55 : Bounce back

203 10 0
                                    

ELLE RILEY GOMEZ

"Elle Riley, you should join. C'mon try something new" tudyo pa sa akin nila France.

"I can't, I want to focus on my acads right now, maybe next year" sagot ko  naman.

Nandito kami sa office ni Gayle, kanina pa nila ako dinedemonyo na mag-audition sa AeU Dance Troupe. I want to join din ..... baka sigurong bumalik ang passion ko sa ibang bagay.

"Sama ka ba later, Elle?" pagtatanong sa akin ni Gayle.

"I can't" sagot ko.

"Why?" Gayle ask ramdam ko din ang pagtingin sa akin ng iba pa naming kasama.

"Dinner night with Shannah and Angelo" I simply answered.

"Lagi mo na lang kasama sila Shannah, ipinagpapalit mo na ba ako?" napairap ako sa pag-iinarte ni Gayle atsaka hindi na pinili pang sumagot.

2 weeks na 'yung nakakalipas after ko ma-aksidente, hindi ko inakala na mangyayari 'yon sa akin, super unpredictable talaga ng life. Ayos na naman ako.

"Riley, here eat na" alok sa akin ni Louise.

"Later" matipid kong sagot.

Dahil sa mala-MMK na drama ng buhay ko, hindi ko alam hanggang ngayon pakiramdam ko gusto kong isuka lahat ng kinakain ko ..... after what happened to me and to Ren, it never been the same.

Minsan nagse-self-pity ako, nandon pa rin yung time na ramdam ko na mawawala ako sa sarili. Mas malala pala 'to 2 years ago, yung dinanas ko kay Jax. Ngayon kasi naamin ko sa sarili ko na I'm inlove with someone ...... but sadly I can't have him.

Sobrang sakit pa rin, I feel like kahapon lang nangyari ang lahat. It's really hard for me to let him go, pero ayun yung tama. Hindi na ako naging active sa social media, natatakot ako na baka mamaya ..... I'll beg ..... baka mamaya sabihan ko sya na mahal ko sya at bumalik na sya sa akin. It's funny na binigay ko sa mga friends ko 'yung number ko para doon ako i-contact, takot na takot na talaga ako.

Iniimagine ko pa lang na makikita ko sila sa facebook, parang ..... ewan ko ..... feel like I'm living corpse.

Feel ko mas lumala pa ako lalo na nung naaksidente ako. Mas naging tahimik, madalas matulala atsaka mas nasasaktan. Hindi ko alam na ganito pala kalupit ang pag-ibig, akala ko kasi bawat lilipas na araw, maiibsan yung sakit ..... but I was wrong. Parang wala syang tigil sa pagkirot.

I glance at my friends, they are having fun kahit stress na naman kami sa AeU, lahat kaming 14 nasa office ni Gayle.

It still painful, guys. My life without him feels like I would never ever be the same --- I want to tell them na I'm still in pain but I don't have the courage to do so.

But I need to moved on right? I'm thankful to them. Even though I know kung gaano nila ako gustong i-comfort at damayan, they can't kasi nakiusap ako.

Maybe someday I'll find a reason to move forward. I-I don't think my heart will let me though.

Tumabi ako kay Ynnah at kumuha ng isang slice ng pizza, kinuha ko yung kape sa harapan ko at nagtataka silang pumaling sa akin.


Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now