36 : Exchange Students

239 9 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

[AeU Website]

Good day Aeries! Today is the most awaited day for all of us. Please proceed to the auditorium at exactly 10 am. You're going to meet the exchange students from New York University.

Let's go AERIES! Cheers, to higher degrees!!


KINAKABAHAN AKO. MAY MANGYAYARING KAKAIBA, I SWEAR.




Wednesday ngayon at sa nagdaang 2 araw sa university, lonely ang peg ko. Tanging library atsaka room lang ang pinupuntahan ko, kahapon binisita ako ni Ynnah sa College of Engineering Department. We talk and we tease each other as usual, sobrang miss ko na talaga sila.

Sa kotse ako nakain kapag break time and lunch lagi na rin akong nagdadala ng sarili kong pagkain. Kung hindi si Ynnah ang makakausap ko, si Miss Tiffany, parang naging tagpuan na namin ni Miss ang library.


Mas naging malapit pa ako kay Miss Tiff, she's playful din and natural na ang pagsusungit. Happy pill ko na din si Ms. Krys at Kuya Hendrix, lagi akong kinikilig sa kanilang dalawa...... lalo na kay Hendrix, pa-gwapo sya ng pa-gwapo, ang dami kasing trip ni Kuya Hendrix sa panliligaw kay Miss Krys, sana all.


Siguro kapag ako ang niligawan ni Kuya Hendrix, isang bigay lang nun ng bulaklak, kahit lanta pa yan at isang petal lang, sasagutin ko na sya. Shit.


Kasalukuyan akong nasa library, wala naman kasi kaming klase, as usual nakita ko na naman si Ms. Tiffany, hindi ako umimik at tumabi lang sa kaniya, mukhang nagulat pa sya kaya natawa ako, pinalo naman nya ako sa braso.


Inilapag ko ang laptop tsaka books ko. Si Miss busy na naman sa libro nya.





"Miss, sabay na po tayo pumunta ng auditorium ha" I said, she just nodded, I hissed, sungit talaga.

Bukod kay Kuya Hendrix, girl crush ko si Ms. Tiffany, kakaiba kasi ang ganda ng isang ito. Pero yung ganda ni Miss Tiffany hindi ko kayang i-pursue, nakakahiya naman kasing tumabi sa kanya, napakaganda.

"Ms. Tiffany, ex ba ni Ms. Krys si Kuya Hendrix?" I ask.


"Hmm. Why?" pabalik na tanong nya.


"Bagay sila, ilang buwan na po bang nanliligaw si Kuya Hendrix, lagi po silang may ganap sa room namin. Nakakainggit" natatawang ani ko.


"Last week lang. They suddenly bump into each other sa Holy Sanctuary. They are college sweethearts and they broke up a year ago, but then they met again. Is it meant to be what do you think?" Ms. Tiffany ask


"Ang cool nga po ng story nila. I think so, Miss. Sana all na lang" biro ko


"Why? Wala ka bang nagugustuhan?" I laugh, she suddenly look at me.


Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now