12 : Oh Fools

258 13 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

Kinakabahan ako na pumunta ng cafeteria, I'm sure kasama na naman nila ang apat na propesora. Nahihiya kasi ako kay Miss Krys, pvtangina.

Si Ate Erin kasi natapunan pa ako, charot hindi naman sinadya. Paano ba naman kasi, suot ko kahapon yung extra shirt nya tapos nakita pa nya yung katawan ko.

Confident ako sa body ko pero nung nakita ko na pinasadahan nya ako, para akong nahiya. Grabe sya.

Hindi ko nga alam kung ibabalik ko sa kanya yung damit or hindi. Ang bango kasi tapos sobrang comfy nung shirt nya. Hingiin ko na lang. Ibigay kaya ni Ma'am? Sumbong ko sya kay Ate Krishna eh.

Sabi na eh, natatanaw ko pa lang table namin, andon na agad ang mga propesora.

"Riley babe, come here" France shouted. Napangiti na lang ako, back to normal na agad ang lahat. We talked yesterday, everything's settled already pwera lang kay Jeremiah na nanliligaw pa rin kay Irene. Meron pa ring mga absurd rumors but wala na akong pakialam, bahala kayo dyan.

Tumabi ako kay Gayle, para nasa harapan ko si Miss Krys, mas madaling makakatitig baka mas mabilis kong mahingi yung shirt. Nasa kaliwa ko naman ang atribidang Francelyn.

"Order ka na, libre daw ni Jeremiah" utos sakin ni Ynnah

"Pati sila Gayle, libre mo?" tanong ko kay Je, he simply nodded. Napatawa naman ako.

"Hala Ma'am napipilitan lang ata" pagbibiro ko, tumawa lang sila Miss Stella

Ang daldal talaga ng mga kaibigan ko, busy naman ako sa paglamon ko ng burger tsaka iced tea. Inalok ako ni Gayle ng chocolate cake, inilapit ko lang mouth ko sa spoon nya, diba Riley lang sakalam. Isang Prof. Aerielle Gayle Garcia ba naman sinubuan ka.

Lumaki ang ngiti ko, tapos nagulat ako tumawa ng malakas si Gayle tsaka si Miss Tiffany na nasa tabi ni Miss Krys. Si suplada naman tinaasan lang ako ng kilay at ngumisi. Taray talaga.

"Messy eater naman ng baby ko" panlalandi na naman ni Gayle. Hindi na talaga kami tumigil sa paglalandian everytime na nagkakasama kami. Sya nagpunas sa bibig kong may chocolate cake pala.

Feeling ko nga, pinaghihinalaan na kami ng kaibigan nya. Ang issue kasi nila. Wala lang naman kasi sakin yun and I know landi eme lang din yon ni Gayle.

"Mga Miss pwede magtanong?" biglang tanong ni Russel

"Yeah sure" matipid na wika ni Miss Tiffany, sobrang ganda talaga ni Ma'am, si Miss Tiffany parang ang sarap mahalin, mukha kasing red flag, kung lalaki lang ako, liligawan ko'to.

"Nasagap ko lang po kasi ito sa mga ka-blockmates ko, totoo po ba na may collaboration ang university natin sa isang famous brand na damit?" seryosong saad ni Russel.

"Ah. That" nagpunas si Miss Tiffany at bumaling ng tingin sa akin. Hala. Sabay sinenyasan si Gayle na parang inuutusan sya na sya ang magpaliwanag, hindi ko mapigilang mapasubsob sa balikat ni Gayle at doon tumawa.

Baka kasi tarayan ako ni Miss Tiffany kapag tinawanan ko sya, napaka strict ba naman, lagi akong nangangatog kapag Calculus.

"Hoy baby, wag ka dyan sumiksik nate-turn on ako" malanding wika ni Gayle, rinig ko ang singhapan ng mga kasama namin. Lumayo ako sa kanya at kinurot sya sa tagiliran, diba Riley lang sakalam. Close na close kasi kami ni Gayle, kaya sanay na sanay na ako sa kabastusan ng bunganga nyan.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now