72 : Exhausted

182 7 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

Pagod na pagod akong sumalampak sa bleachers. Ramdam ko na rin ang pamamawis ko, gosh. Hindi naman kasi ako sporty type, ang kaya ko lang ay baseball.

"Tubig oh" rinig kong sambit ni France, kasama kasi namin sila mag-Physical Activity, hanggang college pala pa-major ang P.E

"Francelyn, save me, para na akong mamatay" nakangusong sambit ko at kinuha ang tubig na inaalok nya

"Uso din kasi ang pahinga, natutulog ka pa ba? nakakakain nang ayos?" nag-aalala nyang tanong

"Okay lang naman ako, sobrang need lang talaga ako sa company, buti nga napagsasabay ko pa rin ang acads tsaka mga responsibility ko sa company" aniya ko.

Totoo naman kasi, halos kakastart lang ng panibagong school year tapos sobrang dami na agad mga pinaggagawa.

Noong bakasyon, sa kompanya lang ako, ang dami kong napuntahan na lugar, out of the country or out of town man. Wala akong sapat na tulog at kain sa nakalipas na 3 buwan na bakasyon, isama pa back to school na ulit.

"Bakit ayaw mo muna magpahinga at iiwan muna ulit kay Ate Shannah ang company mo? Babe, look at yourself, alam ko sobrang ganda mo at hindi iyon nababawasan pero you really look exhausted and drain, damn girl" singhal na naman ni France

I hug her "I am okay, Francelyn, really. I enjoy what I am doing, it's really exhausting but gusto ko itong ginagawa ko" malambing na turan ko

"Gosh, Rye, ang baho mo, yung pawis mo naman" taboy naman nya sa akin at pilit akong itinutulak, mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"I'm not mabaho kaya" maarteng depensa ko naman sa kanya, still hugging her hanggang sa hinayaan nya lang ako.

"Rye, ang daming gwapong nagkakagusto sayo, wala ka bang type sa kanila?" tanong ni France habang parehas kaming nanonood ng mga taong nasa gymnasium din.

"Oo nga maraming gwapo, well, ganun talaga kapag magaganda" mayabang kong sagot kaya kinurot nya ako, napatawa na lang ako

"Wala naman nagpe-pursue eh. Pati ewan ko, I'm not searching naman, baka naman kusa syang dumating kaya mag-wait na lang ako" dagdag ko pa sa kanya



"Clingy Elle" napalingon kami ni France sa biglang nagsalita, napanguso na lang ako at agad na bumitaw kay France nang tumambad sa amin ang apat na propesora.

"Ang sexy nyo mga Miss Ma'am" may pa-sipol sipol pa si Francelyn na nalalaman.

Nakasuot kasi ang apat na propesora naming kaibigan ng shorts at shirts, mga pang Physical Activity na fit. Well, totoo naman, lahat sila sexy atsaka magaganda.

Pinasadahan ko silang apat ng tingin, halatang mga kutis mayaman e tsaka alam mong hindi pinadadapuan ng mga magulang ng lamok.

Napatingin ako sa isang propesora na kanina pang nakatingin sa akin, pinasadahan ko din sya ng tingin at napanguso na lang ako dahil nakataas na naman ang kilay nito sa akin atsaka nakahalukipkip. Iniwasan ko na lang sya ng tingin dahil naiinis na naman ako sa kanya

"Elle Riley, come to my office now" kakasabi ko lang, ayan na naman sya. I mentally rolled my eyes

"Principal's office ka na naman" natatawang bulong ni France sa akin

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now