila Gabriel at Russel they keep on telling me na dapat ako magkwento but sabi ko tsaka na sila, unahin ko muna si France. Mataas din kasi ang pride ng babaeng yon, kahit siguro habulin ko hindi ako papakinggan, at dahil gold din ako, hindi ko din sya pinapansin. I have my reasons. Lahat ng kaibigan ko, binomba ako ng messages sa messenger, lahat sila, except kay France. Pasabog nga naman yung pagiging kami ni Jeremiah. 

Kasabay ko yung blockmate ko na si Irene palabas ng room, gutom na gutom na ako what the freak. 

"Riley, can I ask you a question?" she suddenly ask. Parang alam ko na'to

Meet me in the Afterglow [MMITA]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें