4 : Cafeteria

421 17 0
                                    

Kristen Ysobelle Soriano

5:30 a.m

From: Stellar Rigorr

Krys!! Good morning,
sorry to interrupt your
rest, but I forgot to contact
you last night. Ms. Therese,
our faculty head needs
the four of us in the 
conference room later,
7:00 am sharp.

Actually, I woke up because of the unending sound that came from my phone, and when I checked it ang daming missed calls and messages ni Stella. Sa aming magkakaibigan, ang rare na magtawagan or magtext kami, we prefer na sa social media na lang ang communication namin. Agad akong napabangon noong makita ko sa phone ko, akala ko kung napaano na ang magaling kong kaibigan. 

But, ano kayang kailangan sa amin ni Ms. Therese? Siya kasi ang head ng Engineering Department, ang conference room na sinasabi nya ang tanging mga head ng faculty lang ang may access, nakapasok pa kami doon everytime na nagpapatawag ang mga nakakataas ng meeting for important matters.

Papunta na ako sa AeU, kung saan ako nagtuturo. Medyo maaga pa naman kaya no need na paliparin ang kotse ko. Four years na kaming nagtuturo dito, oo kami, kaming apat na magkakaibigan. After board exam, wala sa plano namin ang magtrabaho ng sama-sama pero will ata talaga ni Lord na hanggang kamatayan kasama ko ang aking tatlong kaibigan. 

Sa apat na taon kong pagtuturo sa AeU, hindi ko maitatanggi na masaya ako sa larangan na pinili ko, passion ko kasi talaga ang magturo. Marami na akong nakakasalamuhang iba't ibang uri ng estudyante pero hindi ko maitatanggi na nasisiyahan ako na madaming humahanga sa akin magturo, sabi nga ng mga graduated students na nahandle ko, isa daw ako sa mga naging idol nila kaya mas pinag-igi nila ang pag-aaral. Para sa akin, ayun 'yung isa sa mga importanteng mga salita para sa aming mga guro, the fact na may natutunan talaga sila sayo and bonus na lang 'yung maging motivator nila.

Actually, kahit apat na taon pa lang kami nagtuturo sa university na ito, kami na atang apat ang pinakabata na professor dito, I mean may mga ka edad kami pero nasa ibang Department. Hindi naman sa pagmamayabang pero kilala kaming apat bilang magagaling na professor sa university. Salitan kaming apat kapag kailangan ng representative para umattend ng party or mga conference for AeU, mapa-local man or out of the country. Ganon, kakilala ang AeU.

College of Engineering. Basa ko sa aking isip, isa kasi ako sa mga professor ng CoE, particularly sa Mathematics in Modern World, hindi lang mga engineering students ang natuturuan ko, minsan nasa College of Health and Sciences ako, pero majority engineering students talaga. Minsan din kapag may on-leave na professor, ako ang nagtuturo kahit na ibang subject, okay lang sa akin kasi kaya ko naman.

"Bakit kaya tayo ipinatawag ni Ms. Therese" tanong ni Ae, andito pa rin pala ako sa hallway. Balak ko sanang pumunta muna ng faculty namin bago pumunta sa office ko. 'Yung faculty na sinasabi ko, lahat ng mga professor ng CoE, matatagpuan mo doon, may kanya-kanya din kaming desk tsaka may mini meeting room. May sarili din kaming office, personal office rather sa university na ito, lahat ng professors dito. Oh diba napakagalante talaga. Hindi lang naman kami, may mga dorm for students din na malapit sa university lalo na para sa mga scholars, 'yung ibang mayayaman, syempre may bayad sa AeU dorm.

"Hindi ko rin alam, nagulat na lang ako napakadaming tawag at text ni Stella. Wait, nasaan na si Stella at Tiffany?"  pagtatanong ko kay Aerielle.

"Tayo na lang iniintay girl, napaaga din daw si Ms. Therese, kaya dumiretso na tayo doon, huwag na muna tayong magbaba ng gamit. Kinakabahan din ako, ayoko munang umattend ng mga conference meeting para sa mga school, hindi pa ako nakakahanap ng mga MABABAIT na estudyante" napairap na lang ako sa huling sinabi ni Ae. Kapag sinabi nyang mababait, meaning mga magaganda or gwapong mga estudyante. Hindi naman sya nakikipag flirt INSIDE the university pero kapag may mga event sa school or pag nakakakita kami ng students sa mga mall, ay nako, napakalandi nya. Don't get me wrong, wala naman syang nagiging girlfriend or boyfriend na estudyante namin. Alam naman nya mga bawal at limitations nya kahit ganyan kalandi ang aking kaibigan.

Meet me in the Afterglow [MMITA]Where stories live. Discover now